Dia
Haysst. Ayan nanaman. Paextend-extend, since comittee ako ng school ay mas matagal kaming makaka school break. Ito na siguro yung time na maghahati hati kami ng mga teachers ng sahod. Nagkibit balikat lang ako at pailing iling na nagsulat.
Paano ba kasi, ang awkward namin ni bakla. Kahit naman nasaktan ako nung isang gabi ay nahihiya rin ako, baka iniisip niya na baliw ako. Pero infairness ah! may pa "I don't like you I don't like you" pa siya diyan eh ano kaya kung isampal ko sa kanya yung sangkatutak na documents ko. Tinatanong ko ba yung opinion niya???
I sighed at my work, ba't kasi ganun. Kung sino pa yung gusto ko yun pa yung hindi magkakagusto sa akin, sana nga si Ian nalang yung naging crush ko hmp!
"Uy! Dia! Sa akin na iyan! na overwork ka ata..." Bulalas ni Ian. Napatingin lang ako sa aking sinusulatan at umiling. Ibang papel nga yung nasulatan ko. Pero pasalamat si Ian natapos ko yung kalahati ng documents niya.
Nginitian ko lang siya at napabuntong hininga. Binigyan lang niya ako ng naaawang mukha at inakbayan. "Okay ka lang ba talaga? Tsk! bwisit talaga 'tong si Charles eh!" Bulong niya sa kanyang sarili. Hayst nga naman. Sino ako para mag judge sa feelings ni Charles? di naman ako Hukom ng Republiko ng Pilipinas. Kaya naiintindihan ko rin siya. Nagpapasalamat rin ako kahit konti, kasi hindi na siya nag pa echos echos at deretsong rejection. Di kagaya ng iba diyan. Pa fall tapos di pala sasaluin. Hindi si ko sinasabi na si Lian ha..pero parang ganun na nga. Bwisit kasi talaga yung Chinitong 'yon. Nakakagigil!
Napaisip lang rin ako, Maganda pala talaga ang name ni kuya Yuan. Nakakainlab yung Yuan Joseph Lee eh..shiniship ko rin siya kay Pin kasi, bakit hindi?
Kyle..Kyle Lian Han..'yan ang pangalan ng mokong iyon. hindi ko napansin na nasabi ko pala yung pangalang iyon sa harapan ni Ian. Nilingon lang niya ako at tinaasan ng kilay. Luh! patay...
"Ah..naisip ko lang yung pangalang iyon...hihihi.." Ani ko sa kanya at pakamot kamot ng aking ulo. May kuto ata ako..tsk. "Is he-...yung na meet mo-" Tinignan ko lang siya ng masama at hinalukipkip ang aking kamay. "Let me guess..Jen told you?" I asked him. Tumango lang siya at sumimangot. Ay Chismosang palaka!
Naman ih..feeling ko may crush ata yung bestfriend ko kay Ian, close sila eh. Napatingin lang ako ulit kay Ian at ibinaling ito sa mga documents. "Since tapos na ako...sasamahan ko muna si Yannie, baka masapak nanaman ako nun." Patawang wika ko at kumaway kay Ian. Hindi lang siya umimik at pinatuloy ang kanyang gawain. Ay snob ganern?
***
"Ay baklaaaa! ba't ka late teh?" Ay hyper ganun? Nagkibitbalikat lang ako at umupo sa bench habang nagta-type sa cellphone ko. Tinatanong kasi ni mama kung saan ako at kung sino kasama ko. Alam niyo naman, strict si Mader. Baka itakwil pa ako nun eh hahaha. "Sorry ah! busy lang sa Lit club, alam mo naman yung mga requirements dun..daig pa ang student council." Bulalas ko sa kanya. Ibinaba ko lang ang aking cellphone at tinignan ang menu. Oh lala andaming puds! umiling lang ako sa aking sarili at palihim na tumawa. "HOY MERLATUUU!" sigaw ng palaka- I mean ni Yannie sa akin. Luh! nakakasira siya ng moment teh! ansarap sampalin ng menu. Inirapan ko lang siya at binaba rin ang menu. I gripped the table firmly and stared at him- her('she' insisted kasi ehhh!)
"Panira ka rin sometimes noh?" I asked 'her'. 'She' just pouted and nodded hesitantly. Tsk tsk aba may panguso nguso pa siya. Pare-parehas lang talaga silang mga bakla! Napanguso lang rin ako sa kanya at umiling. "Order na nga tayo!" Sigaw ko at kumaway sa waiter. Pinuntahan lang rin kami ng waiter habang titig na titig ako sa menu. Paano ba kasi, ang daming pagkain na mapag-pipilian. PLUS! mukhang masasarap pa.
"Isang cesar salad with a little bit of salted egg then isang kare-kare." Ani ni Mr- este Ms. Perfect. Nakakagago na ata yung kasarian ni Yannie. Ba't ba kasi ladlad type siya, sa pagkakaalala ko nung grade six ako, malulutong pa abs neto- oops accident lang na nakita ko siyang shirtless nohhhh! Nilingon ko lang siya at binigyan ng nalilitong mukha. "Luh! akala ko ba na diet ka? bakit may kare-kare? para saakin 'yan noh?" Panunukso ko kay bakla. Sumukot lang ang kanyang mukha at parang nagmumukhang nasusuka pa. "Yuck! kadiri mo teeeh!" Pandidiri niya sa akin. Tinawanan ko lang siya at ibinaling ang aking atensiyon sa menu.
"Hmm..isang sinigang nga kuya...mukhang gutom na gutom na talaga ako eh.." Biro ko. Napatawa lang si si Kuya Waiter at tumango. "Ilan po yung rice?" Tanong niya. Nilingon ko lang si Yannie na nakatitig pa rin sa kanyang cellphone at tila agresibo mag type. Luh! may kaaway? Kawawa naman yung cellphone niya :<
Nilingon ko lang si Kuya waiter at nginitian. "Dal-" Naputol ang aking sinabi ng sumabat si Yannie. "Three please, at pakidagdag ng isang chair.." Ani niya at ibinaling ulit ang kanyang mata sa kanyang cellphone. Oh diba titig na titig talaga siya sa kanyang Iphone X. Kulang nalang ay halikan niya yung cellphone niya. Nakakapagtaka rin. Extra chair? Tapos tatlong rice? Di naman ako matakaw sa rice ah!
"May dadating ba?" I asked out of curiosity. Tumango lang si bakla at ngumisi. "Suss! magugustuhan mo siya. Parehas kayo ng ugali eh! nakakaumay naaa!" Reklamo niya sa akin. Inirapan ko lang rin siya at napabuntong hininga. Sino kaya yun. Sana naman hindi siya, Parang awkward pa kasi yung atmosphere kapag magkasama kaming dalawa. At sure ako na magkakagulo kung tatagal pa kami sa iisang lugar.
Nagsimulang magpaganda si bakla habang ako ay nakatitig sa kanya. Tsk! sayang talaga tong baklang toh! From Hot, at may malulutong na pandesal to Hot at may malulutong na pandesal pero naka make-up lang. "Huy! why are you staring? you're making me uncomfortable so stop staring losyang!" Sigaw niya sa akin. Hala tangina naman eh..nagsisimula ng skandalo si bakla. Binigyan ko lang siya ng sinyales na tumahimik pero hindi pa rin siya nakinig. Tsk kailangan ba talagang gawin yung iniisip ko?
Hayst, weak spot nga naman ni Bakla.
Napangiwi lang ako at palihim na tumawa. I carefully slid my hands under the table and acted like I was getting something. Ayun...hehehehe~ Nanlaki lang ang kanyang mga mata at umaakmang tabunan ang kanyang katawan. "Sexual Harrassment!!!" Sigaw niya ulit. I rolled my eyes at 'her' and touch 'it' again. Owh shems antigassss!
Tumawa lang ako ng malakas at inayos ang sarili ko. Ang tigas talaga ng abs ni Bakla, yummy pa. Akala niyo kung ano yung hinawakan ko nohh? ihh ang green minded niyo talaga!
Napatigil lang ang aking kalokohan ng napansin ko kung sino yung nakatayo sa may glass door. Nanlaki ang aking mga mata at biglang kumabog yung puso ko.
Napanganga lang ako habang nakatitig sa kanya.
"I-Impossible..." Bulong ko sa aking sarili.
Napalingon lang rin siya sa aking direksyon at tila nabigla.
"You..."
To be continued~

BINABASA MO ANG
Be my Pretty Man (#1 of Guilberra Series)✔
रोमांस"Why would I want to learn to love you when you can't even catch me?" "Arghh! I'm so confused! It's all your fault! kung bakit ako nagkakaganito..Kaloka parang gusto kitang protektahan, kahit bakla ako, nabubuhayan yung pagkalalaki ko dahil sayo..sa...