Chapter 27

189 12 0
                                    

Everyday With You
Chapter 27

"Inaya mo si Liezel kumain?" tanong ni East na dahilan para mapa-singhap ako. Nararamdaman kong may binabalak ang isang to e' ayaw pa kasing manahimik.

Katapat ko si Daquis na ngayon ay tahimik na kumakain at katabi naman nito si East habang si Gio naman ang katabi ko.

Tumango naman si Gio bilang sagot "Yep, parang tatanggi pa nga si Liezel pero gutom narin kasi siya kaya sumama narin sa akin" hindi naman niya siguro kailangang sabihin iyon. My gosh! Bakit parang unti-unti na akong nahuhulog sa inuupuan ko.

"Unang kita niyo palang close na kayo ni Liezel, ang pag-kakaalam ko hindi naman ganon kabilis makisama itong kaibigan ko"

Halos mapangisi nalang ako dahil sa sinabi ni East, kailan pa kami naging mag-kaibigan. Napa-sulyap naman ako kay Daquis na ngayon ay nag-tatama parin ang dalawang kilay dahil sa pagiging seryoso.

Hindi naman ako umaasa na mag-sasalita siya, hindi naman kasi nag-babago ang ugali nito, tsk!

"I could say that she's a good person naman" narinig ko naman ang pag-chuckled ni Daquis na dahilan para tumaas ang kilay ko, nag-papapansin ba siya?

"Oww, baka magustuhan mo si Liezel ha! Sinasabi ko sayo, mabait 'yan" natatawang sabi ni East na dahilan para manginig ang labi ko at hinahanap ang mga salitang dapat sabihin. Mukha siyang tanga!

"Ano ba East" pananaway ko dito, sinamaan ko ito ng tingin nung nakita kong naka-ngisi ito sa akin. Ibang klase rin pala ang hithit ng utak nito e, may masabi lang e!

"Posible naman, kapag lagi naman kaming mag-kikita baka magustuhan ko siya" mas nabigla naman ako dahil sa sinabi ni Gio, ano ba to? Unang kita banat kaagad?

Inosente lang itong naka-ngiti na dahilan para mapa-mura nalang ako sa isip ko, gusto ko nalang tumakbo palabas ng mcdo.

"Grabe ka pala Gio! Lakas parin ng amats mo sa mga babae" seryoso, parang si East pa nga ang may amats dahil kung ano-ano ang sinasabi niya may mapag-kwentuhan lang.

"Tahimik ng kasama mo" sabi naman ni Gio at tumingin kay Daquis, oo talagang tahimik talaga 'yan hindi mo mapapansin na kasama natin.

"Ay! Ito, ano ka ba! Naka-mute lang to wait lang i-unmute natin" loko-lokong sabi ni East at agad na tinapik ang balikat ni Daquis na dahilan para tignan siya nito ng masama. Parang papatay na ang tingin ni Daquis na parang ayaw ko na itong makita.

"Pinsan ko to, si Daquis. Siya pinaka-tahimik sa amin pero malakas siya sa girls" malokong sabi ni East na nataas-taas pa ang kilay. Lito-lito naman akong tumingin kay Gio at Daquis.

"Oh, ang kilala ko lang is si Jao but now siya naman" ang sabi ni Gio, inosente talaga siya no, palangiti na para bang mawawala na ang mata niya kakangiti.

"Oo bro, malaki ang pamilya namin syempre shooter ang mga tatay namin"

Tumikhim ako dahil sa sinabi niya East, anong shooter? Alam ko ang sinasabi niya pero hindi ko nalang ito pinahalata, masyado sigurong green-minded ang utak ko dahil sa sinabi niya. My gosh! East ano bang pinag-sasabi mo?!

"Hey, are you okay?" ang tanong sa akin ni Gio na kaagad ko namang tinanguan, ininom ko naman ang tubig na naka-lagay sa table. Ramdam ko rin ang pag-init ng pisngi ko dahil hindi parin mawala sa isipan ko ang sinabi ni East.

Totoo namang marami sila, ngayon ko nga lang nalaman na may kapatid pala si Daquis or maybe marami pa.

"Hey that's enough" malamig na sabi ni Daquis na dahilan para mapa-kamot nalang si East sa kanyang batok. Loko-loko ka talaga East, kahit saan talaga ikaw ang panalo sa kalokohan.

AS 1: Everyday With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon