Sa mga kagagahan ko, confession ko lang kay bakla ang hindi masakit. Kasi kahit rejected ako I always feel that he cares for me. Ang gago nga lang, dumating yung Kapreng 'yon. Pero ngayon tanggap ko na, basta ang importante masaya ako sa buhay ko. At magkaibigan na kami ni bakla ngayon.
Napatingin lang ako sa mga decorations sa bahay. Last week iyak lang ako ng iyak. Buti nalang andyan si Ate Luna, sa totoo lang kahit sa simula pa lang, kumportable na ako sa kanya and good terms na kami ni ate.
"Hi Diaaa! Merry Christmasss! sorry hindi ako makabigay ng regalo sayo, nasa london kasi kami." Ani ni Ate Luna. Andito ako ngayon sa salas, at nag-vivideo chat kami ni Ate Luna. Sayang nga lang, sa Tagaytay si Rachel nag christmas, kasama niya si Ma'am Clarkson. Mag girl-to-girl talk raw sila ng tita niya. Si Ian naman nasa Cebu. Kasama niya kasi yung Mama niya mag christmas, at magsisindi daw sila ng kandila para sa papa niya.
Si Jenshell at Jayron nasa bahay lang rin. Yung kambal na 'yon ang lakas talaga mang-trip. Niregaluhan ako ng Notebook tapos may nakasulat dun na "Huwag nang malandi 'kay?" Diba ang supportive nila sa akin?
Nawala lang ako sa aking inisip nang may umakbay sa akin. "Girl tawag ka ni Momshie mo! sige na ako na diyan!" Ani niya. Napatawa lang rin ako at umiling. Dito mag-chri-christmas si Charles. Malapit na rin kasi ang Graduation nila at mas mapaaga daw yung pag lipat niya ng bansa. Kaya ayun dito muna daw siya. Diba? ang corny namin? May Label? meron? Ha?
"Diaaaaa!" Sigaw ni Mader. Binuhat ko lang ang tupperware ng spaghetti at inilagay ito sa gitna ng lamesa. Sa lahat kasi ng putahe ang spaghetti talaga ang favorite ng mga Guilberra, except lang dun sa kuya kong pangit. Di joke lang guwapo kuya ko noh! kung guwapo si Charles eh two times pa yung kaguwapuhan ni Kuya. "Diaaa! nakikinig ka ba??" Bulalas ulit ni Mama sa akin. Napalingon lang ako sa kanya. "Hehehe sorry Ma...ano nga ulit yun?" Tanong ko. Napadaing lang si Mudra at inirapan ako. "I said, samahan mo si Charles sa supermarket. nasakanya na ang list kaya humayo na kayo! shoo! bilis!" Pagtutulak niya sa akin. Umiling lang ako at lumabas.
***
"Uy baks! sinong mag dri-drive?" Tanong ko sa kanya. Pinakita lang niya sa akin ang susi ng sasakyan at ngumiwi. "Eh sino pa girl?" Ayt! taena naman eh! tsk porket bet na bet siya ni Mader pati sasakyan naagawan na rin ako ng karapatan? Nasaan ang equality?!
"So ano ba talagang pinabili ng Mader kong dragona?" Pagtatanong ko sa kanya. Tumawa lang siya at pinalakasan ang radyo ng sasakyan. Laah! anyare? may nakakatawa ba dun sa sinabi ko? Hinimas ko lang ang aking mukha at umiling. "Ano ba 'yan, pati ba talaga ikaw nababaliw na rin?" Bulong ko sa aking sarili. Tumigil lang siya sa pagmamaneho at pinark ito sa gilid.
"Huy! Merlat! gogora na tayo baka majojombag pa kita diyan!" Bulalas ng bakla. Tinakpan ko lang ang aking tenga ng aking magkabilang hintuturo. Juskooo! Ang ingay pala niya kapag nakainom ng kape! tsk Mader talaga!
"Diaaang! tama na yung pag eeklavu mo diyaan!" Sigaw niya ulit at hinila ako palabas ng sasakyan. Ano ba 'yan panira moment ganern?Sinundan ko lang ang bakla habang abala pa siya sa paghahanap ng kanyang mga kailangan.
"Pakibili nga neto.." Maikling wika niya. Ayt! Hindi ako nainform na Yaya na pala ako ngayon. "Yes Madam.." Sarkastikong ani ko at kinuha ang kanyang pinabili. Nagtungo lang ako sa labas ng supermarket at tumingin-tingin sa mga jewelries. Waaahh! Aym sow shookt! Pagpasok ko ay nakamit ko ang magandang atmosphere ng shop. I felt like my soul was escaping my body. I wandered around and saw some sparkling jewelries. They're so tempting.. I walked to the necklace section and stared at the necklace endearingly.
"Babe naman eh! it's okay. I don't want expensive jewelries, I only want you.." The girl at my back giggled. Teka teka teka!! Naglalandian ba 'tong magkasintahan sa likuran ko? Aba't!!
BINABASA MO ANG
Be my Pretty Man (#1 of Guilberra Series)✔
Romance"Why would I want to learn to love you when you can't even catch me?" "Arghh! I'm so confused! It's all your fault! kung bakit ako nagkakaganito..Kaloka parang gusto kitang protektahan, kahit bakla ako, nabubuhayan yung pagkalalaki ko dahil sayo..sa...