Nara
Napasinghap ako nang kagatin niya ng marahan ang leeg ko. May kaonting hapdi ito kaya hindi ko alam kung bumaon ba ang mga ngipin niya rito. Balak ko sana itong hawakan pero mabilis niyang inialis ang pagkakahawak sa pulso ko saka ipinagdaop ang mga kamay namin.
Nakatingin lang ako sa kisame ng kwarto ni Travis habang paulit-ulit na nagpapkawala ng malalalim na paghinga. Tapos na siya sa pagkakasasa sa bibig ko kaya bumaba ang mga halik niya kanina sa aking panga, leeg, collar bone at ngayon ay binitawan niya ako't umupo. Hinawakan niya ang laylayan ng damit ko saka ito unti-unting itinaas.
Para siyang gutom na leon nang tuluyan niya nang maialis ang damit ko. Nakatitig lang siya sa dibdib ko na para bang kailangan niya ito matikman. Matapos niya ito titignan ng ilang segundo, tumayo siya't hinubad ang suot niyang shorts at itinira ang suot na itim na boxer. Inihagis niya lang ito sa gilid saka muling umupo sa pagitan ng mga hita ko.
Nang hinawakan niya ang garter ng pajama ko, tinakpan ko ang dibdib ko kaya napatingin siya sa akin. "Bakit mo ba ito ginagawa?" Hinintay ko siyang sumagot pero wala akong nakuha kaya napagpasyahan kong dugtungan ang sinasabi ko. "Bakit ako magtitiwala sa iyo na hindi mo ako papatayin? Alam ko kung anong ginagawa ng mga katulad mo at iyong sinabi mo na ikamamatay ko lang sa oras na matapos ka sa loob ko? Hindi ko alam kung sinabi mo lang ba iyon para mapapayag ako sa gusto mo." Gamit ang isang braso, itinukod ko ang siko ko sa kama para maibangon ang katawan ko habang ang isa ay nanatiling nakatakip sa dibdib ko.
Umatras ako't sumandal sa headboard ng kama habang hindi binabali ang tingin sa kaniya. Ganuon rin naman siya pero may bahid ng pagtataka sa mukha niya. Hindi ko naman siya masisisi dahil kung makapagpakawala ako ng ungol kanina ay para ayoko nang matapos ang sarap na iginagawad niya sa akin.
"Hindi mo ba nagustuhan?"
Nag-init ang mukha ko dahil sa tanong niya. Hindi ko nga ba nagustuhan? Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi dahil kahit may kaba, para akong uhaw sa kaniya habang magkalapat ang mga labi namin. Pati ang katawan niya, kung puwede lang na hindi ko na bitawan at hayaang nakadikit sa akin ay gagawin ko, lalo pa't ang katawan ni Travis ang ginamit niyang itsura bukod sa mukha nito.
Bawat detalye ng katawan ng lalakeng mahal ko, kuhang-kuha niya; mula sa dibdib, malalaking braso, tiyan at sa pinong buhok nito na nagmumula sa pusod pababa sa itinatago niya. Kung hindi ko nga lang kilala ang kasama ko ngayon, mapagkakamalan kong si Travis ito dahil mula ulo hanggang paa ay kuhang-kuha niya pati na ang boses.
Lumunok ako ng isang beses saka ko hinila ang kumot para maitakip sa katawan ko. "Hindi sa ganuon."
"May kulang ba sa ginawa ko? May gusto ka bang gawin ko? Sabihin mo lang."
"Wala. Natatakot lang ako."
Gumapang siya palapit sa akin hanggang sa magkalapit na ang mga mukha namin. "Pero hindi naman kita—" Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat para mapatigil siya sa paglapit pa lalo. "Nara?"
"Kasi hindi ikaw si Travis." mahinang sagot ko. "May aaminin ako sa iyo." Nag-iwas ako ng tingin dahil nang nagbaba ako ng tingin, bumungad sa akin ang umbok na nakatago sa boxer niya. "Ilang beses na akong nagtangkang magpakamatay noon pero may kung anong puwersa na pumipigil sa akin kaya nagiging palpak ang pagpapakamatay ako."
Halos wala itong koneksyon sa mga nangyayari ngayon pero gusto ko lang siyang patigilin kaya kahit ano, sasabihin ko, mabaling lang ang pag-iinit ng katawan niya.
"A-Ano?" Napapikit ako nang nahimigan ko ng pag-aalala ang tono ng boses niya. "Bakit mo ginawa iyon?"
"Mahabang istorya pero kung paiikliin, naging basura ang buhay ko sa kamay ng mga taong nakapalibot sa akin. Gusto kong lumaban pero sa araw-araw na ginawa ng Diyos, sa lahat ng nangyayari sa akin, parang ipinamumukha nito na walang silbi kung mabuhay pa ako."
BINABASA MO ANG
Call Me Daddy (Completed)
RomanceNi minsan, hindi pinangarap ni Nara na magkaroon ng love life dahil isa lang naman ang gusyo niya; ang tahimik na buhay pero nagbago ang mga iyon dahil sa isang tao. Nabuhay siya sa magulong pamilya at hindi nakatulong ang mga ito sa mga pinagdaraan...