OHDC: CHAPTER 96

106 4 0
                                    

OHDC: CHAPTER 96
Happy— 안돼 (Andwae)


____

Ilang oras silang naghintay sa waiting room para malaman lang ang kalagayan ni y/n na nasa ER ngayon.

"Y-yoongi." Sabi nang isang babaeng dahilan nang lahat nang nangyayari sa kanila, si Suran. "Anong ginagawa mo rito?" Walang emosyong tanung ni yoongi. "Y-yoongi, nandito ako p-para sayo." Inosenteng sabi niya. " tsk. Para sakin? Hehe, umalis kana rito bago pa kita mapatay." Pananakot niya sa dalaga at binigyan nang matalim na tingin na para bang kanina ka pa niya pinatay sa isip.

"Y-yoongi, wag ka namang ganito." Naiiyak na sabi ni Suran. "Umalis kana rito halimparot ka! Kapag may mangyaring masama sa kaibigan ko, ako mismo ang papatay sayo. At di ako magdadalawang isip na ibaon ko kayo sa lupa kung asan nababagay ahas ka!" Sigaw ni Nicole at handang sabunutan si Suran buti nalang ay pinigilan siya ni Taehyung. "Ano ba V!!" Sigaw niya.

"Mangyayari kay y/n? Hahahha." Tawang sabi ni Suran. "Mamamatay parin naman cya, kaya nga nandito ako dahil gusto kong makita kung pano bawian nang buhay." Sabi niya at tumawa naman. "Ay hindi— magpapakasaya ako ngayon kasi wala na siya. Wala si y/n!! Hahaha Wala na ang malinding yun! Wala nang aagaw sa—" isang Sampal na galing kay yoongi ang natanggap niya kaya nahinto siya sa pagsasalita.

"Y-yoongi. Tama naman ako di ba, magpapakasal tayo? Nangako ka di ba? Nangako ka sakin nun? Yoongi, mahal kita." Iyak na sabi niya. "At, saktong oras ngayon. Tamang oras na ikasal at magpakasaya tayo. Kasi wala na siya. Patay na si y/n!! Hahhaha.." tawang sabi ni Suran at umiiyak na naman.

"Tumawag kayo sa Mental Institution. Baliw na ang babaeng to." Sabi nang isang ginang sa likuran ni Suran. Si Mrs min.

"Opo tita." Sabi ni Jimin.

Mga ilang minuto nga ay dinala na nila si Suran, na bigla na lang tumatawa, umiiyak, at nagwala pa kanina.

Sa Kabilang banda naman, ang mga doctor ay ginagawa ang lahat para kay y/n.

Pero di kalayuan ay lumabas ang doctor, na may bahid nang matamis na ngiti sa labi.

"Sino ba ang pamilya nang pasyente?" Tanong ng doctor. "Ako po, asawa niya po ako." Sabi ni yoongi at agad humarap.

"Ano na pi bang nangyari sa kaibigan namin?" Tanong ni Jennie.

"Well, di namin inaasahan, isang himala ang nangyari. Maraming dugo ang nawala sa kanya, at mahina rin ang katawan niya. Kaya— Just f*cking straight to the point." Pag putol ni yoongi at agad naman siya'y binatukan nang ina.

<PLAY: BTS JIN "AWAKE">

"Well, congrats, Ms Lee is—" nahinto na lang ang doctor sa pagsalita nung may tumunog ang Emergency button sa ER kung saan si Y/n.

At may lumabas rin na nurse na nagmamadali. "Doc Kang." Tawag rito.

"Anong nangyari?" Tanong nang doctor. "Doc, kasi—"

"Sabihin mo na." Galit na turan nang doctor. "Bigla po kasing tumaas ang pressure ni ms. Lee, at bumabagal at humihina na rin po ang pag tibok nang puso niya. Nung pulsuhan siya ni Doc Yeon, hindi na po naramdaman dahil sa sobrang hina." Parang pinagbagsakan nang lupa at langit si Yoongi nung narinig niya ang sinabi nang nurse.

Labas masok, ang mga tao sa ER para matulungan at piliting buhayin si Y/n.

Habang si yoongi naka upo at sinisisi ang sarili dahil wala siyang magawa rito.

Bawat minuto, nakikita niya ang matamis na ngiti ni y/n, at naririnig ang boses nito na tinatawag siya.

'Babe, habulin mo ako~ hahahha'
'Lagot ka sakin pag nadakip kita!!'

'Yoongi, i Love you'

[yung kiss nila sa hospital]

[yung kiss sa Faresswell]

[yung lasing si Y/n] "Adrian! Ito bahay nang boyfriend, hehe"

[yung una nilang pagkikita] "Bakit sinabi ko bang kasalanan mo?"

[sa beach] "kinuha ko lang to. Di ba ang ganda."

[sa bahay] "para kang multo!" "Wag ka nang manggulat, yan tuloy basa na ang uniform ko"

[sa party] "y/n mahal kita." "Sorry, yoongi." **sabi sa isip habang naghalikan.

'Yoongi. Mahal ki. Ta'

'Patawarin... mo ako'

Bumabalik sa isipan niya lahat nang alala na kasama niya ang dalaga.

Di na natiniis ni yoongi, kaya tumayo si at pilit binuksan ang pinto, kahit pinipigilan siya nang mga kasamahan niya.

____

"Pls stay" sabi nang doctor.

"1...2...3"
"Clear!!"

Ilang ulit ginawa yun nang mga doctor. At nang—

Tot. Tot.

Tot—————————

_/\__/\____/\_______________
      

Sabay sa paghinto nang tibok nang puso ni y/n ang pagbukas ni yoongi sa pinto at makita ang taong mahal niya na binawian nang buhay.

One hundred days contract [[COMPLETED]]Where stories live. Discover now