Chapter 23

648 24 2
                                    


3rd Person's POV

"HOY! MERLAT! GISING NA!" Sigaw na ani ng bakla. Napabangon lang ang dalaga at dumaing. "Ugh...ang ingay.." Bulong niya sa kanyang sarili. Inirapan siya ng bakla at lumabas sa kwarto upang makahanda ang dalaga.

Paglabas ni Dia sa Kwarto ay naamoy niya agad ang pagkain na inihanda ng bakla. Nilanghap niya ang amoy at umupo sa upuan. "I did'nt know that you have a talent in cooking.."

Ani niya kay Charles. Hinalukipkip lang ni Charles ang kanyang braso at tila nag-vivictory smile pa. "Tsk whatever...I know that I'm gifted in cooking.." Mayabang na pahayag nito. Umirap lang ang dalaga sa kanya at nag-dasal.

*****
"H-Hoy! dahan-dahan lang sa pagkain Dia..baka ma bulunan ka pa.." Kinakabahang ani niya. Tumigil si Dia sa pag kain at nilingon si Charles. "Ahh..sorry hehe..by the way..bakit ikaw lang ang mag-isa dito?" Nagtatakang tanong ni Dia. Napasimangot lang si Charles at umiling. Dumaan ang katahimikan at nag-buntong hininga ang bakla.

"My mom has an illness...separated kasi sila ni Papa...at si Mama ay nasa states..si Papa naman ay nakatira sa Ilocos..then si Ate Charlene ay nag-aaral ng medicine sa Japan.." Mahinang ani niya kay Dia. Napasimangot ang dalaga sa kanyang mga narinig.

"You're very lonely.." Walang malay na pahayag ni Dia. Tumango lang si Charles sa kanya at nagsimulang mag-hugas ng plato. "Well, andito naman si Pin, and Tita Joan, Josephine's mother, she always keeps an eye on me.." Pangiti niyang sagot. Nagbuntong hininga ang dalaga at pumasok ulit sa kwarto, sumunod lang si Charles sa kanya. Umupo si Dia sa kama habang si Charles ay nag-aayos ng kanyang gamit. "Di ka pa ba mag-bibihis?" Tanong niya kay Dia. Tinaasan lang ni Dia ng kilay ang binabaeng binata at umiling.

"Nope..nasa harapan lang naman ang bahay namin, and hindi mo na ako kailangan ihatid.." Ani niya kay Charles. Tumawa lang ang bakla at inilabas ang kanyang gamit. "Tsk! as if ihahatid kita! ano ako? manliligaw mo?" Natatawang pahayag ni Charles kay Dia. Tumawa lang rin ang dalaga ngunit nasaktan rin siya sa mga sinabi nito.

"Oo nga noh..Hahaha..! Oh sige aalis na ako!" Pekeng ngiti ni Dia. Kinuha lang niya ang kanyang bag at nagtungo sa pintuan. "Ah! at Bet ko nga pala kayong dalawa ni Ate Luna! nakakakilig eh!" Dugtong pa niya at saka umalis.

Napaupo lang si Charles at sumimangot. Tinitigan niya ang kama. Nakita niya ang picture frame nilang dalawa ni Luna na naka-tago sa ilalim ng drawer.
Haysst...may feelings pa ba talaga ako kay Luna?

*****

Dia's POV

Pumasok lang ako sa loob ng bahay at dumeretso sa aking kwarto. Nagbuntong hininga lang ako at humiga sa aking kama. Hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako.

Pinunasan ko ang aking luha at ngumiti. "No Dia, you are worth it...You should'nt cry anymore!!!" Ani ko sa aking sarili. Tinawagan ko lang si Rachel at kumain ng snacks.

"Hello?"

"Hi Chel!! Alamr mo buh? ang gharnda talarga ng girshing ko!"

"Luh! girl lunukin mo muna yang kinakain mo! baka mabulunan ka!"

Nilunok ko lahat ang aking kinakain at uminom ng tubig.

"Chel!! Alam mo baaa?!"

"Hindi ko alam Dia! hindi ko talaga alam!" sarcastic na pahayag ni Rachel. Umirap lang ako at ngumiti ulit.

"Tabi kaming natulog ni Charles." Mahinahon ko na tugon. Tumahimik lang ang buong paligid nang biglang sumigaw si Rachel. "AS IN?! OMG!! HOY! BAKA MAY NANGYARI SA INYO HUH! NAKU! LAGOT KA KAY TITA DARLENE NIYAN!!!" Sigaw niya sa akin. Tinakpan ko lang ang aking tenga at napaubo sa sinabi ni Rachel.

"Hoy Baliw! Malamang walang nangyari sa amin! tabi tabi kaya kaming lahat na natulog duhh!!" pag-dedepensa ko sa aking sarili. Nagbuntong hininga lang ang aking matalik na kaibigan.

"Diang! mag-usap tayo bukas! nakuuu! pag-ikaw! nahulog na diyan sa baklang iyan..mapapatay talaga kita!!" Ani niya at binaba ang tawag. Umiling lang ako at binaba ang aking cellphone.

*****

Ilang oras na ang nakalipas ay hindi pa rin dumadating sina Mama, binuksan ko lang ang supot ng chicharon at kinain ito, Duhh I'm always hungry..

Habang kumakain ako ay nakita ko ang sasakyan nila mama sa labas ng bahay

ni Charles

Tumakbo ako palabas at napanganga sa aking nakita.

Nakita ko na nagkakamabutihan si Papa at si Charles. Naglakad lang ako sa direksyon nila. "Oh Dia! hindi mo pala sinabi na kaibigan kayo ni Charles! Business partners kasi kami ng papa niya, at matalik ko rin na kaibigan.." Masayahing bulalas ni Papa. Tumango lang si Charles at umubo. "Um..oo nga po eh..si Papa ay nakatira ngayon sa Ilocos, doon po kasi pinatayo ang kumpanya namin.." Ani ni Charles, at tila nag boses lalaki pa. Nagbuntong hininga lang ako at binuhat ang mga gamit ni Mama at ni Papa. Tinulungan ako ng bakla na buhatin ang mga bagahe nina Mama at Papa.

Tahimik ang buong paligid na biglang nagsalita si Bakla. "You're lucky to have a mother and a father by your side." Ani niya habang binababa ang mga gamit. Napasimangot lang ako at Tinitigan siya. "Sorry..nga pala..about kay Papa..masyado talaga siyang palasalita.." Sagot ko. Nginitian lang niya ako at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"You don't have to be sorry Dia..I'm happy to talk with your father.." Panimula niya. "I'm very jealous of you nga eh...may pamilya ka...tapos ako..nagkawatak watak.." Bulalas niya sa lungkot. Walang-malay na niyakap ko siya at hinimas ang kanyang likod.

"Don't be jealous Kuya...You have Pin, Tita Joan, Your friends...Luna and Ian" Ani ko. Hinigpitan niya ang pagkayakap sa akin at sinubsob ang kanyang mukha sa leeg ko.

"And you..." Dugtong niya. Nanlaki ang aking mga mata at ngumiti.

"Yeah..And me.." Bulong ko. Nakita ko lang si Mama na ngumisi sa akin at pumasok sa kusina. Binitawan ko ang pagkayakap kay Charles at lumingon sa malayo.

"U-Um..thank you for helping me..." Awkward na tugon ko sa bakla. Tumawa lang siya at umiling.

"No, Thank you for lifting up my spirits..tama talaga yung sabi ng papa mo...you're the gift of the family..." Ani niya sa akin sabay bigay ng panunuksong tingin. Tinitigan ko lang siya ng masama at hinalukipkip ang aking mga kamay. "Don't tell. anyone..I mean literally Everyone." Mariin na ani ko sa kanya. Inirapan lang niya ako at pinay-payan ang kanyang sarili gamit ang kanyang kamay. "Naku! graveh si ateng! of course I'll keep it a secret.." Panunukso niya sa akin sabay kindat.

"Stop winking! baka asawahin pa kita diyan hmp!" Ani ko sa kanya. Natanto ko aking sinabi at tinakpan ang akin bibig. Tumawa siya ulit at kumindat. "Yieee! naks naman! geh merlat! I'll look forward to that!" Pag-eechos niya at saka lumabas. Hinawakan ko lang ang aking pisngi na nanginginit. Urghh! lagot ako nito!!

*****

3rd Person's POV

Nang nakalabas na ang bakla ay tumalon siya na parang nakukuryente. Walang-malay na naka-ngiti siya habang tumatalon sa kalsada.

"Waaahhhhh!!! Kalma hormones!" Kinikilig na ani niya. Kumalma lang siya at pumasok sa kanyang bahay.

A/N

Ayieee kilig daw si bakla!
Charez..Thanks for reading guys! Stay tuned muwah!😘

-senshi M

Be my Pretty Man (#1 of Guilberra Series)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon