Dia's POV
"So yung introduction natin ay nagsisimula sa pag-didifferentiate ng environment noon at ngayon" pagsisimula ni Kuya Charles, "Oh Chubs? ba't tulala ka beh? may dalaw?" lumingon ako sa kanya at tinaas ko ang kilay ko, "H-Huh? H-Hindi ah! napagod lang ako..." inirapan niya lang ako at nag patuloy sa kanyang ginagawa.
Huminga lang ako ng malalim at napatulala ng ilang sandali.
"Teh! ako ang first guy na pumasok sa room mo noh?" umiling ako at lumingon kay Kuya Charles, "Ha? ano yun?" Tanong ko, "Aba! Bingi! sabi ko! ako ba ang first guy na pumasok sa room mo?" tumawa lang ako sa mga sinabi ni kuya Charles, kinuha ko ang aking laptop at nag type, "Hindi, si Kuya Darius nga eh palaging pumapasok dito, si Papa rin, sooo hindi ikaw ang "first guy" na nakapasok dito." pagkatapos ng aking sinabi ay tila nandidiri pa si kuya Charles sa aking mga sinabi, "Ew. I forgot nga pala, I'm not a guy,
I'm a girl without irl." umirap lang ako sa mga sinabi ni Kuya Charles, Aba! siya nga nag sabi na guy siya tapos may pa girl girl pa siyang nalalaman?, naputol ang aking iniisip ng biglang nagsalita si kuya Charles."So Day...may bet ka ba na t'boli?" at tila siya pa ang kinikilig sa aming dalawa, luh! parang tanga!
kung alam mo lang na ikaw ang bet ko...i-kiss nga kita jan! hmp!! "Wala." malamig kong sagot, "Walang gwapo sa school. wala akong ideal guy doon." pag dederetso kong sagot."Ang cold mo naman beh!" ngumuso lang si Kuya Charles sa aking mga sinabi at tumayo, kinuha niya ang kanyang bag at naglakad papuntang pintuan, pag bukas niya ng pintuan ay nakasalubong niya si Mama na naka tingin sa kanya. "Ah! ijo! halika kumain ka muna bago ka umalis..." ngumiti si Mama sa kanya at napangisi na rin siya kay Mama, "H-Hindi na po Tita...sa bahay na lang po ako kakain." Hinawakan ni Mama ang kanyang balikat at hinila papuntang salas, napatawa lang ako sa ginawa ni Mama, sumunod lang ako sa kanila at umupo sa tabi ni Kuya Charles at sa Harap ni Mama, umupo na rin si Mama at sumandok ng Kanin at ulam, "So..Charles right? paano kayo nagkakilala ni Dia?" pahayag ni mama na ikinapula ko, nanlaki na lang ang aking mga mata at tinignan si Mama, binigyan ko siya ng sinyales na tumigil ngunit hindi niya ito pinapansin.
Charles's POV
LUH?! ano kamo?!, wiz ko alam na may interrogation pala ditey!
Napaubo lang ako at nagpipilit na ngumiti, Oh my gulay! it's time to use my boyfie-ideal-man powers na!
"U-Um..sa literature club po" tinignan lang ako ni Dia na para bang may nakita siyang multo, "M-Ma! ano ba yan? nagkakamali po kayo! bak-" tinakpan ko ang mga bibig ni Dia para di na makasalita, ewan ko ba kung bakit ayaw kong sabihin na baklush ako sa Mader niya, "Haha! ang ibig sabihin po ni Dia ay nagkakamali po kayo! hindi po ako manliligaw ni Dia hehe.." Tumawa lang ang Mama ni Dia at patuloy na kumain,
"Ijo masyado ka talagang seryoso! of course I did'nt expect you to court Dia, bawal kasi siya mag boyfriend eh!" Nag buntong hininga lang ako at ngumisi sa kanyang ina.
Nang matapos kami kumain ay tumahimik ang paligid habang nakaupo kami ni Dia sa sofa, tumunog ang aking cellphone at kinuha ito, kumunot ang aking noo nang makita ko na tumatawag si Aling Rosa, sinagot ko ito habang may pag-aalala na tingin si Dia sa akin,
"Hello Aling Rosa?"
"Charles ijo! umuwi ka na!"
"H-Ha?? ano po? may nangyari po ba?!!!"
"Ijo! andito si Luna! nagmamakaawa dito, gusto ka raw makausap"
"Hala! ano kamo?! O-Oh sige po! uuwi na ako!"
dali-dali kong kinuha ang aking bag at nagpaalam na kay Tita Darlene at Dia, tumakbo ako papuntang bahay at nakita si Luna na lumuluhod habang umiiyak. "Charles! patawarin mo na ako! hindi ko sinasadya ang mga nangyari! I'm very sorry! I broke your heart! I don't want to lose you again!" pinatayo ko si Luna habang malamig ang tingin ko sa kanya, "Luna, why are you here?" Nakita ko ang sakit sa mga mata niya, kumirot ang aking puso habang tinititigan si Luna. "Please...please forgive me...please!"
"Luna, please don't make this hard for me, please go home..." sinuway lang ako ni Luna at paulit-ulit na nagmamakaawa, "I'm not going home until you forgive me!" Nagbuntong hininga lang ako at napansin na may nakatitig sa akin mula sa bintana sa isang bahay.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang nakatitig sa akin, huminto ng hagulgol si Luna at sinundan kung saan ako naka tingin.
Bumalik ang mga mata sa akin ni Luna at ngumit ng mapait. "Kaya pala hindi mo ako kayang patawarin, kasi natatakot ka na mahulog muli" pahayag ni Luna na ikinagalit ko. "STOP IT LUNA!" tinalikuran ko lang si Luna at pumasok na sa bahay,
Napakaraming nangyari ngayong araw...haysst Lord! konting relaxation naman oh!... Pinikit ko lang ang mga mata ko at nag-isip isip.
To be continued
BINABASA MO ANG
Be my Pretty Man (#1 of Guilberra Series)✔
Romans"Why would I want to learn to love you when you can't even catch me?" "Arghh! I'm so confused! It's all your fault! kung bakit ako nagkakaganito..Kaloka parang gusto kitang protektahan, kahit bakla ako, nabubuhayan yung pagkalalaki ko dahil sayo..sa...