Chapter 6

1.1K 29 1
                                    

Dia's POV

Dafuq?!

Namumula yung pisngi ko habang tinititigan si Kuya Charles, hindi pa rin ako makapaniwala na sinabihan niya akong cute..like...anong napakain ko dito?

"Oh! chaka ka day! kanina pa naka buka iyang baba mo!" pahayag ni kuya Charles habang pinapaypayan ang sarili niya gamit ang kanyang mga kamay.

Isinara ko ang aking baba patuloy na kumakain...
Haysst! pa-fall talaga! hmp! kung i kiss nga kita diyan.

Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako kay Kuya Charles para pumunta sa next period ko,
nakita ko nalang si Rachel na naka simangot at may hawak hawak na papel,

"Oh Chel? ba't naka simangot ka?"

"Dia...58/60 lang ako sa Math!!! hindi ako makapaniwala!!! ang liit ng score ko huhuhu"
naiiyak na sambit ni Rachel

Wow...OA lang? two mistakes lang yun eh! maliit na agad ang score?!

"Chel! two mistakes lang! maliit na?! eh ako nga 50/60 sa math tapos ikaw iniiyakan mo pa?! my ghaad!" naiinis kong sagot kay Rachel, "By the way...bakit walang tao sa Classroom?"

"Ahh...ehh half day kasi ngayon, may meeting daw yung mga teachers!" napangisi lang ako sa sinabi ni Rachel...so it means walang pasok ngayon!

Hinila ko ang mga kamay ni Rachel papuntang restroom.

"Eeekk!!!" nabigla si Rachel sa aking ekspresyon at sinampal ako ng malakas,
"Huy Gaga! sinapian ka yata ng multo!" napanguso lang ako at hinawakan ang aking pisngi, "Aray, ang insensitive mo naman Chel, ehh paano kasi! si Kuya Charles..sinabihan niya akong Cute tapos pinisil niya yung mga pisngi ko..." kinilig lamang si Rachel sa aking sinabi, at niyakap ako, "OMG! Dia! kailan ang kasal? magpapahanda na ba ako ng Lechon? saan ang Honeymoon?"

"Chill lang Chel! ang Advance mo naman mag-isip, eh paano ka? may napupusuan ka na ba?!!"
ikinapula ni Rachel ang aking mga sinabi at kinamot ang kanyang noo,
"Ahh...wala ehh..hehehe...oh sige! aalis muna ako! byeeee!" mabilis na umalis si Rachel at hindi na hinintay ang aking sagot.

Anyare dun?
Huminga lang ako ng malalim at naglakad palabas ng restroom, pagbalik ko sa classroom ay nakita ko si Kuya Charles na nang-uukay ng bag ko,
"H-Hoy! Baks! anong ginagawa mo diyan?!" nabigla siya at hinay hinay na lumingon sa aking direksyon.
"Hi! Day! kinuha ko lang yung burger na nahulog ko sa bag mo kanina, nakaka chaka di ko talaga napansin ehh! wala naman akong balak na nakawan ka nohh" Panguso niyang paliwanag sa akin,
"Ahh..." Hinay hinay na naglakad ako sa direksyon niya..hinila ko ang necktie niya at nilapit ang kanyang mukha sa aking mukha.
"Alam mo ba...na ayokong may nangingialam ng gamit ko? kahit grade 10 ka pa, kaya kitang patumbahin..." tinignan ko ang papel na hawak niya, "Hindi naman yan burger ah...So ano ba talaga ang balak mo sa bag ko?" tinitigan ko siya ng masama.

"D-Dia! wala talaga! I mean! yung p-papel! wala akong kinuha sa bag m-"
Hinila ko ang papel na hawak niya at tinignan ang nakasulat dito...

"H-Ha?!" Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang sulat na iyon,
"S-Sabi ko s-sayo diba?! wala yan! p-pinapalagay ni Ms. Athena sa bag mo!" pangusong sabi ni Charles sa akin...
"Ehh...binibigyan ako ng surprise letter? hindi ko maintindihan..."

"Hmp! nakakatakot ka talagang merlat ka! wiz naman ako magnanakaw! makaalis na nga!" At umalis si Kuya Charles sa aming classroom.

****
Pagkatapos noon nangyari sa classroom ay hindi na kami nagpapansinan ni Kuya Charles...eh paano naman kasi! nakokonsensiya na tuloy ako sa aking ginawa...hmp! hindi ko talaga maintindihan ang mga bakla...

"ATTENTION! All Literature Club Officers! please proceed to your office"

Tumayo lang ako at mabilis na tumakbo sa Literature Club at muntikan ko nang mabangga si Pin,

"Hi Pin!"

napalingon si Pin at ngumisi sa akin,
"Hi Dia, tinawag mo na ba yung iba?" tanong ni Pin sa akin, "Ahh...wala kasi akong nakita na officers, eh si Kuya Charles? andi-"

"I'm here..." Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko si Kuya Charles, mukhang apektado siya sa mga sinabi ko kahapon...

Tinignan lang ako ni Charles at hindi na nag-abala na bumati, napahinga nalang ako ng malalim at pumasok sa Office.

"Let's start the meeting...I don't care kung may ma late man o wala call time natin ay five minutes..they should have the brains to come here, hindi na sila mga bata.." malamig na pahayag ni Charles..."Whoa! Chill Charlie! eh tatatlo pa lang tayo dito! we can't start the meeting without them!" mabilis na sambit ni Pin.

Wow...naging cold na si Baks, anyare sa kanya? parang nakakain yata ng Ice..

Napahinga ng malalim si Pin at tumayo, "Ako na ang tatawag sa kanila.." bago siya umalis ay tumayo rin ako, "W-Wait! s-sama ako!"

nakakatakot kasi kung kami lang dalawa ni Charles eh parang pumapatay na eh pag titigan mo..
"Dia...just prepare the agendas...ako nang bahala na tumawag sa kanila okay?" tumango lang ako kay Pin at saka siya ay umalis..

Katahimikan ang inabot naming dalawa sa loob ng office, tumayo nalang ako para kunin ang documents nang may biglang humawak sa aking kamay,
"Next time, don't accuse me of stealing..ayaw na ayaw kong ma judge ng ibang tao dahil lang sa kagagahan mo...understand?" nanlaki lang ang aking mga mata at tumango kay Charles, "Y-Yes po kuya..."
kinuha ko ang mga documents at saka umupo malayo sa upuan ni Charles..

Yung tipong naabot ng 200 km ang awra niya...

Katahimikan ang sumunod hanggang sa narinig ko ang mga taong pumasok sa Office..

Hayyst..finally...

"Let's Start the meeting, shall we?"

To be continued

Be my Pretty Man (#1 of Guilberra Series)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon