Everyday With You
Chapter 30Unti-unti kong minulat ang mga mata ko, hindi na kasi ako makatiis na makatulog dahil sa hindi pa kami natigil ni Daquis. Napakasakit na ng pwetan ko dahil hindi pa kami natigil pero naramdaman ko narin naman ang pag-hinto namin.
I groaned as I stretched my body, kahit medyo antok-antok pa ay nakita ko ang mga dilaw na bulaklak sa labas ng bintana na dahilan para tignan ko ito. Matataas ang mga dilaw na bulaklak na masasabi kong magaganda.
"Hey.." narinig ko ang malamig na boses ni Daquis na dahilan para mapunta dito ang tingin ko, nakasandal ito sa lingkuranan at hawak-hawak ang manibela habang naka-tingin sa akin.
"Nasaan tayo?" tanong ko dito, pinunta niya naman ang tingin sa mga sunflower.
"Nasa Pangasinan" ang sabi niya sa akin na dahilan para manlaki ang mga mata ko, para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. Agad ko namang tinignan ang paligid ko and totoo nga ang sinabi niya, nasa Pangasinan kami.
"W-What are we doing here?" nalilito ko pang tanong ko sa kanya, ang akala ko ba lalabas lang kami, paano kami napunta dito sa Pangasinan? Malamang may sasakyan pero bakit dito?
"Papasyal" ang sabi sa akin ni Daquis na dahilan para mapa-iling ako at masapo ang noo ko. Iba pala ang ibigsabihin ng pag-labas sa kanya, tatlong oras siyang nag-maneho para lang makapunta kami dito.
"Hindi ko naman inaakala na aabot tayo ng Pangasinan, ang sabi mo kasi lalabas tayo" alam ba ng mga magulang ko na nandito ako? Baka nga gabihin pa ako ng uwi dahil sa mamamasyal pa kami ng kupal na to.
Pero sa loob ko ay masaya naman ako dahil ang akala kong simpleng pag-labas ay sa mall lang pero hindi, full of surprises ang kupal, akala ko naman walang kalandian sa katawan.
"Lalabas nga tayo and don't worry, alam nila mommy and daddy" kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Mommy and daddy?" naguguluhang tanong ko sa kanya
"I mean tito and tita...pinaalam na kita nung nasa kwarto ka pa at sinabi kong baka gabihin tayo ng uwi" wala na akong magawa dahil sa nandito narin naman kami, baka sabihin niya nag-iinarte pa ako.
"Lumabas nga talaga tayo.." ang sabi ko, Daquis tilted his head and stared at me as if he was memorizing my face.
"Date Liezel, date.." malamig niyang sabi na dahilan para manlaki ang mga mata ko, nga naman saan ka ba nakakita ng friendly date? Teka meron bang ganon?
Naramdaman ko nalang na para bang may nag-sasaya sa puso ko maging sa tiyan ko na dahilan para mapalunok ako. Mukhang lumalalim pa ang pag-tingin ko sa lalaking to dahil sa mga ginagawa niya.
"O-Okay.." nauutal ko pang sabi at iniwas ang aking tingin dito dahil pakiramdam ko ay magiging kamatis ako sa harap niya.
Lumabas naman si Daquis na dahilan para sundan ko ito ng tingin, umikot ito sa harap ng kotse at binuksan ang pinto sa tabi ko.
Saglitan akong natigilan at tinignan ang mukha niya, bakit ngayon niya lang pinapakita ang ganito? Ganito rin ba ang naramdaman ni Keziah nung sila pa?
Why do I feel like I'm on a relationship with this man? Bakit ba ako umaasa, e para akong lang naman ang may nararamdaman atsaka baka bumabawi lang siya dahil sa sinabi niya noon sa akin.
"What are you looking at? Gusto mong buhatin pa kita?" ang tanong ni Daquis na dahilan para bumalik ako sa diwa ko at dali-daling bumaba ng kotse niya.
Sinarado niya ang pinto at nauna ng mag-lakad sa akin, napa-singhap naman ako at sinundan nalang ito.
Nang makita ko ang entrance ay nasa Tayug sunflower park kami, ang pag-kakaalam ko ay maraming mga bulaklak dito and may sunflower maze dito.
BINABASA MO ANG
AS 1: Everyday With You
RomanceAREVELLO SERIES #1 Merizza Liezel Zuniga is a simple rich woman with the course of business and management. She's not like the other girls who wears fancy dresses and make-ups, and she's not that typical girl to be attracted to anyone. But her pers...