Nara
Bakit ako girlfriend ng anak nila? Bakit naman iyon ang unang tanong na kailangan sagutin ni Travis? Hindi ba nila ako gusto para sa anak nila? May iba ba silang plano para maging nobya nito?
Tinignan ko ang katabi ko, hinihintay kung anong isasagot niya. Alam kasi naming pareho na kaya naging kami kasi tinutulungan ko siyang makalimutan, na sinusubukan naming mapamahal siya sa akin pero hindi namin puwedeng sabihin ang mga bagay na iyan dahil alam kong kagagalitan kami ng mga magulang niya o puwede ring paghiwalayin kami.
"Trav?" pagkuha ni Mr. Eru sa atensyon niya dahil hindi pa rin siya sumasagot. Nakatungo pa rin siya at parang hindi alam ang sasabihin. "Your mother's asking you."
"How about you, Nara?" tanong ni Mrs. Eru pagkabalik sa akin kaya napaangat ako ng tingin para tignan siya. "Bakit mo boyfriend ang anak ko?"
Kinagat ko ang ibabang labi ko at tinignan si Travis. Hanggang ngayon, tahimik pa rin siya at masakit para sa akin iyon. Kahit man lang kasi pagsisinungaling, hindi niya magawa. Ganuon ba talaga hindi kagusto sabihin na mahal niya ako, kahit man sa pagpapanggap? Now that I think about it, never niya pa sinasabi sa akin iyan. Tinatawag niya akong love pero... hanggang duon lang.
Ako, kayang-kaya ko sabihin sa harap ng mga magulang niya na mahal ko siya kahit pa kainin ako ng hiya tapos siya, hindi? Sabagay. Ano pa nga bang aasahan ko sa kaniya? Hanggang ngayon, si Daniella pa rin.
Buti pa nga ang babaeng iyon, maraming nagmamahal ng totoo sa kaniya. Nagkaroon ng asawa, ng maraming tagahanga, tapos itong lalake sa tabi ko na hanggang ngayon, siya pa rin ang mahal.
Hindi ko naman hinahangad na lahat ng tao, mahalin ako tulad ng pagmamahal na natatanggap ni Daniella. Ang gusto ko lang, mahalin ako ng katabi ko. Isa na nga lang hinihiling ko na magmahal sa akin, hindi ko pa makuha.
"Kasi po... mahal ko siya."
Bumaling ulit siya sa anak niya. "How about you, Trav? I'm going to ask you again. Bakit mo girlfriend si Nara?"
Hindi pa rin ito sumagot kaya halos mawalan na ako ng pag-asa pa. Talaga bang hindi niya kaya magsinungaling man lang para matapos na ito?
"Si Daniella pa rin ba, Trav?" mahinang tanong ni Mr. Eru. "Totoo ba iyong narinig namin kanina? Alam naming hindi ka marunong magsinungaling kahit pa sobrang fucked up ng sitwasyon mo so tell us, Trav. Why'd you make Nara your girlfriend when you still love Daniella?"
"Did you really use her because she looks exactly like Daniella?"
"Look..." Bumuga si Travis ng malalim na paghinga bago ipinagdaop ang mga kamay at tinignan ang mga magulang niya. "I... I'm trying to move on. Pinipilit ko naman."
"Pinipilit?! Trav, you know much it hurts when a person is being used! Labas si Nara sa issue mo sa buhay pero dinamay mo! Because of what?! As a replacement because she looks like your Kuya's wife?! I know it's hard to move on but why did you have to make a decision that you know will hurt someone?!"
"S-Sorry, Ma. Pa."
"Don't apologise to us! Apologise to Nara!"
Hindi ako nito tinignan at kinagat lang ang ibabang labi. Hinintay naming magsalita siya pero wala pa rin kaya nang tumayo si Mrs. Eru at sinampal siya, hindi ko na ikinagulat.
Sa mga nangyayari ngayon, isang sampal rin sa akin na mali palang pumayag ako na subukan naming makamove on siya sa tulong ko. Hindi ko rin matanggap na hindi man lang siya makahingi ng tawad sa akin ngayong na-corner na siya.
"Han, tama na." pag-awat ni Mr. Eru sa asawa dahil galit pa rin itong nakatingin sa anak nila. "Trav, alam naming babaero ka pero hindi ko naman maintindihan kung bakit pati si Nara, idadamay mo sa koleksyon mo. Hindi naman ibang tao iyan, eh. Apo iyan nina Lola Tes. Parang pamilya na natin iyong pamilya nila kaya paano mo nagawa iyon? Do you know how disappointed we are right now?"
BINABASA MO ANG
Call Me Daddy (Completed)
RomansaNi minsan, hindi pinangarap ni Nara na magkaroon ng love life dahil isa lang naman ang gusyo niya; ang tahimik na buhay pero nagbago ang mga iyon dahil sa isang tao. Nabuhay siya sa magulong pamilya at hindi nakatulong ang mga ito sa mga pinagdaraan...
