27

810 18 0
                                    

Nara

Ibinalik kami ni Mago sa totoong mundo kaya dali-dali kong pinulot at isinuot ang mga damit ko. Hindi ko sila maintindihan kung bakit parang wala lang sa kanila na nakahubad ako pero hindi na mahalaga iyon dahil marami akong gusto malaman tungkol kay Travis.

Sa mga pagkakataong ganito, dapat hinihiling ko nang lamunin ako ng lupa at kahit ako, nagtaka sa sarili ko na hindi ako tumakbo para magtago. Ang dami ko na talagang ipinagbago simula nang makilala ko si Travis. Ipinagpapasalamat ko naman ito dahil kahit papaano ay tumatapang ako at kakailanganin ko ang tapang na ito para sa maraming bagay.

Nanatili kami sa salas at si Travis ay inilapag lang ulit sa sofa. Ako naman, pumunta saglit sa kusina para kuhanin ang salamin ko dahil duon ko ito iniwan. Nang mahubad ko na ang contact at naisuot na ang salamin ay pinuntahan ko kaagad si Travis. Tulog na tulog ito, na para bang walang nangyari kanina. Napakapayapa ng itsura niya habang natutulog kaya hindi ko lubos maisip na likod ng mukha niyang iyan ay may itinatago pala siyang sikreto.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na siya at si Chuckie ay iisa. Hindi ko alam kung Chuckie nga ang pangalan ng alter ego niya. May hinala ako na dahil lang ito sa pagbibigay niya ng Chuckie sa akin araw-araw kaya ito na lang ang ginamit niya pangtago sa kung sino talaga siya.

"Okay ka na ba?" nag-aalalang tanong ni Izzy matapos ako hilahin paupo sa pang-isahang upuan at siya naman ay iniangat ang mga paa ni Travis saka siya naupo sa paanan nito tapos ang mga paa nito'y inilagay niya sa kandungan niya. "I'm really sorry, Nara. If only my super galing na boyfriend told you about Kuya, this shouldn't have happen."

"Kailangan ako ni Dane." anunsiyo ni Mago kaya napatingin siya rito.

"Tatakas ka na naman!"

"Kailangan niya nga ako." Bagot na tinignan nito si Izzy saka humalik sa pisngi nito. "Maraming tanong iyan si Nara; ikaw na sumagot." Sa isang kumpas ng kamay, nawala ito na parang bula. Hindi na ako nagulat sa ginawa nito dahil alam kong maraming kaya gawin ito na hindi kaya ng normal na tao.

"Bwisit talaga iyon." reklamo ni Izzy saka ako tinignan. "Okay. I know you have lots of questions after witnessing what happened tonight so go on. Ask me anything, I'll answer you with 100% honesty. You deserve everything you need to know after what this stupid brother of mine did to you."

Tumango ako saka ko tinignan si Travis. Ganuon pa rin ito; mahimbing na natutulog. "Unang gusto ko malaman ay kung buong buhay niya ba, incubus na siya."

"Hmm." Inilagay niya ang kamay sa baba niya saka tumingin sa kawalan para mag-isip pero ibinalik rin ang tingin sa akin. "Not really."

"So tao talaga siya at naging incubus lang dahil...?"

"Ganito kasi iyan. He turned into an incubus back when he entered collage. He badly wanted someone—"

"Si Daniella?"

Tumango siya't bumuntong-hininga saka tinignan ang kuya niya. "Yeah. Naging pasaway kasi siya. Nabarkada, ganuon. Worst was when he he wanted to protect my Kuya Dane and Ate Ella. He wanted to keep them safe so bad he got himself a gang."

"Saan? May nagbabanta ba sa kanila?"

"Yeah. My Kuya Dane kasi back then, super patpatin. Target ng bullying despite having famous and wealthy parents. My Ate Ella kasi, super mapanggamit sa mga boys. She dated a lot of guys just to make my other stupid brother jealous, to make him confess his feelings for her kahit super uncertain siya na may gusto sa kaniya si Kuya Dane. So iyon nga. Sumali siya sa isang gang para bigyang proteksyon iyong dalawa kasi tinatarget si Ate Ella na kuhanin ng mga feeling bad guys. I can't blame them kasi super ganda ni Ate Ella."

Call Me Daddy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon