Everyday With You
Chapter 39
Hindi ko maiwasang mapa-ngiti ng makita ang madaming mga bisita sa plantation namin, hindi naman namin pinag-dadamot ang ganda ng plantation namin mabuti nga at naisip ni Cessie na gawing pasyalan itong plantation kaya marami rin ang nag-punta.
Kahit nasa bahay lang ako ay tanaw na tanaw ko na ang mga bisita na nag-sisilibot sa plantation. Sila-sila Cessie at Mang Almario ang nag-aasikaso sa mga bisita habang ako naman ay patuloy parin ang pag-aasikaso sa mga nag-iinvest at sa mga mga mag-dedeliver ng mga bulaklak sa Maynila.
Masaya ako sa success namin, hindi ko naman ito magagawa ng wala sila. Nag-simula rin ako sa maliit pero pakiramdam ko ay marami ng blessings ang dumadating sa amin, maraming salamat talaga sa plantation.
Naisip ko na ito nalang ang gawin kong business dahil sa binili naman ni daddy ang malaking lupa dito sa Mindoro at napag-desisyunan ko nalang na gawin itong plantation.
Sa Cessie at Mang Almario ang una kong nakasama dito sa plantation at tinutulungan ko rin sila kapag may problema lalo na't simple lang naman ang pamumuhay nila dito sa probinsya.
"Mommy.." napa-tingin naman ako sa baba dahil sa may humihila sa damit ko at doon ko nakita si Antheia.
"Yes baby?" tanong ko dito at lumuhod para naman mapantayan ko ito.
"Mommy, can you please play with me?" tanong niya sa akin na dahilan para ilang segundo akong hindi maka-sagot. Napunta ang tingin ko sa mga papeles at sa mga files na naka-tambak sa lamesa ko, hayss marami rin akong gagawin.
Nakita ko naman ang pag-puppy eyes ni Antheia na dahilan para ngumiti ako "Okay, baby. Let's go to your room para doon tayo mag-laro" ang sabi ko sa kanya na dahilan para matuwa siya.
Kahit naman marami akong gagawin ay uunahin ko parin siya, minsan gusto niyang kasama ang mga kaibigan niya minsan naman ako at kaya ko namang ibigay sa kanya ang oras ko. Parang bonding narin naman namin ang pag-lalaro.
I want to be best when it comes to Antheia, kahit hindi ko man siya mabigyan ng kumpletong pamilya ay puwede ko rin namang mapunan ang nagagawa ng isang ama.
Alam ko hindi nawawala sa isip niya kung nasaan ba ang tatay niya e' maski rin naman ako ay hindi ko alam.
Wala naman akong balak na mag-karoon ng lalaking mag-mamahal sa akin pero kapag iyon ang gusto ni Antheia ay gagawin ko. Wala pa naman siguro sa isip niya iyon.
Okay naman siguro na kaming dalawa lang, dito sa probinsya na sobrang tahimik at walang gulo. Makakapag-aral naman siya dito ng maayos at gagabayan ko naman siya.
Umakyat naman ako sa kwarto niya at doon ko nakita ang naka-set up na tea party, nakita kong naka-upo na ang teddy bear niyang si Polly.
"Tea party?" ang tanong ko sa kanya at tumango naman siya sa akin bilang sagot.
"Yes mommy, we should act like a princess!" maligalig niyang sabi na dahilan para unti-unti akong umupo sa sahig.
Umupo narin siya sa maliit na upuan katabi si Polly at nag-simulang lagyan ang tasa na kunwari may laman.
Naka-ngiti ko lang itong pinag-mamasdan, habang patagal ng patagal ay lumalaki na pala ang anak ko. Parang pakiramdam ko ay siya na ang mag-aalaga sa akin.
Nawala naman ang iniisip ko ng makita ang isang upuan sa tabi ko na walang laman, marami naman siyang teddy bear pero wala itong laman. Nakalimutan niya sigurong lagyan ito.
"Mukhang nakalimutan mong lagyan ng bisita ang upuan na to" sabi ko kay Antheia at tinuro ang upuan na plastik sa tabi ko.
"No mommy" ang sabi niya sa akin na dahilan para kumunot naman ang noo ko. Anong ibig naman niyang sabihin? So wala talagang naka-upo dito ma teddy bear?
BINABASA MO ANG
AS 1: Everyday With You
RomansaAREVELLO SERIES #1 Merizza Liezel Zuniga is a simple rich woman with the course of business and management. She's not like the other girls who wears fancy dresses and make-ups, and she's not that typical girl to be attracted to anyone. But her pers...
