Chapter 3

1.3K 37 1
                                    

Charles POV
Nang patulog na ako ay bigla akong napaisip, kumusta na kaya si Ate Charlene sa Japan? Happy na ba siya sa kanyang buhay?...
"May asawa na kaya siya?"
huminga lang ako ng malalim at umisip ng iba.

Hmm...naaalala ko pa yung Bestfriend ko...

Si Luna....

Siya ay ang katangi-tangi kong kaibigan, maganda, mabait, maunawain...at higit sa lahat...siya ang babaeng nagpatibok ng puso ko

at ang babaeng sumira sa puso ko...

Sumakit ang puso ko nang maalala ko yung araw na iyon,

yung araw na umamin ako...
yung araw na umalis siya...
kasi di niya ako tanggap...
di niya ako tinanggap..
bilang isang bakla...

yung tipong bumabalik ako sa pagiging lalaki sa tuwing nakikita ko siya..

Pinikit ko nalang ang aking mga mata.

At Biglang may pumasok sa aking isipan.."Hmm..ano kaya kung.."

****
Dia POV
Malumanay akong bumangon at kumuha ng gatas sa ref, di na kasi ako makatulog kaya ayun...iinom nalang ako ng gatas.

Pumikit na sana ako nang biglang dumaan sa isip ko si Charles.

Hayy nako...Kuya Charles nga naman...nakakafall kasi yung mga ginagawa mo eh...ayan tuloy...nafall ako hehehe.

Pinikit ko ang mga mata ko at nakatulog...

****
Nagulat na lamang ako nang may biglang kumatok sa aking bintana, at pagtingin ko dito ay may taong nakaitim ang suot, kaya naman nagulat ako at kinuha ang pinakamalapit na mahahawakan ko.

"S-Sino ka?! Stay right where you are!!! or...or.." napatingin na lang ako sa aking hinahawakan na unan at binato ito sa bintana.

Bigla nalang binuksan ng tao ang bintana, dali-dali naman akong tumayo para i-on ang aking ilaw at nagulat ako sa aking nakita...

Be my Pretty Man (#1 of Guilberra Series)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon