Chapter 8

865 33 0
                                    

"Oh my God! I-I'm so sorry!"

"O-Okay lang" Humarap ako sa taong nakabangga sa akin, Gosh..ang ganda niya...

Dia's POV

Teka..hindi ko pa siya nakikita inside the campus ah..baka visitor lang o di kaya may kapatid siya dito..

"U-Um..Ate mukhang hindi pa kita nakikita dito sa school campus ah..visitor ka po ba?"
ngumisi lang siya sa aking mga sinabi at hinawi ang kanyang buhok.

"Ah hindi..may kapatid kasi ako dito..si Lucy? kilala mo ba?" Napanganga lang ako sa kanyang mga sinabi, si Lucy? as in Lucy Vergara? wow! kaya pala! masyadong maganda si Lucy, mana siya sa kanyang ate.. "Um..Ate..ano pong pangalan niyo?" tanong ko kay ate maganda, naglakad lang siya papuntang hallway kaya sumunod nalang ako, "My name is Heatherine Luna Vergara but call me Luna na lang, I am grade 10 and I am the sister of Katherine Lucy Vergara..How about you? what is your name?" Ngumisi siya habang naglalakad papuntang classroom ni Lucy.

"Diana Zerene Guilberra po, but I prefer to be called Dia or Diana nice to meet you po Ate Luna!" Nakipag kamay ako kay Ate Luna at natawa siya sa mga galaw ko, Hala! baka may nagawa akong katatawanan...hindi ko napansin na namumula na pala ako habang tinititigan ako ni Ate Luna. "Dia! don't be embarassed, it's just that you're too formal and respectful, just talk to me like a normal friend would do" Hinawakan ni Ate Luna ang aking mga balikat at ngumiti.

"Andito na pala tayo, so..classmate mo ba si Lucy?" tanong ni Ate Luna habang nasa labas kami ng classroom ni Lucy. "Ah hindi po, magkaiba kami ng section pero nagkakamabutihan naman po kami!" sagot ko sa tanong ni ate Luna.

Binuksan lang ni Ate Luna ang classroom ni Lucy at tinawag siya. "Te Lunaaa! ba't ka andito?" Niyakap ni Lucy ang kanyang nakakatandang kapatid habang nakangiti. "Hahaha! ano ba naman yan Lucy! gusto lang kitang kumustahin and I want to enroll in this school you know.." Nanlaki ang mga mata ni Lucy habang hinila ang kanyang nakakatandang kapatid sa malayo, ngunit naririnig ko pa rin ang kanilang pinagsasalita. "B-but Ate..alam mong hindi yan pwede...masasaktan mo lang siya and he will remember the pain again.." galit na pahayag ni Lucy sa kanyang nakakatandang kapatid, tinignan na lamang ni Ate Luna si Lucy sa mga mata,

"Lucy..you know well that I did'nt mean it, and of course I was just confused of my feelings, and that's why I'm here to apologize and to give back my feelings to him..." Nagbuntong hininga na lang si ate Luna sa kanyang mga sinabi ngunit iyong ang ikinalito ko, kumunot ang aking noo at biglang kumirot ang aking puso,

sino kaya ang tinutukoy ni ate Luna?

*****

Pagkatapos noon ay bumalik na rin ako sa aming classroom at umupo na tila wala sa sarili, sinundot ni Rachel ang aking balikat at lumingon ako, "Hm? ano iyon?" nagtataka kong tanong kay Rachel,

"Dia..hinahanap ka ni Charles kanina, paguusapan ninyo yung tungkol sa trip" nanlaki nalang ang aking mga mata at lumunok, tsk tsk! bakit ko pa kasi sinabi yuuun! urghh! "Ahhh ok sige! pupuntahan ko nalang siya mamaya..." tinaas ni Rachel ang kanyang kilay at labis na pagtataka ko, ngumuso nalang si Rachel sa direksyon ko dahilan ng pagkalito ko,

sinampal nalang ni Rachel ang kanyang noo at bumulong sa akin, "Hindi na niya mahihintay ang mamaya, at andyan siya sa likod mo." ipinikit ko lang ang aking mga mata at dahan-dahan na lumingon, Lah! andito nga siya!

Hindi na ako makapagsalita dahil bigla bigla niya akong hinila papuntang office, seryoso ang tingin niya sa akin at umupo sa kanyang desk,

"Diana, kailangan ay makagawa na tayo ng introduction sa ating article, pupunta ako sa bahay mo mamaya para mas mapadali nating magawa ang intro." Napanganga lang ako sa kanyang mga sinabi, H-Ha?! sa bahay namin? ano?! hindi ito pwede! hindi ko nga makaya na pareho kami na nasa isang room at may tao, paano nalang kaya kung kami lang dalawa? Arghhh! I would rather finish the whole article by myself than be with him in one room!

Huminga nalang ako ng malalim at tumango sa kanyang pahayag, "Good! sabay na lang tayo uuwi mamaya okay day? oh sige! gogora muna ako! wiz pa tapos yung class namin eh! buh bye merlat!" At umalis na siya sa office.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa maintindihan ang mga nangyayari ngayon,

Oh my ghawd!

Be my Pretty Man (#1 of Guilberra Series)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon