Everyday With You
Chapter 18
"Oh bakit ayos na ayos ka?" tanong sa akin ni mama na kakapasok lang ng kwarto. Gabi na at heto ako naka-suot ng isang black dress dahil sa may pupuntahan lang ako.
"Ma, pupunta lang ako sa bar" sabi ko sa kanya at nakita ko ang kunot sa kanyang noo.
Ganyan din ang naging reaksyon ko ng malamang gusto kong pumunta ng bar, ang sabi ko sa sarili ko ay hindi na ako iinom pero heto ako ngayon papunta sa isang manahaling bar para mapag-isa.
"Hindi ba masyado ng gabi para umalis ka? Atsaka bakit ka iinom, hindi ka naman pala-inom noon ha" nakangisi naman akong tumingin kay mama habang nilalagay ang hikaw ko.
"Ma, ngayon lang naman atsaka tahimik naman yung bar na pupuntahan ko" I said and winked para naman hindi na siya mag-alala sa akin.
"Hay nako, basta umuwi ka ng maaga atsaka huwag kang masyadong uminom, sabihin mo sa driver kung anong oras ka uuwi"
I totally forgot, hindi ko pala nasabihan ang driver na aalis ako dahil sa biglaan lang ang pag-alis ko pero sa pag-baba ko nalang iyon sasabihin sa kanya.
"Mag-ingat ka ha" sinundan naman ako ni mama pababa hanggang sa dumating kami sa sala, bumungad naman sa akin ang isang driver na kakapasok lang ng bahay.
"Manong puwedeng pahatid ako" mabait na sabi ko dito
"Ah sige po ma'am, ihahanda ko lang ho yung sasakyan" sabi naman ng manong sa akin at dali-dali ng umalis para ihanda ang sasakyang gagamitin ko.
"Ma don't worry, saglitang inom lang yun at uuwi na ako kaagad"
"Bakit kasi hindi ka nalang dito uminom--"
"Ma, malaki na ako kaya ko na ang sarili ko" sabi ko habang nakangiti, alam ko namang nangangamba siya dahil sa hindi ko kasama si Kyla sa pag-punta ko sa bar pero kailangan ko muna kasing mapag-isa.
"Oh basta mag-ingat ka, hinay-hinay lang sa inom" sabi sa akin ni mama, lumapit naman ako sa kanya at hinalikan ito sa pisngi. Hindi nag-tagal ay umalis narin ako para pumunta na sa bar.
Sa tahimik na byahe ay biglang tumunog ang phone ko na dahilan para kunin ko ito, nakita ko ang pangalan ni Kyla na tumatawag sa akin, hindi naman ako nag-taka at agad na itong sinagot.
"What?" bungad ko dito
"Ikaw, pupunta ka pala ng bar hindi mo sinabi sa akin" she said the reason my forehead creased, saan niya naman nalaman na pupunta ako sa bar? Kapag nalaman niya ay baka pumunta naman siya at baka ako nanaman ang mapahamak.
"So what? Pupunta ako ng mag-isa lang hindi ka kasama atsaka saan mo naman nalaman?" ayoko lang muna ng may kasama, ang dami kong iniisip ngayon at ang dami kong pinagdaanan.
"Kay tita, kakasabi niya lang sa akin" napasinghap naman ako dahil sa sinabi ni Kyla, gusto talaga ni mama na safe ako kaya sinabi niya kay Kyla pero baka sumunod naman itong babaeng to.
"Huwag kang susunod ako lang ang iinom" this time magiging cautious na ako sa gagawin ko, wine lang naman ang iinumin ko siguro naman ay kaunti lang ang talab nito sa akin.
"My gosh! Baka mamaya mapano ka niyan, bakit kasi bigla kang iinom?" ang dami naman niyang tanong, sa totoo lang dapat lang siya magulat na iinom ako pero ito ang gusto ko, hindi naman ako mapakali kaya pinagbigyan ko na.
"Gusto ko lang mapag-isa, gusto kong uminom ng tahimik"
"Don't tell me this is about Daquis"
Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya, ano namang kinalaman ni Daquis dito? Iinom ba ako dahil sa kanya? It's definitely a no for me, atsaka ilang araw narin kaming hindi nag-kikita dahil sa busy.
BINABASA MO ANG
AS 1: Everyday With You
RomanceAREVELLO SERIES #1 Merizza Liezel Zuniga is a simple rich woman with the course of business and management. She's not like the other girls who wears fancy dresses and make-ups, and she's not that typical girl to be attracted to anyone. But her pers...
