3

2.1K 54 2
                                    

Nara

Sa isang barrio ako napadpad nang ihatid ako ng taxi na sinakyan ko matapos ko rito sabihin kung saan ang destinasyon ko. Mabuti na lang talaga at nakalibre ako ng ticket sa magsyota na iyon kasi kung hindi, hindi ako makakarating dito sa lugar na ito.

Hapon na nang makarating ako rito at kahit papaano, natuwa ako kasi hindi masyado marami ang mga tao rito. Kung eestimahin, wala pa siguro sa 200 ang naninirahan sa barrio na ito. May iilang bahay na gawa sa bato pero hindi kalakihan pero mas marami ang tradisyonal na kubo, tulad ng bahay na tinitirahan ko dati.

Maraming mata ang nakatingin sa akin habang naglalakad ako para hanapin ang bahay nina Lola. May iilang mga nakasilip sa bintana, nakaupo sa bukana ng pintuan at ang iba ay nakatambay sa harap ng kani-kanilang bahay. May iilang bata rin na naglalaro kaya umiiwas ako dahil hindi sila nakatingin sa tinatakbuhan nila.

Lumapit ako sa isang tindahan para makiupo sa tapat nito. May isang babae na nakaupo rin dito na umiinom ng softdrink pero hindi ko na lang pinansin kahit pa nakatutok ang mata nito sa akin. Napabuntong-hininga ako saka ko iniayos ang pagkakatali ng buhok ko. Itinali ko ulit ito pa-ponytail habang iniisip kung magpapagupit na ba ako. Hanggang likod ko na kasi ang haba nito at medyo hassle na kapag naliligo ako.

"Miss?" pagkuha sa atensyon ko ng katabi kong babae. Medyo may kaidaran na ito, siguro nasa 40? Hindi ko alam.

"Bakit?" Nang maitali ko na ng maayos ang buhok ko, hinubad ko ang salamin ko saka ko ito pinunasan bago muling isinuot.

"Bago ka lang rito, hindi ba?" Tumango sa tanong nito saka ko hinawakan ang maleta ko. "May hinahanap ka ba? Napansin ko kasing may tinitignan kang papel kanina."

Muli akong tumango saka ko inilabas mula sa bulsa ko ang papel kung saan nakasulat ang address na hinahanap ko. "Heto. Hinahanap ko kasi ang Lolo at Lola ko. Marites at Juancho ang pangalan nila."

Saglit niya itong tinignan saka ako tinignan habang nakangiti. "Kilala ko sila. Medyo malapit lang sila rito. Gusto mo bang samahan kita?"

Medyo nag-aalinlangan akong sumama sa kaniya kasi hindi ko pa talaga siya kilala. Hindi ko kasi alam kung may balak ba siyang masama sa akin o ano pero naisip ko kasi na parang walang saysay ang pagpapakita ko sa kaniya ng address at pagbanggit sa pangalan nina Lolo kung hindi ko rin siya pagkakatiwalaan.

"Sige po." Tumayo siya kaya tumayo na rin ako. Pinagpag ko ang pang-upo ng suot kong dress saka ko siya sinundan habang hila ang maleta.

May mga nadadaanan kami na tinatanong ang kasama ko kung anong mayroon at may kasama siya. Sinasagot niya naman ito na hinahanap ko ang Lolo at Lola ko kaya medyo nakahinga ako ng maluwag. Hindi niya naman kasi sasabihin iyon kung may balak siyang masama sa akin.

Nakarating kami sa isang kubo. Moderno rin ang istilo nito at may ikalawang palapag. Medyo naka-elevate ito at may ispasyo sa ilalim ng bahay na mukhang puwede paglagyan ng kung ano-anong gamit. Kakailanganin pang yumuko ng papasok sa espasyong iyon kung sakali. Base naman rin sa nakikita ko, may mga kahit rito. Mukhang duon itinatambak ang mga panggatong.

Kumatok ang babae sa pintuan matapos namin umakyat sa hagdan. Habang hinihintay namin na may magbukas ng pinto, inilibot ko ang mata ko sa kabuuan ng bahay. Nakakatuwa lang kasi may balkonahe ito. Sa kanan ko, may isang lamesa na gawa sa kahoy na pinalilibutan ng apat na upuan. Sa kaliwa naman ay may nakasabit na duyan.

Parang ang sarap mamuhay sa lugar na ito kasi pakiramdam ko, tahimik rito.

"N-Nara? Apo?" Napatingin ako sa harap nang narinig ko ang boses ni Lola. Gulat itong nakatingin sa akin at nang maka-recover, bigla siyang naglakad palapit sa akin at binigyan ako ng mahigpit na yakap. "Anong ginagawa mo rito?"

Call Me Daddy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon