40

720 17 0
                                    

Nara

Nagising ako sa mainit na yakap ni Daniella kaya gumuhit ang ngiti sa mukha ko. Ito iyong babae na akala ko ay hindi ko magugustuhan dahil ito ang mahal ni Travis pero heto't sobrang saya ko na nakayakap ito ngayon sa akin.

May kaonting hiya pa ako na nararamdaman dahil hindi ko pa siya lubos na kilala pero nag-ipon ako ng lakas ng loob para ibalik ang yakap niya. Nang gawin koi to, sumiksik siya lalo sa dibdib ko kaya napuno ng saya ang dibdib ko.

Pakiramdam ko, nasa tamang lugar ako. Ibang-iba ito sa bahay nina Travis. Hindi ko sinasabing hindi home ang ambiance sa bahay na iyon. Para sa akin kasi, mas matatawag ko na home ang rito dahil nandito ang pamilya ko.

Oo. Pamily ko. Kahit hindi pa lumalabas ang resulta ng DNA test, ramdam ko na sila talaga ang pamilya ko.

Kumalas rin ako sa yakap at bumangon para bumaba. Naabutan ko sina Ate Carla, Mama at Papa na naghahanda ng mga pagkain sa kusina at nang makita nila ako ay binati nila ako ng may ngiti sa mukha. Si Ate Carla nga, nilapitan pa ako para yakapin ako at sabihan ng good morning.

Tumulong ako sa kanila sa paghahanda ng almusal. Medyo marami silang niluluto dahil may nadagdag raw sa pamilya.

"Nara...?" Narinig kong pagtawag sa akin ni Daniella mula sa hagdan kaya napatingin ako sa kaniya. Hawak niya ang cell phone ko na tunog nang tunog. Halata sa kaniya na inaantok pa rin siya dhail humihikab pa siya't nagkukusot ng mata. Nang makita niya ako, kaagad niya akong nilapitan at iniabot ang cell phone. "May tumatawag. Number lang kaya hindi ko alam kung sino."

"Thank you." pasasalamat ko saka ko tinanggap ang cell phone ko. "Sagutin ko lang po ito." pagpapaalam ko kina Mama at lumabas ng bahay saka sinagot ang tawag. "Hello?"

"Love...?" Natigilan ako nang marinig ko ang boses ni Travis.

"Travis?"

"Can we meet?"

Tinignan ko ang bahay ng pamilya ko bago ako tumikhim. "Bakit?"

"Basta. Can we?"

"Sabihin mo muna sa akin kung bakit."

"Gusto lang kita makita."

Hindi ko maiwasang mapangiti nang marinig ko ang sinabi niya. Napahawak rin ako sa dibdib ko dahil medyo bumilis ang pagkabog ng puso ko. "Kasama ko sina Daniella, ang pamilya ko."

Hinintay ko siyang magsalita pero umabot na ng ilang Segundo, wala pa rin. Akala ko nga naputol ang tawag pero nang marinig ko ang pagtikhim niya, napagtanto ko na natigilan lang siya. "Pamilya mo? Sorry. What do you mean?"

"Kapatid ko siya."

"S-Seriously?"

Sinagot ko lang siya ng hmm at ilang segundo na naman kaming natahimik. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko sa kaniya at para kasing nagkaroon ng malaking harang sa pagitan namin. Siguro dahil wala na kami? Hindi ko alam.

Masakit sa akin na bumalik na naman kami sa ganito, na may awkwardness na naman. Hindi naman siguro maiaalis sa sistema ko iyon, lalo pa't minahal ko ng sobra. Normal lang ito at kailangan ko lang sanayin ang sarili ko at tandaan na bilang na ang oras ko ditto sa mundo.

"Sige na, Travis. Kailangan ko na bumalik sa loob. Naghahanda kasi kami ng almusal."

"Love, mamayang 8 ng gabi? Puwede ba?"

Napaisip ako sa sinabi niya. Mamayang gabi? Makikipagkita ako sa kaniya? Gusto ko, alam kong alam niya iyon pero sa ngayon siguro, hindi muna. The more na magkasama kami, mas mahihirapan ako umalis sa mundong ito. Kailangan ko idistansiya ang sarili ko sa kaniya para kahit papaano, sana, mabawasan ang pagmamahal ko sa kaniya at mababawasan ang bigat sa dibdib ko.

Call Me Daddy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon