Chapter 31

565 17 0
                                    


Dia's POV

Paggising ko ay dali-dali akong nagtungo sa guest room kung saan natutulog
si Charles. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at nakita na natutulog parin siya.

Nagsimula akong nagluto ng aming almusal. Tinignan ko ang bintana ngunit hindi ko nakita ang sasakyan nina Mama at Papa. "Hayst...umalis nanaman ang mga gurang.." Bulong ko sabay hagikgik sa aking sarili. Hinanda ko ang tray at nilagay doon ang plato at iba pang mga utensils.

Tahimik na pumasok ako sa kwarto at inilapag ang tray ng pagkain. Binuksan ko ang kurtina dahilan ng pagkunot ng kanyang noo.

"Ugh..at sinong may pakana ng-" Hindi niya natuloy ang kanyang sinabi nang makita ako. Hinalukipkip ko ang aking braso at tinitigan siya ng husto. "D-Dia?! why are you in my room?! ikaw ba ang nagpalit ng bed sheets ko? and what's with the look?" Nalilitong tanong niya sa akin. Kinuha ko lang ang tray at inilapag sa kanyang hita. "Eat..before you speak.." Diin ko sa bawat salita. Hindi lang siya umimik at nagsimulang kumain.

Bumalik ako ulit sa aking kwarto at inihanda ang dress na susuotin ko. "Nice dress.." Mahinhin na ani niya habang nakasandal sa may door frame. Nilingon ko lang siya at nagkibit balikat. "Nah..it's a plain dress..but I like it.." Napangiti ako sa aking mga sinabi at hinimas ang dress. Sinabit ko ulit ito sa aking closet at umiling. "Don't you have somewhere to be?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti siya sa aking at tuluyan nang pumasok sa aking kwarto. "So..who's your date?" Tanong niya. Ngumisi ako at lumapit sa kanya. "Bakit? selos ka?" Sagot ko sa kanya habang tumatawa. Napailing siya at tila namumula sa mga sinabi ko.

"Jusko! inday! just like I told you..I. am. not. interested. in. love!" Bulalas niya. Tinaasan ko siya ng kilay at hinalukipkip ang aking braso. "What about ate Luna? is that all fake?" Malaming na tanong ko. Natigil lang siya at biglang namutla. "She...She was my first and last love okay! past is past na yun." Diin niya sa bawat salita. Sa totoo lang ay nasaktan ako sa mga sinabi niya, but I have to keep my cool. Kinuha ko ang wallet niya sa aking drawer at binato sa kanyang mukha.

"Ow! what was that for?!" Bulalas niya sa sakit. Umiling lang ako at lumabas sa kwarto. "I just felt like throwing it.." Bulong ko. "On my face?!" Pagrereklamo niya sa akin. Tumango lang ako at hinila siya palabas ng aking kwarto. "Mag-aayos pa tayo para sa prom mamaya, since tayo ang comittee mas matagal tayo makakauwi.." Paliwanag niya sa akin. Tumango tango lang ako sa kanyang sinabi at hinanda ang gamit ko. "Halika na Kuya..palagi ka nalang kasing nalalate sa mga activities na ganito, mas mabuti kung mauna tayo sa venue.." Ngumiti lang rin siya sa aking tugon at lumabas ng bahay. "Magbibihis muna ang dyosa okey?! bawal magmukhang stress dun lalong-lalo na ako.." Bulalas niya at umalis. Tinawanan ko lang siya at umiling.

****

Napanganga lang ako sa aking natanaw ngayon, isang plain room noon pero ngayon isang malaking room na puno ng palamuti, balloons, at mga ribbons na nala palibot. May disco lights rin sa magkabilang sulok at isang malaking disco ball.

"Woah..." Hindi makapaniwalang ani ko sa aking sarili. Tumabi lang si Charles sa akin at ngumiti na parang proud sa kanyang sarili. Nilingon ko siya at binigyan ng nalilitong mukha. "What? bawal bang ma proud sa aking sarili?" Ani niya.
"Why would you be proud of yourself?" Tanong ko sa kanya. Inirapan lang niya ako at inakbayan. "Because...I planned this, I made this, and all of this is my money.." Pagmamayabang niya sa akin. Nagkibit-balikat lang ako at nagtungo sa stage. Biglang nanlaki ang aking mga mata. All of this...this is my ideal debut...from colors, to flowers, to decorations..

"Bilib na ako sayo Kuya Charles..." Pangiting ani ko at tumawa. Hindi lang siya umimik at tinitigan ako. Nabalot kami ng matinding katahimikan hanggang sa bumukas ang pintuan. "Charles! Dia! andito na pala kayo! thank goodness! magmadali na kayo, kasi buong araw tayong maghahanda para sa prom King and Queen.." Bulalas ni Yuan at dali-daling umupo sa comittee chair.

Be my Pretty Man (#1 of Guilberra Series)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon