"You..."Napalingon lang si Yannie sa aming dalawa at hinalukipkip ang kanyang kamay. "Magkakilala kayo??" Pagtatanong niya. Hindi lang ako umimik at parang napuputulan na rin ako ng hininga sa sobrang kabog ng puso ko.
Kinuyom ko lang ang aking kamao para pakalmahin ang sarili ko. Akala ko ba ang laki ng city na ito para di siya makita?! tsk! nakakinis! ang malas talaga ng buhay ko!
Napansin ko rin ang katangkaran niya. Nga naman, parang siyang kapre na nakasuot ng eyeglasses. Pero infairness ah! may kaguwapuhan rin tong mokong 'to. Napailing lang ako at ngumiti. "Ah...sorry, you look like someone I know" Wika ko. Tumawa lang si Yannie at pinaupo si Kapre- Lian sa upuan. "Dia! meet Kyle my pinsan!" Pangising ani niya. Tumango lang rin ako at binigyan siya ng pekeng ngiti. Tangina naman eh! wala na ba akong peace and quiet?
"Lian nalang ang itawag mo sa akin.." Aniya at nakipagkamay sa akin. Tinitigan ko siya at tila nababasa niya ang aking isipan. "Nice to meet you in real life.." Dugtong pa niya at hinigpitan ang pagkahawak sa aking kamay. I also gripped his hands and glared daggers at him.
"Ah..andyan na yung order natin!" Bulalas ni bakla. Binitawan ko lang ang kanyang kamay at inayos ang pagkaupo ko. Sa lahat ng tao, ba't siya pa yung pinsan ni Bakla?! tsk mga Chinese nga naman! I should've noticed it sooner.
"Dia...so anong gagawin mo ngayong week? wala namang pasok at malapit na rin ang pasko." Tanong ni Yannie. Napaisip lang rin ako kung anong gagawin ko ngayong week. Napadaing lang ako at nagsimulang kumain. "Tulog, Kain, Kain, Tulog" Bulong ulit ni Lian. Pinalo ko lang ang aking kamay sa table at tiningnan ulit siya ng masama. "The usual. Stay home, do my routine. AND Sleep, at saka sa bahay lang naman ako magcecelebrate ng christmas...I dont WANT some problems to interfere.." I exclaimed angrily. At oo pinapatamaan ko talaga yung isa diyan. Nakakainis kasi, close kami? Like huwag siyang umasta na parang kilala niya ako kasi hindi! hinding hindi niya ako kilala at ganon lang rin ako sa kanya, so quits lang kami.Siya yung umalis tapos siya naman yung babalik? Heto naman si gaga nafall, so ako talaga ngayon ang mag-aadjust?
Tumayo lang ako sa aking kinauupuan at kinuha ang aking bag. "Sorry, pinapawi na ako ni mama, alam mo naman yung mader ko parang dragon. Sige Yuan- este Yannie, mauna na ako.." Bulalas ko at nagmamadaling umalis. Hindi ko na kasi kaya. Kung kay Charles, kaya ko pang mag-stay ng ilang oras. Pero sa kanya...Hindi, Hinding hindi talaga. I feel disgusted by myself, sure na ba ako na nahulog ako sa kanya. Kasi ngayon parang bumabalik yung sakit, bumabalik ulit yung kagagahan na ginawa ko. Kasi akala ko totoo na yun eh! Nakalimutan ko lang talaga na pagpapanggap lang lahat ng iyon. At natalo ako.
Habang naglalakad ako ay hindi ko napansin na tumutulo na pala yung luha ko. Pinunasan ko lang ito, pero sa tingin ko. A simple wipe of my tears cannot erase the memories that I'm eager to forget.. Umupo lang ako sandali sa may upuan sa labas ng coffee shop at umiling. Tangina naman eh! Bakit pa kasi si Lian?! urghhh! nakakastress!
Napatigil lang ang pagtitimpi ko nang napansin ko na nasa harapan ko na pala si Demonyo. Tsk mas worse pa siya kay Satanas! Inirapan ko lang siya at hinalukipkip ang aking kamay. "Oh ano? Happy? Napaiyak mo ulit ako oh! Masaya ka na? o kulang pa? baka gusto mo pa ng paghihiganti?" Bulalas ko sa kanya. Bigla lang naging seryoso ang kanyang mukha at tinignan lang ako na kung parang walang nangyari. "Bakit ba ang big deal sayo yung nangyari noon? it's just a game right?" Wika niya. Aba't! Game? He just called that a game!!! ANG KAPAL NG MUKHA NIYA AH!
"Fyi, dati lang ako inlab sayo! at kung sa tingin mo laro lang 'yon edi wow sayo! lamunin mo na yung larong pagpapanggap natin, because we're not even old enough to be in this kind of situation!" Sigaw ko habang pabalik-balik na punas sa aking luha. "Ang kapal mo talaga..." Bulong ko sa kanya. Hindi kaya teh! feeling ko aatakihin ako ng asthma. Hinawakan ko lang ang aking dibdib para pakalmahin ang sarili ko. Humagugol lang ako at paulit-ulit na pinalo yung dibdib niya. "Ang daya mo! ba't ako pa? Kasi alam ko sa sarili ko na matalino ako! pero pag dating sayo ang bobo ko!" Hindi na eh...tapos na yun, pero bumalik pa siya. He just broke me. He lead me into insanity. Hindi lang ako natapos sa aking sinabi ng may humila sa akin.
"Dia...huminahon ka.." Ani ng taong humila sa akin. Hearing this voice just made my heart calm. It heals me slowly. Dahan-dahan lang akong tumango at kumalma. He stared at Lian coldly but calmly. "Umalis ka muna please...hindi pa niya kayang makita ka...Lian.." Aniya kay Lian. Napabuntong-hininga lang ang gago at lumakad palayo. Pinikit ko lang ang aking mga mata hanggang sa kumalma na rin pati pag-hinga ko. Tsk buti nalang dumating itong 'knight in shining armor' ko kuno- este Princess in shining armor pala. Kung hindi siya dumating siguradong taichi na ako ngayon.
"Ba't mo alam na andito ako? Stalker ka no?" Biro ko sa kanya para mapagaan ang tensiyon sa aming dalawa. Inirapan lang niya ako habang pinag-lalaruan ang kanyang mga daliri. "Kaloka ka gurl, Dito ako nag-tratrabaho pag walang pasok, at aksidente lang na nakita ko kayong dalawa. W-Well I don't want to interfere but napansin ko na nahihirapan ka nang huminga.." Wika niya sa akin. Tumango lang rin ako at hindi na umimik. I guess na nasabi na nila Mama at Papa na may asthma ako. Alam ko na kung anong ugali nila. Mga Chismosa't Chismoso eh.
"Salamat nga pala..." Mahinang tugon ko. Ngumiti lang siya sa akin at tumango. "Of course...b-basta ikaw..." Bulong niya at tila namumula. "Yieee may pa banat banat ka na pala, sa pagkaka-alala ko rejection yung natamnan ko nung isang gabi." Ani ko. Naman ih! pati pa naman si bakla pa fall na rin? Ay Ewan ko na talaga sa mga lalaki ngayon! or I mean bakla.
"I-Ikaw Dia...how do you feel about me?" Tanong niya. Napalingon lang ako sa kanya at binigyan siya ng nalilitong mukha. "Luh! ano kamo?!" Ayun! pa fall talaga tsk! alam naman niya na nasa recovery stage ako tapos ganun? Tanong tanongan lang pala ngayon?
Huminga lang rin ako ng malalim at napa-isip. Ano ba yung nararamdaman ko kapag andyan siya?
Ngumiti lang rin ako at napa-alala sa mga nangyari so far. "Well..ikaw yung crush ko na bakla." Panimula ko. Napadaing lang siya at napakamot sa kanyang ulo. Hehehe nahawa ata siya ng kuto ko, di joke lang! Hahahaha
"Ikaw yung guwapo pero hindi talented na bakla, isa o dalawa nga lang yung talent mo eh, pag-susulat at sa academics.."
"Pero kahit ganon crush pa rin kita, kahit baklita ka, or inlove ka kay Luna dati, or ano ba 'yung tumatakbong kababalaghan sa isip mo."
"Kahit mas talented sayo yung mokong 'yun, kahit mas happy pa yung buhay niya sayo, ikaw pa rin yung pipiliin ko.."
"Kasi yung kailangan ko talagang mag move on sa kanya, nakita kita. Sorry kung medyo masakit itong sasabihin ko pero nung una akala ko rebound kita. Pero habang tumatagal nahuhulog na rin ako sayo.."
"Because when I'm in my darkest days, you're always there to lighten everything up, kahit hindi mo napapansin.."
Napa-iling lang ako at hinawakan ang kanyang kamay. "Kahit sa tingin mo na hindi ka mahal ng pamilya mo, when you think that no one cares for you..I can be all that. I can be your friend, sister, mother, father, o ano bang meron diyan.." Napatingin lang rin siya sa kamay niya. Hinigpitan ko lang ang pagkahawak sa kanyang kamay at nginitian. "Take your time Charles, I won't force you to like me...basta kung kailangan mo ng kausap. Andito lang ako, Hehehe ano bayan, drama nanaman tayo." Pailing-iling kong wika sa kanya.
Charles
Hindi ako mapakali sa mga sinabi niya. She really meant that. I just stared at our hands, intertwined together. She'll wait...I know she will..
I already like you...just wait for me...
BINABASA MO ANG
Be my Pretty Man (#1 of Guilberra Series)✔
Romance"Why would I want to learn to love you when you can't even catch me?" "Arghh! I'm so confused! It's all your fault! kung bakit ako nagkakaganito..Kaloka parang gusto kitang protektahan, kahit bakla ako, nabubuhayan yung pagkalalaki ko dahil sayo..sa...