Chapter 32

189 13 0
                                    

Everyday With You
Chapter 32

Tuluyan na ngang nakababa si Daquis at nakapag-palit na siya ng damit, suot-suot nito ang puting t-shirt at black pants habang naka-paa pa. Dumiretso naman ito sa kusina ng hindi man lang ako kinikibo.

Baliw ka Liezel, bakit mo ba kasi sinabi iyon? Wala ba talagang preno 'yang bibig mo? Nakagat ko ang ibabang parte ng labi ko habang tinitignan siyang isuot ang puting apron. Ipag-luluto niya ako kahit galit siya sa akin.

Dahil sa konsensyang meron ako ay lakas loob akong tumayo at lumapit dito "Need help?" ang tanong ko sa kanya at nakita ko ang pag-iling niya sa akin na dahilan para mapakamot ako sa ulo ko. Patay ka talaga Liezel!

"Umupo ka nalang doon" malamig na sabi niya na dahilan para ngumuso nalang ako at sinunod at sinabi niya pero ngayon ay umupo nalang ako sa tapat ng counter at pinanood lang siya na ilabas ang mga sangkap na gagamitin niya.

Hindi ko naman alam kung anong lulutuin niya dahil sinira ko ang mood, nakakapangsisi na sinabi ko iyon. Napakabastos na bibig ang mayroon ako, tsk!

Nung humarap ito sa akin ay natigilan pa ito nung nag-tama ang tingin namin na dahilan para sabay na mag-taas ang dalawa kong kilay sa pag-tataka.

Agad niyang iniwas iyon na dahilan para mas lalo akong hindi mapakali, biro lang naman ang sinabi ko pero mali ata na sinabi ko iyon at mukhang naapektuhan siya.

Hindi naman siya ganong tao, si Keziah lang naman siguro ang dinala niya dito. Panira kasi eh!

Pinatong ko nalang ang baba ko sa kamay ko at pinagmasdan nalang ito na unti-unti ng hinihiwa ang baboy sa chopping board. Ayaw ko namang umalis dahil mag-luluto narin naman siya, ang bastos ko naman kung aalis ako dahil sa hindi niya ako pinapansin.

Habang pinagmamasdan ko ito ay nakita ko ang mga ugat niya na dumadalay hanggang sa braso niya at kahit natatakpan ng sleeves ang matitipuno niyang muscles ay kita parin ang lapad ng balikat nito.

Wow, ibang klase rin pala ang katawan niya. Bakit ba ngayon ko lang napapansin ito? Minsan kasi maluwag ang suot-suot niyang damit pero ngayon ay fit na ito na dahilan para bahagya kong makita ang matipuno niyang dibdib na para bang bumabakat sa t-shirt niya.

Dahil sa iniisip ko ay nahawakan ko ang pisngi ko at naramdaman ko ang pag-init ng katawan ko. Shit! Ano bang iniisip ko? Para tuloy akong manyakis sa iniisip ko!

Naudlot ang gulo sa isipan ko ng biglang tumunog ang phone ko, agad ko itong kinuha at nakita ang pangalan ni Gio na dahilan para kumunot ang noo ko, hindi nag-tagal ay sinagot ko nalang ito.

"Hey Gio, what's up?" pag-bungad ko sa tawag niya

"Hey Liezel, libre ka ba ng Sabado?" ang tanong niya sa akin na dahilan para naman mag-taka ako, ano namang gagawin namin sa Sabado? E' ang alam ko ay pupunta kami sa birthday ni Jaochenn.

"Sabado? May pupuntahan ako pero gabi pa naman--"

Kumabog ang dibdib ko ng biglang kinuha ni Daquis ang phone ko at siya ang kumausap kay Gio "She's not free this Saturday" malamig na sabi ni Daquis habang naka-tingin sa akin na dahilan para tumaas ang kilay ko.

Siguro naman ay gabi pa ang birthday party ni Jaochenn at may time naman kaming lumabas ni Gio.

"Um.. who's this?" rinig ko pang tanong ni Gio at nakita ko ang pag-igting ng panga ni Daquis at padabog na binaba ang malaking kutsilyo na dahilan para mapalunok ako. Ano nanaman ba ang problema nito?

"Daquis.." ang sabi ni Daquis, so hindi niya parin talaga ibabalik sa akin ang phone at nag-pakilala pa talaga siya. Baka mamaya sabihin ni Gio na mag-kasama kami ni Daquis sa condo kay nila East, shit talaga!

AS 1: Everyday With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon