Nara
Dalawang linggo pa ang nagdaan na hindi man lang kami halos lumalabas ng unit. Oo, lumalabas kami pero para bumili lang ng pagkain o minsan ay para mag-swimming sa pool ng building pero hanggang ganuon lang kami.
Nababagot ako kasi para kaming naka-quarantine. Minsan nga, napapaisip ako kapag nakikita ko si Travis na nakahilata lang habang kumakain ng kung ano-anong junk foods. Halos hindi na nga rin siya nag-wo-workout talaga.
Hindi naman sa gusto ko maging fit lang siya dahil katawan niya pa rin naman iyan. Ang sa akin lang, nag-aalala ako dahil para na siyang batugan nang nakarating kami rito sa Manila. Ibang-iba siya ngayon kaysa sa nakasanayan ko.
Ako naman, may ilang interview akong dinaluhan nitong isang araw. Ang sabi, tatawagan raw ako. Ayokong umasa kasi kapag ganuon ang sinasabi ng mga employer, malaki ang chance na hindi ka na tawagan. Gusto ko pa man rin magtrabaho dahil ayoko namang sumandal nang sumandal kay Travis pagdating sa mga gastusin.
Dala ko naman ang mga kailangan kong credentials para sa pag-a-apply kaya hindi ko na problema ito. Talagang iyong tatanggap lang sa akin ang iniisip ko sa ngayon.
Naputol ang malalim na pag-iisip ko nang marinig ko ang mahinang paghilik ni Travis. Nakahiga siya sa sofa habang nakaunan sa mga hita ko. Ang laptop naman sa harap namin, patuloy pa rin sa pag-pe-play ng video.
Sinubukan kong kuhanin ito na hindi ginigising si Travis at masaya ako't nagawa ko naman. Ipinatong ko ito sa armrest at pinatay iyong movie. Naghanap ako ng trabaho online, preferably as a teacher pero wala pa rin available.
Maingat akong umalis sa pagkakaupo at inalalayan ang ulo ni Travis para maihiga ng maayos saka ako pumunta sa kwarto para halungkatin ang maleta ko. Naalala ko kasi iyong dating modelling job na ini-offer sa akin ng mga lalakeng sinadya ako noon sa probinsiya.
Halos mawalan na ako ng pag-asa dahil hindi ko ito makita pero nang buksan ko ang pouch na pinaglalagyan ko ng salamin ko, nakita ko rito ang calling card na ibinigay sa akin. Hindi ko na matandaan kung anong pangalan ng dalawang iyon. Gusto ko sanang sila ang makausap para at least kilala ako ng makakausap ko pero kung hindi, wala naman akong magagawa.
Lumabas akong hawak ang card at pumunta sa salas dahil naruon ang landline. Ilang ring lang ang narinig ko nang tawagan ko ito dahil biglang may sumagot sa kabilang linya.
"H-Hi. Good morning." bungad ko rito.
"Myoui fashion line. This is Melanie. May I know who I'm speaking with?"
"This is Nara po. Nara Figueroa. I was scouted by two guys, I think a month ago. Sorry but I forgot their names. They said that if I'm interested to be a model, I just need to contact this number."
"Hold on." Nawala siya sa kabilang linya kaya umupo muna ako sa sahig para hintayin siya. Umabot ng ilang minuto ang itinagal niya bago ko siya narinig muli. "I'm back, Ms. Figueroa. Thank you for waiting. Can you drop by the office tomorrow? I just got a confirmation that they did got in touch with you."
"Tomorrow...?" Napatingin ako kay Travis. Tulog pa rin ito.
Kung bukas, dapat ngayon palang ay makapagpaalam na ako sa kaniya kasi baka maghanap siya kung mawala ako bigla. Siguro magpapahatid na rin ako kasi hindi ko kabisado rito. Sana lang ay alam niya kung saan ang lugar na kailangan ko puntahan.
Pero teka. Kung tama ang pagkakaalala ko, ayaw niya akong palapitin duon sa recruiter na pumunta sa bahay namin. Siguro ililihin ko na lang. Para naman ito sa amin. Kailangan ko ng trabaho para makapag-ipon at isa pa, hindi birong pera ang makukuha ko kung legit ang modelling na ini-o-offer sa akin.
BINABASA MO ANG
Call Me Daddy (Completed)
RomanceNi minsan, hindi pinangarap ni Nara na magkaroon ng love life dahil isa lang naman ang gusyo niya; ang tahimik na buhay pero nagbago ang mga iyon dahil sa isang tao. Nabuhay siya sa magulong pamilya at hindi nakatulong ang mga ito sa mga pinagdaraan...