28

746 17 2
                                    

Nara

"Galit ka ba?"

Iyan ang unang tanong na binitawan ko para simulan ang pag-uusap namin. Gusto ko kasi malaman kung nagalit siya sa ginawa ko. Alam ko na mali ang ginawa ko kaya hindi malabong nagalit siya sa akin.

Kahit pa kasi sabihing hilig niya ang sex, hindi pa rin maiaalis na magalit siya lalo pa't pinilit ko siya, na walang consent ang ginawa kong panghahalay sa kaniya. Nasa tamang pag-iisip pa rin naman siya kaya hindi niya ginusto ang nangyari.

"Why would I be?"

"Kasi... pinwersa ko ang sarili ko sa iyo." Hindi ko maatim na sabihin ang mga salitang iyan dahil ni minsan, hindi ko naisip na ipilit ang sarili ko kahit kanino. Ayoko sanang sabihin pero kailangan dahil nakakadiri man para sa akin ang mga sinabi ko, kailangan naming magkalinawan.

"Im not, Nara. Ako dapat mag-sorry sa iyo." Iniangat niya ang mukha mula sa pagkakasubsob sa mga braso niya na nakapatong sa tuhod saka ako tinignan. "I'm sorry I put you in a dangerous situation. I know why I suddenly fell asleep. It's Mago and my sister, right?" Tumango ako sa tanong niya saka ko hinawakan ang bracelet sa braso ko. "I'll thank them later."

"Gusto ko pa rin mag-sorry kasi mali ang ginawa ko. Considered rape na iyon at hindi ko matanggap na ginawa ko iyon sa iyo para lang sa pangsarili kong dahilan." Nagsimula na ulit magtubig ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. Hindi ko lubos maisip na magagawa ko ang bagay na iyon sa kaniya. Mahal ko siya pero ginawa ko ang bagay na iyon dahil sa galit.

Walang excuse ang kasalanan ko. Mali ako. Period. Kailangan ko pagbayaran iyon.

"Why did you do it?"

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at inisip kung paano ko sasabihin sa kaniya ang dahilan kung bakit. Hindi ko man ito masabi ng maayos, gusto ko pa rin maintindihan niya kung bakit.

"Kasi hindi ko matanggap na sex lang ang habol mo sa akin."

"Ha?!" Mapatingin ako sa kaniya dahil sa pagtaas ng boses niya. Bakas ang gulat sa mukha niya kaya hindi ko maintindihan kung bakit ganiyan ang reaksyon niya.

Tama naman ako, hindi ba? Kaya niya nga sinabi na can you call me daddy in bed again kasi iyon ang gusto niya sa akin? Hindi siguro ako masasaktan at patuloy na magpapakatanga kung hindi niya unang tinanong kung puwede ko ba siya maging boyfriend.

"Pero iyon naman talaga ang gusto mo sa akin, hindi ba? Huwag na tayo maglokohan, Travis. Narito tayo para sabihin lahat ng katotohanan kasi anong point ng pag-uusap nating ito kung hindi ka magiging honest?"

"Sorry. Nagulat lang ako kasi hindi ko inisip ang bagay na iyan. Pero paano nasabi iyan? Diretsa ko ba sinabing gusto lang kita ka-sex?"

"Siguro masyado lang akong nag-iisip pero matapos mo ako tanungin kung puwede kita maging boyfriend, sinundan mo kaagad na kung puwede kita tawaging daddy ulit."

"O-Okay. I'm sorry if I confused you pero, Nara, I really want to be your boyfriend. I just asked you if you can call me that again because I miss being intimate with you. I know that there are a lot of forms of intimacy pero that's what I love doing the most, especially if it's with the right person. Hindi mo ba nahahalata? Halos araw-araw kitang gusto makasama sa kama ko, o maging intimate sa iyo kasi gusto ko iyong pakiramdam."

Parang tumigil sa pag-fu-function ang utak ko dahil sa sinabi niya. Hindi man direkta, sinabi niya pa rin na ako ang right person na gusto niyang masakasama kapag gumagawa ng makamundong bagay. Masaya ako sa narinig ko pero hindi ito ang oras para kiligin dahil malakas ang pakiramdam ko na may kinalaman ang mukha ko kaya niya gustong-gusto ako maangkin hangga't may pagkakataon siya.

Call Me Daddy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon