🚨⚠️Y/n's Missing ⚠️🚨
SOMEONE's POV
Natutulog ngayon si y/n, well nakatingin lang naman ako sa kanya ngayon, ang ganda niya kahit sa'ng banda.Di ko mapigilan ang kamay ko na alisin ang ang nakaharang na buhok sa kanyang mukha at ilagay ito sa tenga niya. Sa ginawa ko naramdaman ko rin ang makinis at malambot niyang mukha.
Sa ginawa ko ay nagising siya, nung dinilat na n'ya ang kanyang mata na nakatingin sa akin, ay agad itong napangiti. Ngiting inisip ko, na pwedi na akong mamamatay sa oras na ito. Pero lahat yun nawala nung — "Yoongi-Yah" sambit niya, na tila ba nagpi-fiesta sa ulo ko. "Cge, matulog ka muna." Sambit ko at pinisil ang mukha niya. Agad rin naman siyang pumikit at bumalik na sa pagtulog.
Y/n's POV
Nagising na lang ako, nung napaniginipan ko na napagulong-gulong ako sa snow. "Panaginip lang yun, panaginip lang." Sabi ko sa sarili, nagsuot na ako nang jacket at lumabas na sa tent namin ni Angelica. Medyo maaga pa kaya wala pang masyadong tao. Kaya naglakad-lakad na lang ako, nung nakita ko si Suran."Mag-usap tayo." Diretsahang sabi niya. "Okay." Sagot ko. "Lumayo ka sakanya." Sabi niya, sino ba yung binanggit niya? "Mwo?" Tanong ko. "Layuan mo na si yoongi?" Sabi niya, ulit. "Bakit?" tanong ko na tela walang alam.... hehe, totoo naman ih. "Alam mo ba nung dumating ka, naging magulo ang buhay namin." Banggit niya. "Umalis ka kasi kaya nakarating ako, kung sa baga sa storya na pagong at kuneho ako si pagong na lagi mong iniisip na di ako makakauna, at ikaw si kuneho na laging makukuha kung ano gusto niya." Pagtataray na sabi ko. "Dumating lang naman ako, kasi umalis ka." Dugtong ko.
"Layuan mo siya kung gusto mong walang mangyari sa kanya." Banta niya. "Sa tingin mo maniniwala ako? Kung mahal mo talaga siya, di mo siyang kayang saktan." Natawang sabi ko. "Mahal ko siya, pero di ako tanga." Sabi niya. "Sa oras na to, alam mo bA pananaw nang iba tanga ka?" Walang emosyon na sabi ko. "Anong sabi mo?" Galit na tonong tanong niya. "Kahit mahal ko siya, hahayaan ko bang masaya siya sa iba? Kasi pananaw ko, mas mabuti pang mawala siya para pareho tayo, para patas, masasaktan kung masasaktan." Sabi niya na ikinagulat ko. "Mark my word, y/n Lee. Im shin Suran and believe that I can do everything I want to do, that I can have all I want." Ngiting tagumpay na pinakita niya at umalis.
Kaya ako ngayo'y tulalang naglalakad pabalik sa tent ko, hanggang nakita ko si jian at Nicole. Kumakaway sila. "Y/n" sambit nilang dalawa. "Kayo pala? Kamusta ang tulog niyo?" Tanong ko. "Okay naman, kasi magkatabi kami." Sabi ni jian. "Huh? Pano?" Tanong ko ulit. "Kasi, sabi ni taehyung dun muna daw ako kina jian at jimin tutal wala pa si jimin." Malungkot na sabi ni Nicole. Haysss, gustong gusto niya talaga si taehyung ih.
"Lakad lakad muna tayo." Yaya ko. "Okay." Sabay sabi nilang dalawa.
~~~
Habang naglakad lakad kami nahinto kami dahil may nakita akong isang magandang bagay. Sila dahil may tumawag, pero phone ni jian. "Sagutin ko muna." Sabi niya. "Cge." Sabi ko. "Sundan ko muna, baka may mapulot ako na salita galing kay jimin." Sabi ni Nicole kaya natawa kami.
[a/n: nung nag UD ako, sorry kung di niyo maintindihan, kasi may mga words na nahihirapan ako kung ano yun talga. Kaya ang iba, mas pinili ko yung malalim. At sorry sa grammar ko in English ah! Di kasi ako matalino sa English at Filipino need progress pa ih']
Sinubukan kung abutin yung familiar na Shell, di ko nga alam kung pano may ganyan dyan. Di ba dapat nasa dagat?
(Ang Shell ay nasa isang puno, na parang itinapon na ito. Tapos ikaw nasa lupa, malamang😅😅 ganito yan medyo bundok na kayo nina jian at Nicole, at nasa edge kana nang inaapakan mo, maaring kang mahulog kung isang hakbang pa)
Sinusubukan ko itong abutin, magbabasakali lang naman na sa boybestfriend ko itong bagay na ito di ba. Inabot ko ito hangang—- success nako ko, pero nung naapakan ko yung isang medyo mabundok (pero maliit lang) na snow ay nahulog ako.
NICOLE's POV
"Balik na tayo, baka nagalit nayun." Biro ko kay jian. "Ahhhhhhhhhhh....." nung narinig ko ang sigaw agad kaming napatakbo papunta kung saan si y/n kanina. "Cellphone ni y/n" sabi ni jian. "Balik na tayo dun, para sabihin sa kanila. Di pweding tayo lang baka magalit pa sila." Sabi ko, sumang-ayon naman siya. Kaya nagmadali na kami, dapat kasi di ko na lang iniwan ih'."Oh! Bakit hingal na hingal kayo?" Tanong ni Namjoon. "Kasi.... kasi..." "kasi ano?" Tanong ulit ni Namjoon. "Kasi si y/n" nung sinabi ko yun, alerto agad si Namjoon at pinuntahan si yoongi, di pa nga ako tapos ih'.
"Nicole, jian, anong nangyari?" Tanong ni taehyung. "Kasi si y/n, kasama pa namin yun kanina, tapos tumawag si jimin kaya umalis muna kami ni jian, hangang narinig namin na sumigaw at nakita ko ito. (Pakita sa cellphone ni y/n)." Paliwanag ko. "Ano? Kailangan na natin siyang makita, nasabi muna na ba kay maam?" -taehyung. "H-hindi pa." Nanginginig na sabi ko. "Sabihin niyo na, at jian pagkatapos ay pagpapahingahin mo muna si Nicole."saad niya at umalis.
SOMEONE's POV
Pag may mangyaring masama sa kanya di ko talaga makakaya yun, y/n, asan ka na? Sana ligtas ka.
YOU ARE READING
One hundred days contract [[COMPLETED]]
RandomThis story is all about Love story OF two PEople WHO sacrifices theirselves even they were hurt just let him/her happy. And the happiness that they expect for each other's life is their Love for each other. But? Would they FIGHT UNTIL last? Would th...