"Uy! Lian! andito ka pala!" Nakangising ani ko habang niyayakap parin siya.Sa tingin ko bakla talaga siya. Tingnan niyo nga oh! naka polo ng pink. PINK! Pero who to judge nga naman. Baka nga mas malandi pa 'to sa akin kapag lumabas na ang kanyang tunay na kulay.
"Hayst Dia..Earth to Dia! oh ano? iniisip mo naman na bakla ako no?" Pagtatanong niya habang nakanguso. Aba't! Baka i-kiss pa kita diyan eh! Hihihi, nung pagbati namin ni Lian ay nagkaroon na rin ako ng crush sa kanya. Pero hanggang crush lang 'yon, ibang-iba kasi talaga kapag si Charles. Matatamaan ka talaga. HAYOP CHARLES NANAMAN?! *Facepalm no. 3*
"Hindi ah! may naalala lang ako..." Depensa ko sa kanya. Napanguso lang siya sa akin at biglang hinalikan ang aking pisngi. Napanganga lang rin ako sa kanya at ngumiti. "Oyyy ikaw haaaa!!!" Panunukso ko sa kanya. Tinapik lang niya ang aking magkabilang balikat at ngumisi. "Ano? tayo na?" Luh! Kala naman niya kung ganon kadali. Ano kaya kung batukan ko siya amp!
"You lovebirds should stop and get going baka makita pa kayo ni Dr. San Juan dito." Mariin na wika ni Kuya Guard at umalis. Napadaing lang ako at umupo sa armchair.
May pa english-english pa si Kuya Guard ah! Uso na ba yung mga foreigner na Security Guard ngayon?Tinabihan lang rin ako ni Lian at napabuntong hininga. "Sorry ah...masyado kasi akong feeling close, ayan tuloy..napasimangot kita.." Tiningnan ko lang siya at hindi umimik. It's too soon to say something. "Mahirap.." Bulong ko. Napalingon siya habang nakatitig sa akin. "Mahirap kasi siya kalimutan.." Dugtong ko pa at tila nagbabantang tumulo ang aking mga luha.
Kumunot lang rin ang kanyang noo at hinimas ang aking likod. "I know..pero nagawa mo namang kalimutan yung nararamdaman mo para sakin diba?" Mahinang tugon niya. Nilingon ko lang siya at tinignan ng masama. "Alright, Alright..I'm sorry...but are you sure if he still remembers you?" Nauutal na tanong niya. Ay ewan ko ba! Kung nagka-amnesia si Charles siguradong makakalimutan ako nun. Tsk tsk! "Hindi ko alam..." Tanging salita na lumabas sa aking bunganga. Ni hindi ko nga alam kung buhay pa 'yun eh! :<
Tumayo lang si Lian at hinawakan ang aking kamay. "You should forget about him for a moment..masyado ka nang nag-ooverthink...baka mapano ka.." He said with concern on his voice. Yeah I know he's right. Pero hindi ko talaga maiwasan na isipin si Charles. Napatingin lang ako sa kanya at ngumiti. "Yeah..you're right.." Ani ko at umalis. "Dia! wait!" Sigaw niya at sinundan ako.
"Hindi mo naman siya kailangan kalimutan..just..relax for a bit.." Bulong niya na may halong kaba. Nginitian ko siya ulit at tinawanan. Like duh serious siya masyado. Aalis lang naman ako para mag-ccr. "Luh! Mag-ccr lang nga, sama ka?" Panunukso ko. Bigla lang siyang namula at paulit-ulit na umiling. Tsk HAHAHA kala niya ha.
****
"Sa tagal tagal ng panahon at ngayon mo pa naisip na ilibre ako!" Bulalas ko habang humihigop ng sabaw. Well in the past few years that we've been friends, ngayon lang talaga ako inaya ni Lian na kumain. Like nabibigatan na ba siya sa akin? "Hehe sorry ah..ngayon lang kasi ako nakapag-ipon..." Aniya habang pakamot-kamot sa kanyang batok. Luh! may kuto? hahahaha
"Hindi! okay lang naman! ako nga dapat ang nag-sosorry eh.." Wika ko. Napabuntong hininga lang ako at napasimangot. Feel ko kasi may something eh, hindi ko lang ma point.
"So kumusta 'yung ex mo?" I asked out of nowhere. Napatigil lang siya ng pag-nguya at tinitigan ako. Ang awkward ata na tanungin ko sa kanya kung kumusta na si Malia. Napalunok lang rin siya at ngumiti. "Ah..si Malia..she's actually doing good..kaibigan naman kami ng asawa niya aand! walang malisya sa amin..." Paliwanag niya habang kumakain. Hm...tsk sayang naman. Akala ko pa naman ay magkakatuluyan talaga sila.
"What made you broke up with her?" Tanong ko ulit. Alam ko na personal na ang tinatanong ko pero matagal naman kaming kaibigan ni Lian. Napaubo siya at dali-daling uminom ng tubig. Agad akong pumunta sa tabi niya at hinimas ang kanyang likod. "Oh my gosh! I'm so sorry!" Bulalas ko at kinuha ang tissue. Pinunasan ko ang kanyang bibig na may kanin pa. Gross but, yeah..
Nang kumalma na siya ay dahan-dahan niya akong tinitigan. Charezz! Landi ni Ateng oh! Nanlaki lang ang aking mga mata at nanginginit na ang aking magkabilang pisngi. "Oh! u-um!" He stuttered and quickly looked away. I also looked away just to slap myself. Kalma self! hormones lang 'yan.
Kahit matagal na rin kami magkaibigan ay hindi pa rin maalis sa amin ang pagiging awkward. Hindi naman talaga namin kayang kalimutan 'yung past namin diba? And times like this makes us reminisce our past. Paminsan nga nakaka-ilang na eh. Parati nalang awkward tapos hindi pa talaga kami makasalita ng maayos.
He broke the silence between us by coughing. I turned to him and tilted my head. "U-Um..hindi..mo naman kailangang sabihin.." Bulong ko at napaduko. Jeez! Ang awkward naa! Parang anime love story tapos may pa blush blush pa. Nakaka-cringe :\
Inakbayan lang niya ako at napangiti ulit. "Nahh..it's fine, We broke up because we need to see other people.." Aniya at tumayo. Binigyan lang niya ng sinyales ang waiter na linisin ang aming table. Oh and by the way, siya rin ang may-ari ng restaurant na ito. Soooo...yes...Libre ako dito :) .
"Mga Negosyante talaga kayong mga Chinese no?" Bulong ko at tumayo. Napatingin lang rin siya sa akin at tumawa. "Oh! of course we are!" Sarkastikong wika niya. "Hatid na kita?" Dugtong pa niya at binuksan ang pintuan ng kanyang sasakyan.
"Sige na nga, at uuwi ako sa bahay nina Mama at Papa" Ani ko at sumakay.
***
"So this is our stop?" Wika ni Lian. Hayst welp dinner date nga naman namin ngayon. And we are celebrating Mama and Papa's Anniversary, si Kuya naman malalate daw, Trabaho nga naman niya. Feeling ko nga mas mahal niya yung trabaho niya kaysa kay Ate Tina. And that's better though.
"Oh my Gosh Dia! Mabuti at nakarating ka! akala ko pa naman hindi ka dadayo." Wika ni Ate Gin habang niyayakap ako. Nilingon lang rin niya si Lian at ngumiti. "Oh~ Boyfriend mo?" Panunukso niya. Napairap lang ako at Umiling.
"No/Yes" Sabay naming ani. Wow ha! Boyfriend? no way Lian? never. Yes I dreamed of having a relationship with him but no! Ayoko na, baka magkakaproblema pa kami. Nilingon ko lang rin si Lian at tiningnan ng masama.
"Shut up Lian. Ate Gin I swear he's just my friend!" Depensa ko. She giggled and strolled inside the house. "Lian! sabay ka na sa amin. Gusto rin ni Tita Darlene at Tito Joshua na makilala ang Kaibigan ni Diang.." Pangiting aniya. Napadaing lang ako at pumasok na rin sa Bahay.
"Ah..no thank you nalang po, baka maabala ko pa kayo.." Mahiyang tugon niya. Char! ngayon pa siya nahiya. Kung dati siya pa ang nag-iinvite sa sarili niya, tapos ngayon nahihiya pa siya?
"Walang Hindi sa amin Lian. Sige na pasok ka na." Mariin na ani ni Ate Gin at hinila si Lian sa Loob ng bahay. Napatawa lang rin ako at pailing-iling na nagmano kay Mama at Papa. "Hi Ma, Hi Pa, si..Lian nga pala, Kaibigan ko." Diin ko sa huling salita. Baka kasi sabihin nanaman ni Lian na Boyfriend ko siya. Hmp! Mukha niya! "Magkakadevelopan rin iyan!" Sabat ni Ate Gin sabay kindat sa amin. Napangiti lang si Mama habang si Papa naman ay mukhang hindi nasisiyahan.
Sa tagal na kasi ng panahon ay si Charles pa rin ang gusto ni Papa, hayst, Don't worry pa. Same tayo. "Oh sige! kain na tayo. Mamaya maya pa siguro 'yan si Darius uuwi." Ani ni Mama habang nagsasandok ng kanin. "Let's Eat!"
BINABASA MO ANG
Be my Pretty Man (#1 of Guilberra Series)✔
Romance"Why would I want to learn to love you when you can't even catch me?" "Arghh! I'm so confused! It's all your fault! kung bakit ako nagkakaganito..Kaloka parang gusto kitang protektahan, kahit bakla ako, nabubuhayan yung pagkalalaki ko dahil sayo..sa...