Chapter 15

733 25 0
                                    

Dia's POV

Habang nag-susulat ako ay naisip ko ang mga nangyari kanina. Bakit kaya mainit ang dugo ni Charles kay ate Luna? May past ba sila? pailing-iling ko na tanong sa aking sarili.

Pinatayo kami ng Coordinator at paisa-isa kaming pina-recite ng poems na ginawa namin. Kumunot lang ang noo ko at pinag-aralan ang tula na isinulat ko. "Guilberra?" Announce ng coordinator namin, huminga lang ako ng malalim at tumayo.

Habang naglalakad ako sa harapan ay biglang dumilim at tila wala na akong makita. Binuksan ng mga participants ang kanilang flashlight at nagsitakbuhan. "Okay participants! please calm down! and return to your quarters immediately. We'll continue our activity later." Mariin na ani ng Coordinator sa amin. Hinanap ko lang sina Pin at nakita ko nakatipon na. Tinaasan ko sila ng kilay at umiling. "Nasaan si Charles?" Tanong ko sa kanilang dalawa. Sinampal lang ni Pin ang kanyang noo at umirap. "Kanina pa namin siya hinahanap, pero di namin siya makita. May Nyctophobia pa naman iyon.." Daing ni Pin ng pag-alala. Tumango lang ako sa kanya at tinanaw ang paligid. Napahiwalay ako sa grupo at pumunta sa madilim na lugar. Haysst...mukhang matao pa rin kahit madilim..

Binuksan ko lang ang aking flashlight at lumingon kahit saan, Nagulat ako nang nakita ko si Charles na tila nakakita ng multo. Nakaupo siya sa sahig at tinakpan ang kanyang tenga. Huminga lang ako ng malalim at walang dalawang isip na sumingit sa mga nagtatakbuhan na mga tao. Nabangga ako ng isang malaking lalaki at nadapa. Tumayo ako ulit at tumakbo papunta sa direksyon ni Charles, dali-dali ko siyang pintayo at hinawakan ang kanyang mga balikat. "Charles! okay ka lang?!" Mapag-alala kong tanong sa kanya.

Nagbuntong hininga lang ako at umiling. Sana naman di kami maging awkward mamaya..Tinignan ko lang ang mga mata niya at bigla siyang niyakap. Nagulat lang siya sa mga ginawa ko at dahan-dahan rin akong niyakap pabalik. "Di mo naman sinabi na takot ka pala sa dilim.." Matipid kong ani sa kanya. Tumango ang siya at binitawan ako. Huhuhu gusto ko pa ng huuug!

"Saan yung iba?" Tanong ni Charles sa akin, hinalukipkip ko lang ang aking braso at umiling. "Umalis ako sa grupo para hanapin ka, sabi kasi ni Pin na may Nyctophobia ka, kaya hinanap kita." Sagot ko sa kanya. Naglakad lang ako papunta sa quaters at sumunod na rin si Charles sa akin, walang imik kaming naglalakad at tila may bumabalot na tensyon sa amin.

Umiling nalang ako at walang dalawang isip na hinawakan ang kamay ni Charles. Lumingon lang ako sa malayo para hindi niya makita ang namumulang pisngi ko. "B-Baka kasi mawala ka..takot ka pa naman sa dilim." Matipid kong ani sa kanya, tumawa lang siya sa aking sinabi at pinilipit ang mga daliri namin. "Oks lang teh! di naman ako maarte and, tama ka nga baka mawala pa ako dito." Panunuksong pahayag niya sa akin. Umirap lang ako at pumasok sa quarters namin.

"My Ghaaad nakaka-stress!" Bulalas niya ng pagka-irita. Huminga lang ng malalim si Pin at mapag-alalang niyakap si Charles.
"Insan! where were you?! alam mo ba na pinag-alala mo kami?!" Panimula ni Pin sa amin, tinignan lang ako ni Pin at tinuro. Naku po...lalabas na ata ang dragon! lumunok lang ako dahilan ng takot.
"And you! Huwag na huwag ka nang aalis sa tabi namin! don't be a rascal and running off without telling us! you made everyone worried Diana! ikaw pa naman ang pinaka-bata dito!" Galit niyang bulalas sa akin, tumango lang ako at humingi ng patawad. Hinawakan lang ni ate Luna ang balikat ko at ngumiti.

"Psst oy Dia, Charles..baka gusto niyo namang bumitaw sa isa't isa..nakaka-inggit eh.." Panunukso sa amin ni Ian. Bigla ko namang binitawan ang kamay ni Charles at walang imik na umupo.
Inirapan lang ni Ate Luna si Ian at bumalik na sa kanyang ginagawa, ganoon na rin si Pin at Charles, naiwan lang kami ni Ian at tila walanh imik sa isa't-isa.
"Tsk panira.." Tipid kong ani sa kanya at saka umalis. Nilingon lang niya ako at kinindatan. "Suus! ikaw rin chansing!" Pangiting pahayag ni Ian at bumalik sa kanyang ginagawa.

To be continued

Be my Pretty Man (#1 of Guilberra Series)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon