Everyday With You
Chapter 29Isang araw na wala kaming pasok and finally makakapag-pahinga na ako, I mean I don't spend my weekends outside dahil mas gusto kong mag-pahinga nalang sa kwarto ko.
And finally dalawang araw kong hindi makikita ang Arevello, nakakainis lang na lagi ko silang nababanggit because lagi ko silang nakikita. Dumating na ang araw na hindi ko man lang ito makikita maging maamoy lang ang pabango nito.
But after that kiss with Daquis inside my room, I was losing focus because of it. Kahit naman itanggi ko ay magaling siyang humalik, argh! Bakit hindi ko ba siya nagawang maitulak nung oras na iyon?
And that was the time I finally realized it, na gusto ko ang lalaking iyon. Out of nowhere ay nasabi ko nalang iyon, para bang sinampal iyon sa akin na oo gusto ko na talaga si Daquis Arevello but how about him?
I think he's playing on me, parang kailan lang ay sinabi niya sa akin na I'm desperate to have sex with him na kinagalit ko talaga and now nagising nalang ako sa diwa ko na gusto ko na ang lalaking iyon.
Hindi naman siguro niya kailangang malaman dahil baka mamaya pinag-lalaruan lang ako ng kupal na iyon. Pero bakit siya ba ang iniisip ko? I should spend my time with peace, not thinking about anything.
Walang buhay akong naka-tingin sa aking kama, mag-papahinga nga ako pero naka-tambay lang ako sa kwarto ko ay parang nakakabagot rin.
Napa-singhap ako at nilingon ang bintana na kung saan ay naka-upo si Daquis and everything happened.
Mariin kong pinikit ang mga mata ko at pinipilit na alisin ang nangyare "Damn.." I said at sinapo ang noo ko, that was the third time I felt his lip and I'm crazy to missed it.
Walang-gana akong tumayo at umupo sa sa gilid ng kama ko. Bigla namang may kumatok sa pinto ko na dahilan para lumapit ako para pag-buksan ito.
Bumungad sa akin si mama na naka-ngiti "Ma, bakit?" ang tanong ko dito.
"Kumain ka na ba ng breakfast?" ang tanong sa akin ni mama at tumango naman ako bilang sagot. She was still smiling at me the reason why my forehead creased, ano namang ngiti 'yan.
"Maligo ka na, may pupuntahan ka" ang sabi ni mama na dahilan para tumaas ang kilay ko at napa-singhap. Alam naman niyang pahinga ko ngayon at saan naman ako pupunta.
"Ma, alam mo namang kapag weekends e' pahinga ko" sabi ko na para bang pagod na pagod ako.
"Ah mag-papahinga ka ba...ayaw mo bang makita si Daquis sa baba?" nakangising tanong sa akin ni mama na dahilan para manginig ang labi ko. Anong sabi niya?
"Ma.." bigla nalang nawala ako sa diwa ko, parang lumabas lang sa tenga ko ang sinabi niya. No way! Pati ba naman ngayon?
"Nasa garden si Daquis kasama ang daddy mo" sabi ni mama habang tinuturo pa ang garden, nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nito.
"What the fuck.."
"Merizza Liezel! Bakit ka nag-mumura?" galit na sabi sa akin ni mama na dahilan para umiling ako at tumakbo pababa para pumunta sa garden.
Anong ginagawa ng kupal na iyon dito sa bahay ko umagang-umaga?! Hindi niya kayang mapirmi na hindi man lang ako nakikita ng isang araw? Shit talaga! Ang bilis nanaman ng tibok ng puso ko.
Hingal na hingal akong nilinga ang garden and shit! Andito nga talaga ang kupal, nung nakita ko itong naka-ngiti kasama si daddy ay parang nawala ako sa diwa ko at napatulala nalang sa kanya.
His wearing a white sweater, blue jeans and white shoes. Inuusisa ko ang bawat bahagi ng katawan nito but his lips caught my attention.
His lips is naturally red and I gulped because of this imaginations, even though napaka-simple lang ng suot niya ay nagagawa niya paring patigilin ang diwa ko dahil sa sobrang gwapo niya. He can make a simple get-up into a expensive one, isama mo pa ang mukha nito.
BINABASA MO ANG
AS 1: Everyday With You
RomansaAREVELLO SERIES #1 Merizza Liezel Zuniga is a simple rich woman with the course of business and management. She's not like the other girls who wears fancy dresses and make-ups, and she's not that typical girl to be attracted to anyone. But her pers...