Chapter 29

570 21 0
                                    


Napabuntong hininga lang ang dalaga at inisip ang kanyang mga hinanakit sa kanyang nakaraan. Hinintay lang siya ni Ian magsalita at palihim na hinawakan ang kamay ni Dia na nanginginig na.

Ian's POV

"U-Um..so..I met him..online. Hindi naman siya poser..at yun nga, nagkamabutihan kaming dalawa. He told me his dreams, hobbies, information about him..and we were in a relationship. But Virtual..at Pagpapanggap lang.." Mahabang salaysay niya sa akin. Inalis lang niya ang kanyang malungkot na ekspresyon at ngumiti.

"..I fell for him..pero dati lang yun." Diin niya sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya at tumango. "Anong dahilan kung bakit umiiyak ka dun sa kanya?" Mapagtataka kong tanong. Tumawa lang siya na parang may naalala sa kanyang nakaraan. "Ah yun..masyado lang talaga akong madrama noon..pero umiiyak ako dahil simula noong hindi na kami nag-uusap..may iba na pala siya. But I realized today that he's not worth crying for.." Mariin na ani niya at umirap. Kinain ko lang ang meriyenda at nagpaalam na kay Dia. Umalis na rin ako doon at kung baka sakalin pa ako ng Mama niya.

***

Dia's POV

"Oh ano? ayos ka na? baka kasi iiyak ka nanaman..eh babahain pa yung campus.." Panunukso ni Rachel sa akin. Umiling lang ako sa kanya at tumawa. "Hayst..okay lang naman ako..mas naka relax nga ako eh. At wala nang bumabagabag sa isipan ko." Ani ko sa kanya at ibinuklat ang aking libro. "Ms. Aquino? May problema ba?" Tanong ni Sir Legaspi kay Rachel. Napairap lang siya at dumuko. "Bwisit...nakalimutan ko ata na magdala ng napkin.." Bulong niya sa kanyang sarili. Narinig ko lang rin ang kanyang bulong at mas nagulat pa nung ibigay ni Sir ang kanyang jacket kay Rachel. Luh..grabe si Sir ah!

Nginitian ko lang si Sir at siniko si Rachel. Nagulat lang siya at dali-daling kinuha ang jacket ni Sir. Bumalik lang rin si Sir sa pagtuturo at hindi na rin umimik si Rachel.

***

"Luh! lakas ng tama ni sir sayo ah!" Panunukso ko kay Rachel. Napairap lang siya sa akin at tinapik ang aking balikat. "Napaka malisyoso mo talaga...alam mo kung hindi lang kita kaibigan siguro sinunog ko na iyang buhok mo.." Ani niya at tinitigan ang kanyang sarili sa salamin. "Ah! may gown ka na ba? malapit na yung prom eh..sinong ka date mo? may nagtanong na ba sayo???" Dugtong niya sa akin. Umiling lang ako at nagbuntong hininga sa kanyang sinabi. "Hayst..hindi ko nga alam kung pupunta ba ako.."

Hindi na umimik si Rachel at lumabas sa Rest Room. Sinundan ko lang siya palabas at papunta sa classroom. Napahinto kami ng lakad ng may narinig kaming sigawan sa canteen. Agad lang namin itong pinuntahan at nagulat sa aming mga nakita.

"She dosen't deserve you!"

"Oh please! you act like you know her!!!"

"Oo kilala ko na siya! ang tanga mo naman Charles! ang manhid mo pa!"

Nanlaki lang ang aking mga mata sa mga nakita ko. Ian and Charles? fighting?

"I told you that she likes you! yet you broke her heart!!!" Sigaw ni Ian at pinagsusuntok si Charles. Sinuntok lang niya pabalik si Ian at tumayo. Agad akong pumagitna sa kanilang dalawa at tinitigan sila ng masama. "What the hell are yoy two doing?! How the hell can you be leaders if you two are acting like a bunch of kids!!!" Sermon ko sa kanilang dalawa. Agad namang hinawakan ni Pin ang braso ni Charles at hinila siya papalayo.

Tinignan ko lang rin si Ian at hinila siya papunta sa clinic. Walang umimik sa aming dalawa habang naglalakad sa clinic.

****

Pagpasok namin sa clinic ay nakita namin sina Charles, Pin at Luna na nakaupo sa kama. Napabuntong hininga ako at pinaupo si Ian sa tabi ng kama nila. "Ugh! bwisit kayong dalawa! what were you two thinking?! alam niyo ba na makakasira ang reputasyon niyo sa away na iyon!?" Panimula ni Pin sa kanya. Hinimas ko lang ang likod ni Pin para kumalma ito.

"Dia...let's talk.." Maikiling pahayag ni Luna at lumabas. Kumunot ang aking noo at sinundan siya. Hindi rin maalis sa aking ang pagkakaba dahil kayang gawin ni Luna ang kahit ano sa akin. Hinawakan lang niya ang aking magkabilang balikat at niyakap ako. "I-I'm sorry...Hindi ko napigilan ang sarili ko na halikan si Charles..at alam ko na gusto mo siya..I'm very sorry Dia.." Paulit-ulit na ani niya sa akin at lumuhod. Naaawa ako kay Ate Luna...kahit na masakit yung ginawa niya ay hindi ko pa rin maisip ma kalabanin siya..

Pinatayo ko lang siya at umiling. "Okay lang yun Ate...I don't blame you..alam ko naman na mahal mo si Charles..kasi kahit ako handang magparaya sa kanya.." Pangiting tugon ko sa kanya. Pinunasan lang niya ang kanyang luha at pailing-iling na hinimas ang aking buhok.

"Ako ang dapat magparaya Dia...hindi na niya ako gusto...at gusto ko ring makabawi sa'yo.." Tumango lang ako at hindi na umimik. Tinapik niya ang aking balikat at hinila ako patungo sa clinic.

***

"Maiwan ko muna kayo..may gagawin muna ako sa office.." Pahayag ni Pin at umalis. Sinundan lang siya ni Luna at hinila pa si Ian palabas. "Ian! tulungan mo muna ako na mag-ayos sa mga documents.." Ani ni Luna at Lumabas. Inirapan lang siya ni Ian ngunit sumunod na rin.

Napabuntong hininga lang ako at naglakad palabas. Ngunit bago pa ako makalabas ay hinila ako ni Charles pabalik. Kumalma lang ang aking paghinga at hinarap siya. Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Kinuyom ko ang aking kamao at lumingon sa malayo. "I'm sorry about the kiss Dia...I was also surprised when Luna kissed me.." Ani niya at napaupo sa kama. Tumabi lang ako sa kanya at hindi umimik. "Dia..do you...like me?" Bulong niya sa akin dahilan ng pagkagulat ko. Dahan-dahan ko lang siya na nilingon at hindi makasalita.

"O-Of course! I like you! I like everyone here..." Nauutal kong pahayag sa kanya. Tumango lang siya at tila gusto pang idiin ang Tanong niya. Ngunit hindi na siya umimik pa.

"Dia..." Mahinhin niya na ani at inilapit ang kanyang mukha sa akin. Pinikit ko lang ang aking mga mata at hindi na makasalita. Buwisit...nararamdaman ko na ang hininga niya.

Hinawakan lang niya ang aking kamay at inilagay ito sa kayang ulo. Hinimas ko lang ang kanyang buhok at sumandal sa balikat niya. "We should get back you know.." Bulong ko sa kanya. Umiling lang siya at niyakap ako.

"Dito ka muna...Dito muna tayo.." Panimula niya. Isinubsob ko ang muka ko sa leeg niya at ipinikit ang aking mga mata. "Let's stay like this...huwag ka munang aalis sa tabi ko.." Dugtong pa niya at nakatulog. Hinigpitan ko lang ang pagkayakap sa kanya at Tumango.


"I won't leave you...I promise..."

Be my Pretty Man (#1 of Guilberra Series)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon