Everyday With You
Chapter 20
"Fuck! Kasama mo si Daquis?" hindi makapaniwalang sabi ni Kyla na dahilan para mapa-kamot ako sa ulo ko.
Grabeng kahihiyan ang nangyare, isa nanamang pag-kakamali at ngayon tuluyan talaga akong mapapalayo kay Daquis, ayokong malaman ni Keziah na mag-kasama kami ni Daquis, ayoko namang maka-sira ng relasyon.
"Grabe ka Liezel, ituloy mo lang yang pagiging malandi mo" sabi sa akin ni Kyla na dahilan para tignan ko siya ng masama, ano bang sinasabi niya? Imbis na tulungan niya ako ay mas gusto niya pa akong asarin.
"Pero paano? Paano kayo nag-kasama?"
Nasa corridor kami ngayon at dahil break time naman ay nililibot namin ang building "Hindi ko ba alam Kyla, hindi na ako nagulat nung nakita ko siya sa bar"
Nakakasawa ng magulat dahil kahit saan naman ako mag-punta ay makikita ko si Daquis, wala naring tigil ang pag-iba ng nararamdaman ko na totally nakakainis.
"Wow, so tinadhana talaga--"
"Cut it off, coincidence lang ang nangyare"
Kahit naman sabihin nating coincidence ay hindi parin mawala sa isipan ko kung bakit ko siya laging nakikita. Sana mawala na talaga sa isip ko ang nangyare.
"Pero ikaw, naka-ilang halik ka na kay Daquis anl feeling?" mapang-asar na tanong ni Kyla na dahilan para kurutin ko siya sa braso "Aray!"
Tumigil ka nga Kyla! Kung ano-anong sinasabi mo e" pananaway ko sa kanya, nakakainis naman siya dahil wala na talaga siyang maibigay na tulong sa akin.
"Bakit? Gusto mo naman diba? Aminin mo na kasi, gusto mo si Daquis"
Shit, mas lalong kumukulo ang dugo ko kapag mas lalo niyang dinidiin na gusto ko ang lalaking iyon pero ang alam ko sarili ko ay hindi naman.
"Puwede ba Kyla tigilan mo ako, may girlfriend yung tao oh"
"So sinabi niya sayo?" taas-kilay na tanong sa akin ni Kyla, bakit ko ba nasabi sa kanya? Ako naman ang unang naka-alam na nag-kabalikan na si Daquis at Keziah.
"Sino? Bago ba?" mas lalo tuloy akong naawa kay Daquis dahil alam ko naman kung gaano kalapit sa kanya ang mga students, baka mamaya mas maging mukha pa siyang masama.
Napa-iling nalang ako at agad na nag-salita "Hindi, tinanong ko siya kung nag-balikan na ba sila ni Keziah and he said yes"
"What?! Totoo nga ang chismis?!" gulat na gulat si Kyla dahil hindi niya inaasahan ang sinabi ko.
"Shh! Manahimik ka nga, baka mayroong makarinig sayo" I mean ayoko pa naman itong ipag-kalat sa iba dahil wala naman akong karapatan atsaka gusto kong bigyan ng privacy ang relasyon nila ni Daquis.
"So totoo nga? Nag-kabalikan na sila?" gulong-gulo si Kyla at hindi ko ba alam kung bakit parang kwinikwestiyon niya pa ang pag-babalikan ni Daquis at Keziah.
"Bakit? Mahal pa naman nila ang isa't-isa so siguro iyon na ang chance para mag-kabalikan sila" ani ko kay Kyla, nakita ko ang pag-iling nito at pag-kamot sa kanyang ulo.
"Oh, anong problema mo?" tanong ko rito, masama naman niya akong tinignan na dahilan para tumaas ang dalawang kilay ko.
"Ikaw babae, wala ka ba talagang gusto sa lalaking yun?"
I'm surprised dahil tinanong niya nanaman ako, hindi pa ba klaro ang sinabi ko? Napasinghap naman ako at pilit na pinapaintindi kay Kyla ang gusto ko.
"Kyla, wala nga akong gusto kay Daquis"
"Then what's with the kiss? I mean puwede mo naman siyang itulak or like tanggihan kasi alam mong wala kang gusto sa kanya"
BINABASA MO ANG
AS 1: Everyday With You
RomantikAREVELLO SERIES #1 Merizza Liezel Zuniga is a simple rich woman with the course of business and management. She's not like the other girls who wears fancy dresses and make-ups, and she's not that typical girl to be attracted to anyone. But her pers...
