OHDC: CHAPTER 67

99 4 0
                                    

OHDC: CHAPTER 67
Paalam, Suran... kaibigan ko


Y/n's POV
Maaga akong pumasok sa trabaho gulat nga sila, as in. Kaya nagtrabaho na ako, pagkatapos kung mag linis, dun naman sa kusina tumulong sa pag dishwash. Tapos pumunta na ako sa opisina.

"Oh' y/n anong sadya natin? At ang aga mo ata?" Tanong nang boss ko. "Boss, resignation letter po. Nais ko po sanang mag resign." Sabi ko sabay abot sa papel. "Y/n, may rason ba kung bakit ka magreresign?" Pag aalala na tanong niya. "Gusto ko lang po umalis at mag ibang bansa, mag bagong buhay." Sabi ko. "Okay, tila di na kita mapipigilan. Pero kung nais mong bumalik rito ay Welcome na Welcome ka sa restaurant, kahit anong oras araw at taon pa." Pahiwatig niya. "Salamat po sa inyong alok, tatandaan ko po ito." Sabi ko, saka nag pormal na pag papaalam at pasasalamat, ang pag bow.

Sa pag labas ko sa opisina at pagbukas nang pinto nakita ko ang mga kasamahan ko sa trabaho na umiiyak.

"Wag nga kayong umiyak naiiyak tuloy ako" reklamo ko at lalo pa silang umiyak. "Aalis ka naba talaga?" Tanong ni Ash, nakababatang kasama ko. "Saan naman yun?" Tanong ni Lea ang pangalawang manager na sobrang cold pero alam kung mabait yan. "Sa State, alam niyo bang mamimiss ko kayo? Sobra." Sabi ko at niyakap naman ako nang mga kasama ko, well group hug, ang wala lang ay si chief.

[fastforward]

Binisita ko muna sa puntod sina ina at ama. Oo, magkatabi na sila, pero nakapagtataka lang kasi may nag bayad para sila'y itabi. Hindi maari na si Taehyung yun o di kaya ay si Nicole.

Si Nicole noong close pa kami di ko sinabi na wala na ang ina ko, si Adrian alam niya pero di ko siya pinahintulutan sa balak niya at siya'y sumuko na rin. Kaya gulat ako nung nasa tabi na si ina ni ama ngunit masaya ako, dahil rito, salamat na lang sa nag bayad.

Si taehyung nga pala, alam ko na siya ang sumunod sa akin nung araw na nawala si ina, alam ko dahil nakita ko siya kahit siya'y nagtatago, mapanlinlang ata ako.

Bukas nang 7:00 p.m ay ang alis ko. Mamimiss ko ang Korea.

Phone rings**
[[ Suran calling]]

Hello? Ano satin?
\\magkita tayo, may nais lang ako I sigurado sayo
Wala ka talagang tiwala sakin?
\\oo dahil ubos na lahat yun.
Ikaw pa talaga?
\\dalian mo na lang, alam mo bang nasa garden at nag iisa ngayon si Nicole? Alam mo na ang mangyayari, pag di ka sumunod.
Oo na! Saan ba?
\\sa Park. Malapit sa River

[[call ended]]

@park

Nandito na ako at si Suran narito na rin nakaupo sa bench. "Mabuti na lang at nagkita tayo ngayon kahit sa huling pagkakataon." Sabi ko at tumabi sa kanya. "Tss. Tuparin mo lang ang iyong sinabi ngayon y/n kung ayaw mo mag mangyari sa kaibigan mo." Pananakot niya, kaya natawa na lang ako. Di ko alam kung bakit, di lang talaga ako natatakot sa pananakot niya.

I have other reasons kung bakit aalis ako, at di siya ang dahilan.

"Kaw talaga.... oo na, aalis ako kahit di mo pa sabihin. maam." Pang-aasar ko.

"Suran" banggit ko sa kanyang pangalan with serious tone. "Alagaan mo siya huh! Mahalin mo siya at pilitin mong mahalin ka rin niya." Sabi ko at sabay lingon sa kanya na di na rin mapigilan ang luha ko. "Kahit di mo man lang sabihin gagawin ko talaga yun." Sabi niya.

"Mangako ka." Sabi ko at nag promise sign siya. Agad ko siyang niyakap. "Ano ba, kadiri naman oh' si tayo close sumasabay lang ako sayo kasi daming nakatingin baka sabihin pang pinaiyak kita hinayupak ka." Sabi niya pero tinawanan ko lang yun.

[[fast forward]]

Tumayo na ako, at nag paalam sa kanya. Tanging pinag usapan lang namin ay si yoongi, wala namang iba.

"Cge paalam ulit, kaibigan ko." Sabi ko. Nagulat naman siya. "Kahit na maraming away tayong na daanan kaibigan parin kita Susan- Suran. Di magbabago yun." Sabi ko at ngumiti saka nag respect bow sa kanya. At umalis na, ito na ang huli na makikita ko siya, ito na ang huli na makakausap at kaagaw sa taong minamahal.

Paalam Suran

One hundred days contract [[COMPLETED]]Where stories live. Discover now