Chapter 26

575 22 1
                                    


"You'll see"

3rd Person's POV

"Uyy! ano ba talaga ang gagawin natin dito sa park?" Nagtatakang tanong ni Dia habang hinihila siya ni Ian papunta sa park. Ngumisi lang ang binata sa kanya at umiling. "Date tayo, duhh!" Panimula nito. Nanlaki ang mga mata ng dalaga at pailing-iling na umalis, ngunit hinawakan ni Ian ang mga braso nito upang hindi makawala.

"Luh! grabe ka Diang! di pa nga ako tapos magsalita! I mean as bestfriends of course! Hindi naman kita aagawin kay Charles.." Dugtong pa niya at pinaupo si Dia sa bench. Napabuntong hininga si Dia at Inirapan ang kanyang matalik na kaibigan. "Dito ka muna ah..bibili lang ako ng Ice cream.." Maikling ani nito at saka umalis.

Tinanaw lang ng dalaga ang paligid at napasimangot. Dito kami umupo ni Charles nung nakaraang araw...

Ian's POV

"Manong! Vanilla po at isang Strawberry.." Masiglang tugon ko sa nagbebenta ng sorbetes. Nginitian lang ako ng lalaki at ibinigay sa akin ang dalawang sorbetes. "Nako ijo..libre na iyan..ang swerte naman ng kasintahan mo sa iyo.." Panunukso niya sa akin at kumindat. Napalingon lang ako sa direksyon ni Dia at umiling. "Hehe...di ko po siya kasintahan..kaibigan lang po kami.." Mahinang ani ko. Tinapik lang ni Manong ang aking likod at binigyan ng masiglang ngiti. "Ijo..hindi pa huli ang lahat..kunin mo ang loob niya...kung gusto mo ang isang tao ay ipaglalaban mo talaga ang nararamdaman mo." Mariin na pahayag niya sa akin. Ngumiti lang ako at hindi pinansin ang pagkirot ng aking puso.

"Hehe..may iba na kasi siyang gusto. At mas ayaw kong madagdagan ang kanyang problema..kaya mas gugustuhin ko na tingnan nalang siya sa malayo kaysa sa umiiyak siya sa aking piling." Ani ko sabay tango sa nagbebenta ng sorbetes. Tumawa lang siya at umiling.

"Kung ganon ang pasya mo ijo..pero sabihin mo na iyang nararamdaman mo...para mailabas mo ang iyong hinanakit. Hindi naman masamang umamin sa pagtingin mo sa kanya. Diba?" Panimula niya sa akin at nilingon ang mga batang nagtatakbuhan sa playground. "Oh siya! aalis na ako! baka hinahanap na ako ng asawa ko...mag-ingat ka ijo.." Ani niya sabay bigay sa akin ng matamis na ngiti at saka umalis.

Napa-isip ako sa mga sinabi ng lalaki kanina at nilingon si Dia. Ngayon na ba ang tamang oras? Do I really have to tell her???

Umiling lang ako at umupo sa tabi niya. "Vanilla?" Ani ko sabay bigay sa kanya ng sorbetes. Tumango lang siya at ngumiti. "Salamat sa libre ah! feeling ko pinapataba mo talaga ako nito.." Pabiro niyang tugon at kinain ang sorbetes na nasa kanyang kamay. Tinitigan ko lang siya at Nagbuntong hininga.

"Dia..alam mo ba na..hindi kita hate noon pa man?" Bulong ko sa kanya. Nilingon lang niya ako at inirapan. "I know right...no one really resists me.." Pagmamayabang nito at inubos ang kanyang sorbetes. That's why I can't resist you...Pahayag ko sa aking isipan. Ginulo ko lang ang kanyang buhok at tumawa. "You and your ego Dia.." Maikling ani ko sa kanya at di na umimik.

"Thank you for cheering me up, Ian.." Tugon niya dahilan ng pagkagulat ko. Nilingon ko lang siya at tinitigan. "Always..." Panimula ko. "I'm always here to cheer you up...Dia..kahit hindi mo ako kayang pasayahin.." Bulong ko sa huling sinabi ko. Nanlaki lang ang kanyang mga mata at tila namumula na parang kamatis. "Ano? hulog na hulog ka na sa akin no? yieeee ang cute mo talaga...para kang kamatis..hehehe." Panunukso ko sa kanya. Tinignan lang niya ako ng masama at inirapan. "Ikaw kasi eh!" Sigaw niya. Tinaasan ko siya ng kilay at hinalukipkip ang aking mga kamay. "Anong ako kasi eh?" Tanong ko halo ng panunukso sa kanya. Lumingon lang siya sa malayo at di na umimik.

Is it the right time?

Sana maunawaan niya rin ako...

Kahit..hindi ako ang nilalaman ng puso niya...

Dia...

I like you...

Umiling ako at pinatayo siya sa kanyang kinauupuan. "Halika! manood tayo ng sunset!" Ani ko sabay hila sa kanya.
Napa-iling lang siya sa aking kalokohan at nag-pahila rin palapit sa fountain.

"Ang corny mo talaga! sige na nga! upo na tayo!" Pag-rereklamo niya sa akin at umupo. Umupo rin ako sa tabi niya at inakbayan siya. "Let's cherish this moment...okay? Hayaan mo muna akong maging selfish.." Ani ko sa kanya dahilan ng kanyang pag-kalito. "Luh! naka-drugs ka ba?" Panunukso niya sa akin. Tinawanan ko lang siya at umiling.

Tahimik ang paligid ng bigla ko siyang yakapin. "Dia...may sasabihin ako..." Bulong ko sa kanya. Tumango lang siya sa aking at dahan-dahan na ipinalupot ang kanyang kamay sa aking balikat.

"Hindi ko naman hinihingi ang sagot mo..and I-I just wanted you to know..." Mahinahon na pahayag ko sa kanya. Di lang siya umimik ngunit alam ko na nakikinig siya.

"I...I like you.."


A/N

Hahaha orayt sorry sa cliffhanger pero anue na? confession na eh...

Stay tuned :)

Be my Pretty Man (#1 of Guilberra Series)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon