Dia's POV"Huy! Diang!" Nawala lang ako sa aking iniisip nang masampal ni Rachel ang braso ko. "Kanina ka pa nakatingin kay bakla ah..tinamaan ka na noh?" Panunukso niya sa akin. Napairap lang ako sa kanya at umiling. "Hindi ah! marami lang kasi akong iniisip.." Depensa ko sa kanya. Nilingon ko si Bakla at nakita na nakikipag-usap siya sa date niya. Char ang haba ng hair ni Ate girl ah..
"Welcome to Stellar 2019 of Clarkson International School, may we welcome Mrs. Theresa Aquino Clarkson for her opening remarks." Anunsyo ng emcee namin, lahat kami ay nagpalakpalan kay Mrs. Clarkson. She is the most generous principal that I'd ever seen, like I have seen an angel in front of me.
"To all my students..I am very pleased to see you in glittering, silky, colorful Gowns, dresses and Tuxedos. Nakikita ko na lumalaki na ang mga studyanteng lumaki mismo sa paaralan ko." Panimula niya at tila hindi na matago ang kanyang ngiti. Tumawa ang karamihan sa amin at kasali na rin ako doon. Noon pa man ay itinuri na rin kaming pamilya ni Ma'am. "I would like to thank our coordinators, Ms. Athena Hernandez, Mr. Tyron Quintel Legaspi, and Ms. Queenie Maureen Saragosa, and also the clubs and the student council. I am very much thankful for your cooperation, Enjoy prom and have a great night.." Mahabang salaysay niya sa aming lahat at bumaba sa stage. Nagpalakpakan kaming lahat at bumalik sa aming kinauupuan.
***
Habang abala ako na lumalamon ng pagkain ay napansin ko na abala rin ang bakla sa pakikipag-usap kay Vanessa, sabagay yung tipo ni Ness ang ideal ni Kuya Charles. Hindi ko nga alam kung bakit nakipagkaibigan pa yung bakla sa akin. Napailing lang ako sa aking iniisip at umupo.
Kung di lang rin ako comittee ng prom ay hindi talaga dapat ako dumayo. Parties like this are not my thing, maraming bawal, at maraming requirements.
Naaalala ko pa nga yung mga sermon ni mama sa akin.
Bawal kang magboyfriend!
Bawal kang lumabas ng bahay!
Bawal kang gumala!
Bawal kang mahuli sa paguwi!
Kailangan mataas ang grades mo!
Kailangan maganda ka!
Kailangan maging mahinhin ka!Napatawa lang ako sa ala-ala na iyon, kahit mahigpit kasi sila mama ay naeenjoy ko rin yung mga rules nila. Maliban sa "Magpaganda" at "Maging Mahinhin". Mga kabaliwan ko talaga. At habang tumatagal ay lumuluwag sila sa akin. Nahinto lang lahat ng iniisip ko nang may sumundot sa aking balikat.
"Dia..tama na ang kain, baka maubos mo lahat ng pagkain dito..at! magaanunsyo na rin sila ng Prom King at Queen ngayon.." Sabik na pahayag ni Rachel. Pinagpag ko lang ang dress ko at tumayo. "Luh! girl san ka pupunta?!" Aniya. Hindi ko na kasi mahintay yung mga announce announce nila. Only beautiful ang sexy girls are allowed to be queens kaya lalabas nalang ako ng venue, to clear my messed- up mind.
Charles's POV
Nang marinig ko ang announcing ng Prom King at Queen ay bigla akong napatayo sa aking kinauupuan. I don't know but, I am very excited kahit alam ko na kung sino ang prom King at Queen. Palingon-lingon ako sa mga tao at nakikita ko na excited na rin sila sa announcement.
"Okay folks! for this time we are going to announce our handsome prom king of the year...drum roll please!" Wika ng Emcee. Tinapik tapik ko lang ang aking dalawang paa dahilan ng pagkasabik.
Binuksan ng Emcee ang envelope at ngumiti.
Nang tumigil na ang drum roll ay biglang nanindig ang aking balahibo."Mr. Charles Michael Sarmiento!"
Natigil lang ang oras nang marinig ko ang aking pangalan. Like what?! akala ko ba na si Ian ang magiging prom king?!
"Huh?! paano toh nangyari?! I kennat believe it! I should'nt be the prom king but a queen!!!" Pagrereklamo ko na may halong biro. Hindi ko talaga alam na iibahin nila ang mga rules ng prom, at ako? king? luh! naka drugs ata si Yuan sa pagpili!

BINABASA MO ANG
Be my Pretty Man (#1 of Guilberra Series)✔
Romance"Why would I want to learn to love you when you can't even catch me?" "Arghh! I'm so confused! It's all your fault! kung bakit ako nagkakaganito..Kaloka parang gusto kitang protektahan, kahit bakla ako, nabubuhayan yung pagkalalaki ko dahil sayo..sa...