Dia's POV
Nagising ako ng madaling araw at tinignan ang buong paligid, "Hm..1:00 am pa pala." Kinamot ko ang ulo ko at humiga pabalik, Sheyt..di na ako makatulog, kumunot ang noo ko at napag-isip-isip na tingnan ang cellphone ko.
bigla akong nakatanggap ng notification at dali-dali ko itong tinignan. "Mary Lyn?" nalilito kong pahayag sa aking sarili.
Mary Lyn:
"Hello po! goodmorning! ask ko lang po kung anong susuotin sa Lit club event?"
Luh? may event pala? pa iling-iling kong tanong sa aking sarili.
Dia:
"Hindi ko po alam eh, pero baka alam nina kuya Charles?"
Mary Lyn:
"Ahh ok po sorry for disturbing.."
Dia:
"No no it's fine! I was already awake when you sent me a message, thank you for keeping me company though!"
Mary Lyn:
Welcome, Dia :)
Ngumiti lang ako sa aking cellphone at pinatay na ito, napag-isipan ko na mag prepare na lang dahil di na rin ako makatulog.
Habang hinahanda ko ang susuotin ko papuntang boracay ay napansin ko na naka-on na ang ilaw sa bahay, pag labas ko ay nakita ko si Mama na nagluluto ng almusal.
"Ma, maaga pa ah..ba't gising ka na?" di sumagot si Mama sa aking tanong at ngumiti lang sa akin. "Wala lang..I just want to prepare everything para di ka na mahirapan." Tumango lang ako at niyakap si Mama. "Thank you..Ma.." Pinagpatuloy lang ni Mama ang kanyang ginagawa at pinahanda na ako para sa pag-alis ko.
*****
"Hm..It's already 4:55" bulong ko sa aking sarili, tinawag na ako ni Mama para sumakay na sa sasakyan. "Hindi ko akalain na malaki na ang bunso namin.." nakangiting pahayag ni Papa sa akin, ngumisi lang ako sa kanya at hinalikan ang pisngi niya. "Thank you for giving me this opportunity pa.." Tinapik niya lang ang braso ko at napalingon kay Mama. "Mag-iingat ka anak ah..walang funny business sa boracay." Mariin na pahayag ni Mama sa akin. "And I already prepared your allowance, stay safe anak." dagdag pa niya."Bye pa! bye ma! ingat rin kayo!" at umalis na sila.
Naglakad lang ako papasok ng school at nakita ko si Ms. Athena, ngumiti siya sa akin at niyakap ako. "Stay safe okay? and If you need anything, ask mo lang si Kuya Charles mo." Tumango lang ako kay Miss at naglakad na ulit palabas ng gate.
"Dia...are you ready?" Ngumiti si Pin sa akin at tila excited pa ito, tinawanan ko lang siya at tumango.
Sumakay na ako sa Van at biglang nanlaki ang mga mata ko. "Morning Merlat! ready na ba ikaw sa tripzee natin?" Paexcited na tanong sa akin ni Kuya Charles, umupo lang ako sa tabi niya at humalukipkip. Luh anu daw? tripzee? san kaya niya nakuha yang word nayan?. Umiling nalang ako at umaktong parang matutulog.
Narinig ko ang pag sasalitan nina Charles at Ian kung sino ang uupo sa tabi ko. Diba? ang haba ng hair ko? Hahaha!
Sa bandang huli ay nanaig rin si Ian at tumabi sa akin, nginitian ko lang siya at lumingon sa bintana. Gosh ang ganda pala kapag bumabyahe kayo ng madaling araw...pinikit ko lang ang mga mata ko at natulog.
_____________________________
A/N
Sorry for a very short chapter! ;-;

BINABASA MO ANG
Be my Pretty Man (#1 of Guilberra Series)✔
Romance"Why would I want to learn to love you when you can't even catch me?" "Arghh! I'm so confused! It's all your fault! kung bakit ako nagkakaganito..Kaloka parang gusto kitang protektahan, kahit bakla ako, nabubuhayan yung pagkalalaki ko dahil sayo..sa...