Dia's POV
Kumunot ang aking noo at nagtataka kung bakit may umiiyak sa kabilang bahay, tumayo ako sa aking kama at tumanaw sa aking bintana, Si Kuya Charles yun ah..., napansin ko rin na may kausap siyang babae, sino kaya yon..
Biglang kumirot ang puso ko ng makita silang dalawa, huminga lang ako ng malalim at mapait na tinititigan si Charles, hindi ko napansin na nakatingin na pala siya sa bintana at bigla bigla kong isinara ang bintana upang hindi niya ako makita.
"Sino kaya yung babae?"
Umiling na lamang ako at humiga sa aking kama, di ko namalayan na nakatulog na ako.
*****
Puyat akong naglakad papuntang paaralan at nag-iisip tungkol sa nangyari kagabi, Luhh! bakit kaya ayaw sabihin ni Kuya Charles kay Mama na bakla siya? may chance pa ba?, ngumiti lang ako at di ko namalayan na may humila na pala sa aking katawan.
Nanlaki ang mga mata ko nang hindi ko namalayan ang mga nangyari, tinignan ko nalang ang taong nagligtas sa akin.
"DIANA! WHAT WERE YOU THINKING?! MALAPIT KA NANG NABANGGA! NAGPAPAKAMATAY KA BA?! and you ruined my book bag!" pahayag ng taong nagligtas sa akin, tinaas ko lang ang aking kilay at umaktong parang walang nangyari, "Bakit? sinabihan ba kita na tulungan mo ako?" pagtataray ko sa kanya, sinampal naman ng tao ang kanyang noo at umiling, "Tsk! konsensiya ko kapag nabangga ka! baka ako pa ang magbabayad sa ospital kung may mangyari man sayo!" Inirapan ko lang siya at naglakad palayo, "Bakit? ikaw ba nagdri-drive? ikaw ba ang nakabangga? may sasakyan ka bang dala? diba wala! oh bakit umaasta ka na parang ikaw ang nakabangga sa akin?" inirapan niya lang ako at hinalukipkip ang mga braso niya, "Tsk! bahala ka na nga! ang lapad mo kasi eh!" At naglakad siya paalis, ngunit huminto siya at lumingon sa akin, "Halika na nga! baka mabangga ka pa diyan, ang lapad mo kasi!" hinila niya ako at naglakad kami papuntang paaralan.
*****
Pagdating namin sa paaralan ay napansin ko na may kulang, tinanaw ko ang buong paaralan ngunit di ko mabatid kung ano o sino ang kulang. Nakita ko si Rachel na papunta sa Classroom at sinundan ko na rin, "Di ko alam na friends pala kayo ni Ian.." Ngumiti si Rachel na parang nanunukso sa akin, nang malaman ko ang kanyang ibig-sabihin ay kinurot ko ang pisngi niya, "Aba! hindi noh! nagkataon lang na sabay kaming pumunta dito, at..niligtas niya yung buhay ko" Tumawa si Rachel sa aking mga sinabi, "Anong nakakatawa dun?" umiling lang si Rachel sa akin at umupo sa kanyang desk. "Hay nako! kung ako sayo Dia! si Ian ang piliin mo!" inirapan ko lang si Rachel at di siya pinansin, tinanaw ko ang bintana at nalaman kung sino o ano ang Kulang,Si Charles..
Umiling lang ako at nakinig na sa Klase, nagbuntong hininga ako at tila kinakabahan, kumunot ang noo ko nang may nakita ako sa labas,
Si Ate Luna? naka uniform?
wow! di ko alam na mas napadali niya ang pag pasok dito sa paaralan. Ngumiti ako at nakinig muli kay Sir,*****
Pagkatapos ng klase namin ay walang dalawang isip ako na pumasok sa Literature club, hinanap ko si Kuya Charles ngunit wala siya doon, nagbuntong hininga na lang ako at lumabas sa office, umirap nalang ako nang makita ko si Ian na may dala-dalang supot, "Oh? ano yan?" ngumiti si Ian sa akin at kinuha ang bag ko, tinaasan ko siya ng kilay, "Anyare sayo?" inirapan lang niya ako at naglakad,
sinundan ko siya papuntang gate, "Wala lang..dinalhan kita ng pagkain" hinalukipkip ko ang mga braso ko, "At? did I even ask you to buy for me?" tanong ko kay Ian. "Ano? ayaw mo? akin nalang" At niyakap ko ang supot para di niya makuha, "Eh! binigay mo na tapos kukunin mo ulit?"Tinawanan lang ako ni Ian at naglakad ako patungo sa aking Bahay, Umiling ako at lumingon sa kanya, "Oh? ba't mo ako sinusundan" tanong ko kay Ian, "Wala lang gusto lang kita ihatid" Ngumiti siya sa akin na ikinapula ko, tumingin lang ako sa malayo at ngumuso, "Yiee! ano! hulog ka na sa akin nohh!" tanong ni Ian at parang naunukso siya, pinalo ko lang ang braso niya at nagpatuloy sa paglalakad, "Luh! di kita bet! at saka! may nag mamay-ari na ng heart ko!" Tinawanan ako ulit ni Ian at tila may sasabihin sa akin, "Do me a favor will you? tignan mo lang ako na parang inlove ka sakin" bulong niya sa akin at ikinalito ko, "Huh?" inirapan niya lang ako, "Do it." umiling lang ako at tinitigan siya, My ghad ang lapit namin!!!, tinignan ko ang mga labi niya patungo sa kanyang mga mata, namumula na yata ang mga pisngi ko!, ngumiti lang si Ian sa akin at pilit na di tumawa, tinaasan ko lang siya ng kilay at pinikit ang aking mga mata, "3....2....1" pagbibilang niya at tila may malakas na pwersa na humila sa akin, nilingon ko lang kung sino iyon at nanlaki ang aking mga mata,
"Kuya Charles?!" Tinignan lang ako ng masama ni kuya Charles at ibinaling ito kay Ian, "Back. off. Ian." Kumunot ang noo ko at tila nalilito sa mga sinabi ni Charles.
"Hehe aalis na po Pres!" At naglakad papalayo si Ian, nilingon niya ako at kumindat, "You're welcome." bibig niya sa akin, ngumiti lang ako sa kanya at nag thumbs up,
Hinawakan ni Charles ang balikat ko, "Okay ka lang ba?, sinaktan ka ba niya?" Tinaasan ko siya ng kilay at tila naramdaman niya kung bakit ako nagtataka, "Ahem! I-I mean! okay ka lang ba? wiz ka ba niya sinaktan? naku! majojombag ko talaga yung t'boli na yun!" Tinawanan ko lang si Kuya Charles at umiling.
"Hindi po kuya, at saka, bakit ka umabsent kanina?" tanong ko kay Charles, "Ahh eh..may sakit kasi ako kaya ako naka absent kanina." sagot niya sa akin, huminga ako nang malalim at ngumiti kay Kuya Charles, "Oh sige kuya, uuwi na ako." kumunot ang noo niya at sinundan ako.
"Anong uwi uwi diyan? may pupuntahan tayo noh!" Umiling ako at tumawa, "Hindi pwede kuya! may curfew ako at hindi papayag sila mama na gagala ako..." Inirapan lang ako ni Kuya Charles at may tinapon siyang supot, "Suotin mo yan para di ka mag mukhang basura, may pupuntahan tayo, at nagpaalam na ako sa Mader mo!" pahayag ni kuya Charles.
"H-Huh?! paano mo siya napapayag na gumala ako?" Humalukipkip lang si kuya Charles at Inirapan ako, "Wala nang tanong tanong! just wear the clothing and gogora na tayooo!" excited na pahayag ni Kuya Charles sa akin, nagbuntong hininga lang ako at nagbihis sa isang public Cr, paglabas ko ay nakita ko si Kuya Charles na naka Polo at pantalon, maayos ang buhok niya pero naka liptint at blush pa rin, nakita niya rin ako at ngumiti siya sa akin.
Namula ako at tila mabilis ang pagtibok ng puso ko,
Sheyt ang gwapo ng baklang toooh!
Hinila niya ako at naglakad kami sa isang magandang Park, walang tao at mararamdaman mo ang kapayapaan dito.
"Let's go, shall we?"
Ngumisi siya sa akin at hinila ako papasok sa Park._____________________________
A/N
Hayieee mga mananap! I hope you like my story! please comment or vote on this chapter, thank you~
BINABASA MO ANG
Be my Pretty Man (#1 of Guilberra Series)✔
Romance"Why would I want to learn to love you when you can't even catch me?" "Arghh! I'm so confused! It's all your fault! kung bakit ako nagkakaganito..Kaloka parang gusto kitang protektahan, kahit bakla ako, nabubuhayan yung pagkalalaki ko dahil sayo..sa...