Chapter 28

551 21 0
                                    

Sunday, 7:10 am

Dia's POV

Napadaing ako ng may sumundot sa aking balikat. Kumunot lang ang aking noo at hinila ang kumot ko papunta sa akin. "Psst..Dia, gising na..." Ani ng boses na malapit sa aking tenga. Sinampal ko lang ang mukha ng tumatawag sa akin at binuksan ang aking mga mata. "Ow.." Bulong ni Ian sabay hawak sa kanyang pisngi. Bigla akong napabangon at hinawakan ang kanyang pisngi.

"Hala! sorry...hehehe ayoko kasi na may gumigising sa akin eh.." Nahihiyang sambit ko sa kanya. Tumango lang siya sa akin at ngumiti. Nanlaki lang ang aking mga mata at dumeretso sa banyo. Dali dali kong inayos ang aking sarili at saka lumabas ulit.

"Bakit mo inayos yung sarili mo? maganda ka naman ah kahit parang walis yung buhok mo.." Panunukso niya sa akin at tumawa. Napaupo lang ako sa aking kama at tinignan siya. "Luh! Paano ka ba nakapasok dito???" Tanong ko sa kanya. Napa-iling lang siya sa akin at humiga sa aking kama. "Pinapasok ako ng Mama mo..at parang ang init ng dugo sa akin..sabi pa nga niya eh mas bet niya si Bakla.." Malungkot na tugon niya sa akin at nagbuntong hininga. Hinimas ko ang kanyang buhok at ngumisi. "Hayst si Mama nga naman.." Bulong ko sa aking sarili. Napatingin lang si Ian sa aking Cellphone at kinuha ito.

"Huy! ano nanaman ang gagawin mo diyan?!" Ani ko sa kanya at inabot ang aking cellphone. itinaas lang niya ang aking cellphone kung saan ay hindi ko ito maabot. "Tsk..geh galawin mo yan..maghahanda lang muna ako ng makakain mo.." Nakasimangot ko na pahayag at lumabas.

Ian's POV

Tumango lang ako sa mga sinabi ni Dia at ibinaling ang aking atensyon sa kanyang cellphone. Tinignan ko lang ang kanyang mga convo sa kanyang kaibigan at napatawa sa mga sinabi nito. Alam ko naman na pakialamero ako but I'm curious about her.

Kumunot lang ang aking noo ng nakita ko ang convo nila ni Jenshell. Hmm..Jenshell Ramirez? that's her bestfriend since elementary..Sa pagkakaalala ko ay grade 7 lang sila naging friends ni Rachel amd up until now. Napailing ako at binasa ang convo nila.

JenJen Luvs:

'Uy! anyare sayo Luv? ano? break na kayo ni Charles? pwede na ba ako ang piliin mo?? Hahaha joke lang Diang!'

DiangLuvs:

'Luh! as if! Di ako tomboy noh! and I'm still loyal to Charles..Yieeee~'

Napabuntong hininga lang ako sa kanilang dalawa. Akala ko Tomboy talaga to si Dia. Ngumisi lang ako at tinignan ulit ang convo nila. Tinignan ko ang kanilang past convo at may isang convo na nakakuha ng aking atensyon.

DiangLuvs:

'Jen...give up na ako..I know na crush ko lang siya...but, it's too painful..I know rin na..I can't meet him and will never be..'

Kumunot lang ulit ang aking noo at tinitigan ang chat niya kay Jenshell. Imposibleng si Charles ito...this was last year...at sa pagkakaalam ko, hindi niya kilala si Charles nung bago palang siya sa highschool.

Binasa ko ulit ang kanilang convo at nanlaki ang aking mga mata sa mga nabasa ko.

DiangLuvs:

'Jen..kasalanan ko lahat ng to...hindi ko na kaya..everynight I'm crying because of him..I can't sleep properly, eat properly, I can't even speak properly, I'm sick of this..Jen..I want to die..pero alam kong marami pa akong gusto gawin sa buhay.'

Pinatay ko lang ang kanyang Cellphone at inilagay sa itaas ng kanyang drawer. Kinuyom ko ang aking kamao na parang may halong galit at awa sa aking puso. She..She suffered a lot in her past. Ayokong ganon rin ang mangyari sa kanilang dalawa ni Charles. But I know...inside me..na may nakatagong pagtingin sa puso ni Charles. Bigla lang pumasok si Dia na may dala dalang tray ng sandwich at juice. Napangiti lang siya sa aking at inilagay at tray sa hita ko. "Kumain ka muna..hehe sorry natagalan, nagpabili pa kasi ako ng tinapay eh.." Ani niya sa akin. Napansin lang niya na hindi ako ngumiti sa kanya at hinimas ang aking likod.

"Ian..are you okay? may nakita ka bang kababalaghan sa cellphone ko?" Panunukso niya sa akin, sabay kindat. Binigyan ko lang siya ng malamig ng titig dahilan ng kanyang pag-tahimik. Napabuntong hininga lang ako at kinuyom ang aking panga. "Dia...I know I'm not allowed to ask this..but, who's the guy you were talking about? yung sa convo ninyo ni Jenshell last year?" Tanong ko sa kanya. Tinaasan lang niya ako ng kilay at tila ay prinoproseso pa ang mga sinabi ko sa kanyang utak. "I also heard you and Rachel talking about yung sabi niya na kabaliwan na ginawa niyo..ano yun?" Dugtong ko pa. Ngumiti lang siya sa akin at umiling. "Ahh iyon! mga prank namin..alam mo naman yung mga kaibigan ko..mahilik sa mga kabaliwan.." Pagsisinungaling niya sa akin. Hindi lang ako umimik at tinitigan siya ng walang emosyon.

Nang mapag-tanto niya na wala na siyang kawala sa akin ay biglang nag-bago ang kanyang ekspresyon. That expression that I never saw in her.

I see her..Anger and sadness.

Napabuntong hininga lang siya sa akin at napasimangot. "Ah..yun..that was one year ago..matagal ko na yun kinalimutan..but! I'll tell you..and it's quite tragic.." Sabi niya sa huling bahagi upang gumaan ang tensyon na bumubuo sa kanya.

"So...that guy...I liked him so much, maybe I even loved him..and it started with a game."

"A game that I lost.."

To be continued

Be my Pretty Man (#1 of Guilberra Series)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon