Happy New Year Everyone!!! ♡
Nagising si Dia sa tunog ng kanilang bell, sinyas na tapos na ang klase. Bumangon lang siya at napansin na wala na pala siyang katabi matulog. Lumabas siya sa clinic at dali-daling kinuha ang kanyang bag.
Kinuha niya ang kanyang cellphone at napansin na kanina pa tumatawag si Jenshell. Napabuntong hininga lang siya at agad niya itong sinagot.
"Hello Je-" Naputol ang kanyang salita nang sumabat si Jenshell.
"He's Here...Dia..Lian is here.." Ani ni Jenshell sa kabilang linya.
Hindi lang mapakali si Dia sa kanyang mga narinig. Bumagabag sa kanyang isipan kung bakit naka abot si Lian sa kanilang siyudad, Kahit hindi naman kilala ang kanilang lugar ng karamihan.
"Dia? Dia? andito ka pa ba? hello?" Tawag ni Jenshell sa kanya. Habang si Dia naman ay hindi maproseso ng kanyang utak ang mga pangyayari.
Nagbuntong hininga lang ang kaibigan niya at binaba ang tawag. Tinago lang ni Dia ang kanyang cellphone at nagtungo sa kinaroroonan ni Rachel.
****
"Dia...where were you?" Ani ni Rachel sa kanya. Napailing lang si Dia at hindi umimik. Nabalot ng katahimikan sa kanilang dalawa.
Rachel's POV
Tinititigan ko lang si Dia a
habang naglalakad. Napansin ko na matamlay siya at mukhang mahihimatay. "Diang...are you okay? may masakit ba sayo?" Tanong ko sa kanya. Hindi yata niya narinig ang mga sinabi ko.."DIANG! HUY! EARTH TO DIA!" Sigaw ko sa kanya. Nilingon lang niya ako at Tumango. "I know na may bumabagabag sayo...ano iyon?" Tanong ko ulit. Tumigil lang siya sa paglalakad at hinarap ako. "He's Here..." Maikling pahayag niya sa akin. Nalito lang ako sa kanyang sinabi at tinaasan siya ng kilay. "Who's here?" Nagtatakang tanong ko. Umiling lang siya sa akin at biglang umalis.
****
"Jenny! sino ba talaga yung andito? at bakit parang beast mode ngayon si Diang?" Mabilis na tugon ko kay Jenshell. Kinuyom lang ni Jenshell ang kanyang kamao at sinuntok ang lamesa. "Lian...andito siya.." Bulong niya sa akin. Nanlaki ang aking mga mata sa kanyang sinabi. "W-Wait..what?! h-how?" Nauutal kong tanong. Kumunot lang ang kanyang noo at suminyas na hindi niya alam.
"Hm..okay lang yan..malaki laki naman ang siyudad natin..kaya impossible na magkita silang dalawa.." Mahabang salaysay ko. Napaisip lang ako sa aking mga sinabi at nilingon ang aking cellphone. "Unless.." Kinuha ko ito at tinignan.
"Unless?" Ani ni Jenshell. Inirapan ko siya at tinapon ang cellphone sa kanyang mukha. "Unless fate will decide to let them meet of course!" Bulalas ko sa kanya. Binigay lang niya sa akin ang aking cellphone at umiling
"Ang kailangan natin alalahin ay ang prom..hindi yung walang kwentang Lian na iyon..Bukas makalawa ay susuot na tayo ng magagarang damit at mga kolorete..." Tugon niya sa akin. Tumayo lang ako sa aking kama at binuksan ang aking Closet.
"Tsk! Prepared na ako jan sis! eh ikaw?" Pagmamayabang ko sa kanya. Pinalo niya ang aking braso at ngumisi. "Ako pa! eh paano si Diang? baka depressed nanaman yun..tsk tsk sabi ko kasi sayo, hayaan mo nalang silang dalawa ni bakla! ayan tuloy..mukhan di na makaka move on yung bestfriend natin.." Malungkot niyang ani sa akin.
Napaisip lang ako sa sitwasyon ng aking kaibigan at sumimangot. Napabuntong hininga ako at nag desisyon na hayaan muna si Diana.
"Let's leave her for a bit. She needs to overcome her feelings for that guy.." Ani ko at humiga pabalik.
****
Charles's POV
Habang Naghuhugas ng plato ay naisip ko yung ginawa ko kanina. Sheyt...ba't ko kasi ginawa yun..ayan tuloy akala siguro ni Ate gurl na like ko siya omg...hayst! yung gamot talaga ang may kasalanan nito hmp! kung di lang ako sinuntok nung mokong iyon...
BINABASA MO ANG
Be my Pretty Man (#1 of Guilberra Series)✔
Romantizm"Why would I want to learn to love you when you can't even catch me?" "Arghh! I'm so confused! It's all your fault! kung bakit ako nagkakaganito..Kaloka parang gusto kitang protektahan, kahit bakla ako, nabubuhayan yung pagkalalaki ko dahil sayo..sa...