7

1.6K 35 12
                                    

Nara

Pikit-mata akong kumatok sa kwarto ni Travis habang bibig sa isang kamay ang tray ng pagkain. Nagpapahatid kasi siya ng pagkain sa kwarto dahil may mga dapat raw siyang gawin. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya at kinailangan pa siyang dalahan ng pagkain pero wala akong pakielam. Hindi ko naman kasi dapat kuwestiyunin ang mga gusto niya gawin sa buhay.

Napag-alaman kong si Lola ang pinakiusapan na magdala ng pagkain pero dahil halos dalawang linggo na kami nag-iiwasan ni Travis, pinilit na ako ni Lola na ako na lang ang madala. Gusto kasi kami nitong magkaayos dahil napansin nito na mas lalo kaming hindi nagpapansinan ng lalakeng iyon.

Kung dati kasi, hindi man kami magpansinan, tinitignan niya naman ako ng mariin o masama. Panatag pa nga sina Lola na ganuon tumingin sa akin ang alaga nila pero nitong mga nakaraang araw, ni masamang tingin, hindi na niya itinatapon sa akin.

Hindi ko tuloy alam kung dapat ko ba ipagpasalamat ang hindi namin pagkakaintindihan o ano. Ultimo pag-uutos, hindi niya na rin ginagawa. Kapag may kailangan siya, sina Lola ang lalapitan niya.

"Pasok." aniya mula sa loob.

Kumabog ng mabilis ang puso ko dala ng matinding kaba. Ngayon na lang ulit kasi kami mag-uusap. Kinakabahang pinihit ko ang seradura ng pinto at nakita ko siyang nakaupo sa harap ng laptop na nakapatong sa lamesa. Nakasandal ang lamesa sa tapat ng bintana kaya hindi ko maiwasang mainggit ng kaonti.

Para kasing ang sarap mag-aral sa ganiyan. Puwedeng-puwede mo buksan ang bintana habang nagbabasa ka o hindi kaya'y kapag umuulan, mararamdaman mo ang pagtama ng hangin na pumapasok mula sa labas habang humihigop ka ng mainit na kape.

Umiling ko para iwaksi ang mga iniisip ko saka ako pumasok. Nang lingunin niya ako, nanglaki ang mga mata niya pero kaagad rin tumikhim saka humarap sa laptop niya. "May ginagawa si Lola kaya nakiusap siyang ako na lang magdala. Sorry."

Tumango siya habang nakaharap pa rin sa laptop kaya lumapit na ako at inilapag sa lamesa niya ang tray. Hindi ko sinasadyang napatingin sa screen ng laptop niya kaya kaagad kong ibinaling ang tingin ko sa ibang direksyon. Baka kasi pagalitan niya ako at sabihing chismosa dahil nakatingin ako sa email na kino-compose niya.

"Thanks." mahinang sinabi niya at alam kong signal na iyon para umalis ako. Pumihit ako patalikod pero bago pa man ako magsimulang maglakad, naramdaman ko ang paghawak niya sa laylayan ng suot kong t-shirt. Tinignan ko siya ng may pagtataka matapos ko pumihit paharap sa kaniya pero nakatingin lang siya sa laptop. "Stay here."

"B-Bakit? May kailangan ka pa ba ipagawa?"

"Yeah." sagot niya saka bumitaw sa damit ko. "I need you to stay so we can talk. Sit in my bed and wait for me. Tatapusin ko lang ito."

Wala akong choice kung hindi tumango saka pumunta sa kama niya. Hindi ko alam kung anong gusto niyang pag-usapan namin pero ngayon pa lang, gusto ko nang lumabas. Medyo kinakabahan kasi ko at baka palayasin niya na ako ng tuluyan sa bahay na ito. Baka iniisip niya na wala naman akong silbi dahil nga hindi niya na ako mauutusan gawa ng pagtatalo namin.

Kung iyon kasi ang sasabihin niya, wala na talaga akong magagawa kung hindi umalis. Pero bakit ngayon lang? Bakit hindi niya ako pinalayas noong sumunod na araw matapos namin bumili ng mga dekorasyon? Talaga bang pinatagal niya muna para mas mahirapan ako kapag tuluyan niya na akong napalayas?

"Sorry. Matagal pa ba iyan? May gagawin lang ako saglit sa kwarto ko."

"Make it quick; I'm almost done." sagot niya na hindi ako tinitignan.

Nang makarating sa kwarto, kinuha ko kaagad iyong maleta sa ilalim ng kama. Ipinatong ko ito sa kama saka ko nilapitan iyong aparador. Kinuha ko na lahat ng damit rito at isa-isang tiniklop. Lahat ng dapat ko ilagay sa maleta, inilagay ko na. Medyo natagalan ako sa pag-aayos dahil sa pagtitiklop kaya naman nagmadali rin ako sa pagbalik sa kwarto ni Travis. Mukhang tapos na siya kasi sarado na iyong laptop at nang madatnan ko siya, natabi na sa kama iyong swivel chair na inuupuan niya kanina.

Call Me Daddy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon