Chapter 19

653 21 0
                                    

3rd Person's POV

Nang naka balik sila sa quarters ay dali-daling naka-tulog si Dia dahilan ng pagkalumbay. Binantayan lang siya ni Ian hanggang sa bumalik na sina Pin, Charles, at Luna sa quarters.

Kumunot ang noo ni Charles nang makita niya si Dia na nakahandusay at nagmamaga pa ang mga mata nito.

"What happened to her?" Tanong ni Charles kay Ian. Inirapan lang siya ni Ian at di pinansin. "Napagod lang siya..may pinanood kasi sa amin kaya siya umiyak.." Ani niya kay Charles.

"We should let her rest.." Pag-alala na pahayag ni Luna sa kanila. Tumango lang sila at lumabas sa quaters maliban kay Charles.

"Charlie?" Ani ni Pin. Umiling lang si Charles sa kanya at nagpaiwan sa quarters kasama si Dia.

Charles's POV

Kumunot ang aking noo nang makita ko ang nalulumbay na mukha ni Diana. Nagbuntong hininga lang ako at hinawakan ang kanyang pisngi. "Ateng...why me?..wiz naman ako special diba?" Pailing-iling na pahayag ko sa kanya. Tumayo lang ako at lumabas na rin sa quarters para kausapin si Ian.

*****

Nang naimulat na ni Dia ang kanyang mga mata ay naghanda na rin sina Pin ng hapunan. Ngumiti lang siya sa akin at di na umimik.

"So Diana.." Panimula ni Luna. "How's your event? I heard that you cried because of the movie that you and Ian watched..." Ani niya kay Dia. Tumawa lang si Dia at umiling. "Oo nga ate..nakakaiyak talaga yung movie.." Pahayag niya kay Luna.

"Mga Merlat! bukas ay gogora na tayo, like out of here na..but before we go home, mag shoshoping muna tayooo!" Excited na pahayag ko sa kanila. Tumango lang silang lahat at nagsimulang kumain.

*****

Dia's POV

Pagkatapos namin kumain ay naghanda na ako ng matutulugan ko, ngunit bago ko pa ito magawa ay biglang may humila sa akin. "Dia, samahan mo muna ako outside! afraid kasi ako sa dark eh!" Pag-eechos ni Charles sa akin. Tinawanan ko lang siya at inirapan. Kahit gaano pala ako masaktan ay babalik at babalik pa rin pala ako sa kanya..

Paglabas namin sa quarters ay kumunot ang aking noo. "Anong gagawin natin dito?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin at hinila ako papunta sa madilim na lugar. Luh! baka kung anong gawin ng baklang to sa akin! nuuu! Lord God aym still not readyyy~~~

Umirap lang siya sa akin at binitawan ang aking kamay. "Chill merlat..di ko bet kumain ng tahong like ew!" Pandidiri niya sa akin. Tinignan ko lang siya ng masama at hinalukipkip ang aking braso.

"What are we doing here anyways?" Tanong ko ulit sa kanya. Sumilip lang siya sa puno at tinignan ang kanyang relo.."Any second now.." Pangiting ani niya sa akin. Nanlaki nalang ang aking mga mata ng may nakita akong umiilaw sa ilalim ng puno.

"Firefly?" Walang kapani-paniwalang pahayag ko. Tumango lang si Charles sa akin at tumawa. "Wala eh..sabi daw nila na may mga fireflies daw dito banda..at naisip kong dalhin ang taong mahalaga para sa akin.." Lumingon lang ako sa kanya dahil sa kanyang mga sinabi. Nang napagtanto na niya ang kanyang sinabi ay umubo siya at lumingon sa malayo.

"I mean! dinala ko na rin si Mama sa ganitong lugar...and you're a special person to me.." Bulong niya sa akin habang nakatitig sa mga alitaptap. Nilingon ko lang siya at walang malay na ngumiti.

"Special friend of course!" Pagbulalas niya at nagsimulang namula. Tahimik kami habang tinititigan ang mga alitaptap na nagsiliparan.

*****

Nang matapos namin tumingin sa mga alitaptap ay bumalik na kami sa quarters upang maka handa ng tutulugan. Hinanda ko na rin ang aking mga gamit at nauna nang natulog.

Charles's POV

"Ian dear! ihanda mo na ang mga gamit mo, pati na rin sa inyo, Pin, Luna." Tumango lang silang lahat sa akin at hinanda ang kanilang mga gamit. Kinindatan lang ako ni Luna at tinuro si Dia.

"Aray! ang sakit ng tiyan ko!" Pagbulalas ni Pin sa sakin. "Hoy! Insan! ano nanaman ang ka-echosan ang sinasabi mo diyan!?" Tanong ko sa kanya. Pumikit lang siya sa sakit at humiga sa pwesto ni Ian. Pilit rin na hindi tumawa ni Luna at humiga na rin sa pwesto na tabi kay Ian. Sumunod lang si Ian at nakatulog dahilan ng pagka-pagod.

Nanlaki lang ang aking mga mata at tinignan silang lahat. "Teka! where na ako matutulog?!" Tanong ko sa kanila. Inirapan lang nila ako at di na umimik. Like hala ka lord! ilang beses ba nila ako imamatch making chuchu kay Dia?! wiz ko na naman siya crush.! and I'm sure na wiz niya rin bet ang mga gays!

or nagkakamali lang ako?

"Hoy! bruha! umurong ka nga diyan!" Pagbulalas ko sabay kurot sa pisngi ni Pin. Dumaing lang siya sa sakit at hinampas ang aking kamay. "Shut up! can't you see I'm sleeping?!" Pabulong na ani niya sa akin.

Nag-buntong hininga na lamang ako at umupo sa natitirang espasyo kung saan sa tabi ni Dia. Humiga na rin ako at medyo hindi naging kumportable sa aking puwesto. Pinikit ko lang ang aking mga mata at sinakop na ng kadiliman.

Be my Pretty Man (#1 of Guilberra Series)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon