Chapter 13

763 26 0
                                    

A/N

Ahem ahem! Soo I noticed na palaging Point of view nalang ng mga characters ang story, so I will try the Third Person POV to make it more realistic! Thank you for Staying 😘

Narinig ni Dia ang mga tsismisan sa labas ng Van habang sila ay nagpapagasolina. binuksan niya ang kanyang mata at di na namalayan na nakasandal na pala ang kanyang ulo sa balikat ni Ian, habang si Ian naman at tinititigan siya habang siya ay natutulog.

"Are you watching me sleep?" mariin na tanong ni Dia kay Ian, lumingon lang si Ian sa direksyon ni Charles at nakita niyang abala pa ito sa kanyang kausap. Ngumiti lang si Ian kay Dia at tumango. "Yes, bakit aangal ka ba?" pangising sagot ni Ian kay Dia. Inirapan lang siya ni Dia at nagbigay distansya sa kanilang inuupuan, nilingon rin niya si Charles at nakitang walang ka muwang-muwang ito sa mga nangyayari. Nagbuntong hininga lang si Dia at naglipat ng upuan.

Nakita ni Luna ang mga nangyayari at napansin na tumabi na pala sa kanya si Dia. "Hello po ate, dito muna ako...nakakairita kasi doon sa harapan." Pangiting pahayag ni Dia kay Luna, tumango lang si Luna at tilang may nanunuksong tingin kay Dia.

"Why won't you give him a chance? I think he likes you.." pa iling-iling na pahayag ni Luna kay Dia, tinawanan lang siya ni Dia at niyakap ang braso ni Luna. "Eh wala na siyang pag-asa eh..may nag-mamay-ari na ng puso ko.." Pag-eechos ni Dia kay Luna, hinimas lang ni Luna ang buhok ni Dia at sinandal niya ang kanyang ulo sa balikat ni Dia.

"Sana magustohan ka rin ng taong pinupusuan mo.." pangiting sabi ni Luna kay Dia.

"Sana nga ate...sana.." sagot ni Dia kay Luna at nilingon si Charles. Kumunot ang noo ni Luna kay Diana na may pagkalito sa kanyang mga mukha, umiling nalang siya at tila naka simangot.

Luna's POV

May gusto kaya si Dia kay Charles? umiling lang ako at patuloy na nag-isip. Di na importante iyon..ang importante ay maibalik ko ang pagtingin ni Charles sa akin, at mukhang mahihirapan pa ako..nilingon ko lang si Dia at ngumiti, You are kind Dia
...but I will take what is mine..

Charles's POV

Kinuha ko lang ang aking Salamin at nagsimula nang mag-paganda, wala lang! trip lang teh! di ko naman bet mang akit ng mga fafas ble! nakakasuka! at mas lalong ayaw ko sa mga tahong, I'm just an asexual human and nothing more, nothing less. Naglagay lang ako ng Pulbos at liptint sa aking mukha, nakita ko rin si Dia at Luna na nag-uusap, ngumisi ako at nilagay ang aking earphones sa aking tenga.

*****
"Mr. Sarmiento, we're here." Pahayag ng driver sa akin, nagising na rin sila Dia, Luna, Ian, at Pin, at umiling lang ako. Binuksan ko ang pintuan ng Van at inamoy ng mariin ang hangin. "Ahh..fresh air" pag-eechos ko sa aking saril. Tinignan lang ako ni Ian at inirapan, like luh? anyare dun? crush? okay ka lang ba? hehe di joke lang! maharot lang talaga ako kay Ian. Bumaba na kami lahat sa Van at nagsimulang mag sign up sa event.

Napansin ko na tinitingnan ako ng mga babae dun sa attendance table at kinindatan pa ako aba! at sila pa ang may gana na kindatan ako? no way! like ew! Inirapan ko lang sila at naglakad papunta sa aming quarters.

"Charlie? anong gagawin natin ngayon?" inip na pahayag ni Pin sa akin, inirapan ko lang siya at nagpatuloy sa paghahanap ng signal sa paligid. Ugh! oh my ghaaad! no signal?! how dare boracay?! daing ko sa aking sarili.

Nakita ko ang isang lalaki na dumaan sa aming quarter at nagtanong sa kanya. "Kuya..um hey excuse me?" lumingon siya sa akin at ikinalaki ng mga mata ko. Nilingon niya ako at ngumiti. Gosh..ba't may isang anghel na napadpad dito? at yung ngiti niya?! oh my gulay! okay! kalma selp! at itago muna si Charlie. "Yes?" matipid niyang sagot sa aking tanong.

Napanganga lang ako sa kanya, at nagulat nalang nang may biglang humawak sa aking balikat, nilingon ko lang kung sino yun at inirapan ko lang siya, "Stop touching me Luna." Malamig kong pahayag sa kanya. Ngumiti lang siya at tumango, tinanong ko ulit sa lalaki kung bakit walang signal.
"Um sorry sir...sira kasi yung tower kaya wala munang signal dito." Napa-iling lang ako sa kanya at ngumiti. "Okay then, thank you.." at umalis na ang lalaki, inirapan lang ako ni Pin at inayos ang kanyang gamit. Napatingin lang rin ako kay Dia na kausap si Ian, Naku! di ko alam kung bakit mainit ang dugo ko kapag nag-uusap si Ian at Dia. Napanguso lang ako at nag-ayos na rin ng mga gamit ko.

*****
Habang nag-papahinga sina Charles, ay lumabas muna Luna upang matanaw ang paligid, namangha siya sa ganda ng paligid at naisip na mag tampisaw muna sa dagat.

Nagbuntong hininga lang siya at tila mapait ang kanyang ngiti. "Ang laki na ng pinag-bago ni Charles...hindi na siya kagaya noon..he's a strong person and he got lucky for the people around him." Pa-iling-iling na pahayag ni Luna sa kanyang sarili. Niyakap niya ang kanyang mga braso dahil sa malamig na ihip ng hangin. Pinaasa ko lang si Charles...masakit pala..pag pinaasa ka ng isang tao.

"Ate Luna? ba't ka andito? mag tanghalian muna tayo." pangiting pahayag ni Dia sa kanya, hinimas lang niya ang buhok ni Dia at tumango.

Naglakad sila patungo sa loob ng quarter at nakita na nakahanda na ang pagkain. Umupo lang si Dia sa tabi ni Pin at Luna habang sa harapan naman niya si Charles at Ian.

"So..." pagsisimula ni Luna
"I've noticed that this place is clean..at madali lang kayo makakagawa ng article since it's open and you can feel the paradise in here" mariin na pahayag ni Luna.

"Tsk..but walang signal.." Pag-iirap na pahayag ni Charles kay Luna. Nagbigay si Pin ng nalilitong mukha kina Charles at Luna. Pumagitna lang siya at umiling. "That's nice ate! now we can finish the article in no time!" Pangiting sagot ni Pin kay luna, habang si Dia naman ay abala sa pagkain, Tinignan lang siya ng lahat habang kumakain. Nung napansin niya na tinititigan siya ng lahat ay dahan-dahan siyang lumingon at nag peace sign sa kanilang lahat.

Dia's POV

Dahan-dahan akong lumingon sa kanilang lahat at nilunok ang aking kinakain. Gosh! nakakahiyaaa! ngumiti lang ako sa kanila at nag-peace sign. "What? masarap ang pagkain eh..." pa-iling iling ko na pahayag sa kanila.

Charles's POV

"Alright!" pagsisimula ko sa kanila, "Mga Merlat! Kayo na bahala sa mga hugasin, AHEM I mean except kay Dia, Ian mag-iigip ka ng tubig while ako naman ang hahanda for our spots." Tumango lang si Luna at si Ian habang inirapan naman ako ni Pin.

Binigyan ko lang si Pin ng masupladong tingin at hinila ang tenga niya. "Aray! tangina mo kuya!" pagbulalas niya sa sakit, tinawanan ko lang siya at hinila ang magkabila niyang tenga. "Tsk! Josephine! di ka na natuto! Isusumbong talaga kita kay Tita pag naging maldita ka pa sa akin!" Pahayag ko dahilan ng paglaki ng mga mata ni Pin. "Insan naman eh! ang demonyo mo talaga! ano kaya kung isumbong kita kay Ate Charlene mo about sa pagmamaldita mo kay Lu-" At dali dali kong tinakpan ang bibig ni Pin. Tinawanan lang ako ni Luna at binigyan ako ng mapagtataka na mukha ni Dia.

"Tsk! gawin niyo na ang mga ipinagawa ko!" Mariin kong pahayag sa kanila. Sinundot lang ni Dia ang aking balikat at ngumuso. "Kuya, anong gagawin ko?" Ngumisi lang ako at hinila siya papuntang tabing-dagat. "Tulungan mo nalang ako mag-prepare!"

To be continued

Be my Pretty Man (#1 of Guilberra Series)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon