Chapter 25

593 21 0
                                    

3rd Person's POV

"Dia! wait!" Sigaw ni Ian habang sinusundan si Dia. Umiling ang dalaga at nilingon si Ian. "Sabi mo ikaw na bahala! Ba't ganon? why did they kiss?!" Hagulgol ni Dia habang pinupunasan ang kanyang luha. Napailing ulit siya at ngumiti. "Sabagay..wala namang kami..and we're too young to feel love.." Panimula niya. Bumuka lang ang bibig ni Ian ngunit walang lumabas na boses.

Pinag-patuloy lang ni Dia ang kanyang gawain at nagpakalayo sa grupo. "Diang! anong nangyari sayo? jusko! mukha kang patay na kangkong!" Mapag-alala na tugon ni Rachel sa kanya. Tumango lang sa kanya ang dalaga at nag-ayos ng kanyang buhok. Kumunot ang kanyang noo nang napansin ang nag-mamagang mata ni Dia.

"Hoy! anong nangyari sayo?! ba't ganyan ang itsura mo-"

"You're right Chel...babalik rin pala ang sakit na dinanas ko noon...nakakatawa noh..ang bata bata ko pa tapos umiiyak na ako dahil sa crush.." Malamig niyang pahayag kay Rachel at umupo sa upuan. "Hayst! tama ka talaga diyan! ang landi mo kasi kaya ka nasasaktan!" Patawang ani ni Rachel. Pinalo ng dalaga ang kanyang braso at tinignan siya ng masama.

"If I know, mayroon ka ring nilalandi noon!" Sarcastic na sagot ni Dia sa kanya. Napa-buntong hininga lang si Rachel at hinimas ang likod ni Dia. "Alam mo...ang dami na nating ginawang kalokohan noon..at di ko pa rin maisip kung bakit mo nagawa ulit na umiiyak dahil sa isang manhid na tao, kung ako sayo..umalis ka sa club na iyan at mag-focus ka na lang sa studies mo.." Mahabang salaysay ni Rachel. Tumango si Dia at di na umimik.

*******

Pagkatapos ng event ay bumalik na ang lahat sa normal. Walang nag-iimikan sa Literature club and hindi na nag-pakita si Dia sa mga meetings, activities, at article readings. Napa-buntong hininga lang si Ian at tinignan ang kanyang orasan.

11:23 am, Saturday

"Mga Literature club officers! alis muna ako, pakisabi nalang sa baklang presidente natin na pupuntahan ko yung bestfriend ko." Matalim na ani niya sa buong club. Wala lang umimik nang umalis ang binata sa office.

Si Dia naman ay abala sa paggawa ng kanyang mga projects. Nang matapos niya ang kanyang mga gawain ay Kumain siya habang nanonood ng TV. Napangiti siya sa kanyang sarili. "Home alone, Finished projects, studies, Food, and TV...ahh...I love this day.." Bulong niya sa kanyang sarili. Umiling lang siya at kumain ulit.

Napadaing ang dalaga sa kanyang sarili nang may kumatok sa kanyang pintuan. Kinuha niya ang kanyang pamalo at dahan-dahan na tumungo sa pintuan. Bigla niyang binuksan ang pintuan at nagulat nang biglang may nadapa sa tapat niya. "Ian? what are you doing here???" Ani ng dalaga. Namula lang si Ian at tumayo. "U-Um..your.." Bulong ni Ian. Nang napansin ng dalaga na naka-shorts lang pala ito ay dali-dali siyang nagtungo sa kanyang kwarto at agad na nagbihis.

*****

"Umm...May dala akong pagkain. Baka kasi nagutom ka..at..um..Kumusta???"
Pangiting tanong niya kay Dia. Umiling lang ang dalaga sa kanya at di umimik. Nabalot ng katahimikan ang dalawa nang biglang nag-salita si Ian. "I'm very sorry...about Charles and Luna..hindi ko talaga alam na yun ang plano ni Luna. She said she can handle the minor activities by herself and I did'nt know na magpapatulong pala siya kay Charles.." Paliwanag niya kay Dia. Tumawa lang si Dia ng mapait at Kinain ang dala ni Ian.

"No, it's okay Ian...I can handle the pain, and like I said..we're too young for these things.." Ani niya kay Ian. Ngumiti lang ang binata sa kanya at biglang sumigla ang kanyang mga mata.

"Dia! Magbihis ka! pupunta tayo sa park!" Mabilis na tugon nito at tinulak si Dia sa kanyang kwarto. "H-Huh? anyare sayo?! anong park?!" Nalilitong tugon nito sa binata. Umirap lang si Ian at umiling. "Wala ang tanong! dalii! habang may oras paaa!" Ani niya.

Napa-iling lang rin ang dalaga at nag-bihis. Nag-suot siya ng Sweater at pajama. Paglabas niya ng kwarto ay tinignan siya ng masama ni Ian. "Seriously Dia..straight ka ba talaga? o baka tomboy ka talaga..." Panunukso nito sa dalaga. Hinila lang siya ni Dia palabas at inirapan. "Duhh..Red days ko ngayon and..Why the hell are you excited??" Tanong niya. Tinawanan lang siya ni Ian at mukhang namumula pa.

"You'll see"

To be continued

Be my Pretty Man (#1 of Guilberra Series)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon