3rd Person POVNang bumalik na ang liwanag sa buong paligid ay napa buntong hininga sila lahat at nagsimulang bumalik sa stage. Habang naglalakad patungo sa stage ay sumama na rin si Luna para makisali sa party na gaganapin.
"I don't have to go with you guys..I'm not a participant.." Pailing-iling na pahayag ni Luna sa kanila, ngumiti lang si Dia at hinawakan ang magkabilang balikat ni Luna. "Ate, you are now part of the Literature club! and you should join us. Hindi naman masaya kung kami lang apat ang mag-paparty dito." Pangusong ani niya kay Luna. Bumungisngis lang si Ian sa kanila at inakbayan silang dalawa. "Huwag ka ngang KJ Luna! this party is for all of us!"
Tumango lang si Luna at sumulyap kay Charles. Umirap lang siya kay Luna at hinalukipkip ang kanyang kamay. "They're right..this party is for all of us.." Mariin na ani ni Charles sa kanya. Ngumiti lang si Luna at tumango. "Thank you.." Bibig ni Luna sa kanya. Umirap lang si Charles at saka umalis.
"Alright! let's get this party started!"
Dia's POV
Ngumiti ako sa kanilang lahat habang hinihintay ang pagsisimula ng party. Hehehe makaka chansing na yata ako neto..ngumisi lang ako sa aking inisip, tumabi ako kay Charles at ngumiti sa kanya, Nginitian lang rin niya ako at tinanaw na ang stage. "Woohoooo!!!" Sigaw ni Ian sa buong paligid, tinawanan ko lang siya at nagsimulang sumayaw.
"Graveeh si ate parang lasing kung sumayaw!" Ani ni Charles sa akin. Umirap ang ako sa kanya at pinalo ang kanyang braso. "Tsk! pinapa bad mood mo ba ako?" Pangusong ani ko sa kanya. Tumawa lang siya sa akin at bigla akong napatigil ng pagsasayaw.
Parang tumigil ang buong mundo sa kanyang tawa, Sheyt! ano na?! kenekeleg nebe eke? Di ko na namalayan na nagsitulakan na pala ang mga tao dahil sa tuwa. May isang babaeng tumulak kay Charles at nadapa sa direksyon ko, nanlaki lang ang mga mata ko nang makita ko na magkalapit na ang mga mukha namin. Nagulat rin siya sa lapit ng mukha namin at dali-daling lumayo sa akin.
"Ahem! um...sorry.." Matipid niyang ani sa akin. Lumingon lang ako sa malayo at tumango. "Okay lang.." Mahinhin kong pahayag sa kanya. Bumuo ang tensyon sa aming dalawa at tila walang ring umimik. Bumuka lang ang aking bibig ngunit wala lang rin akong masabi. Umubo lang siya at tila namumula na.
Nagsimulang umulan ng bula sa buong paligid. Namangha lang ako sa mga umuulan na bula at palihim na sumulyap kay Charles. Ngumiti ako nang makita kong kumislap ang kanyang mga mata, Parang walang problema sa buhay niya...hindi naka kunot ang kanyang noo at tila parang isang anghel na bumaba sa langit..Napansin niya na nakatitig ako sa kanya. Ngumiti lang siya at lumapit sa akin, tinaasan ko lang siya ng kilay at hinalukipkip ang braso ko. "Yes?" Tanong ko sa kanya. Umiling lang siya at biglang hinampas ang mukha ko ng bula. Napanganga lang ako sa kanya at hindi ko namalayan na nakatakas na pala siya sa akin. "CHARLES!" Hinabol ko lang siya at dinukot ang aking kamay sa bula.
Lumingon lang ako kung saan at nakita siyang nakatago sa sulok ng stage. Pinikit ko ang aking mata at hinawakan ang kanyang kamay, hinila ko lang siya papunta sa akin at sinampal siya ng bula. "Huhuhu Ateeeng! you're so crueeel!" Pag-eechos niya sa akin. Inirapan ko lang siya at tumawa. "Serves you right!" Patawa kong ani sa kanya.
Bumuntong hininga siya sa pagkatalo at bumalik na kami papunta sa quarters.Tinaasan ko lang siya ng kila at hinalukipkip ang aking braso. "Hindi pa ba natin sila tatawagin?" Mariin kong tanong sa kanya. Umiling lang siya at nagpatuloy sa paglalakad. "Iwan muna natin sila, they deserve a break.." Pangiting ani ni Charles. "Okay then.." Maikling ani ko.
Pagdating namin sa quarters ay napansin namin na naka-lock ito. "Ugh..tama nga pala..di pwedeng pumasok ang mga participants kapag may activity.." Pailing-iling na pahayag ni Charles sa kanyang sarili, tumango lang ako at lumingon sa public faucet. "Um.. we should clean ourselves siguro.." Turo ko sa faucet. Nagutungo lang kami doon at nagsimula nang tanggalin ang mga naiwang bula sa aming ulo.
Tinitigan ko lang siya ng maigi at walang malay na hinimas ang kanyang buhok. Nilingon lang niya ako at tinaasan ng kilay. "May bula kasi.." Matipid kong ani sa kanya. Tumango lang siya at biglang hinawakan ang kamay ko. "Diyan lang muna.." Pahayag niya. Nanlaki lang ang mga mata ko at namula ang aking pisngi. Hinimas ko ulit ang buhok niya. Ngumiti siya saakin at tinanggal ang aking kamay na naka patong sa ulo niya. "I want some headpats..but we should clean first.." maikli niyang pahayag sa akin.
Hay nako Charles...why are you making me fall for you even more? even though I don't have a chance...
To be continued
BINABASA MO ANG
Be my Pretty Man (#1 of Guilberra Series)✔
Romance"Why would I want to learn to love you when you can't even catch me?" "Arghh! I'm so confused! It's all your fault! kung bakit ako nagkakaganito..Kaloka parang gusto kitang protektahan, kahit bakla ako, nabubuhayan yung pagkalalaki ko dahil sayo..sa...