4

1.9K 54 0
                                    

Nara

Habang nasa hapag, gusto ko na lang tumakbo paalis. Habang kumakain kasi, hindi inaalis ni Travis ang tingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganuon siya kung tumitig sa akin. Wala naman akong matandaang ginawa ko sa kaniya. Siguro ang masamang nagawa ko lang ay ang pagpunta rito na walang plano, na makikain kahit hindi naman kina Lola ang bahay na ito. Siyempre, kung hindi kina Lola ang bahay, malamang sa lalakeng ito o sa pamilya nito nanggaling ang pera.

Pakiramdam ko, kada subo ko sa pagkain, binibilang niya para singilin ako kapag natapos na kami. Hindi ako komportable sa tinging ibinabaon niya sa akin at hindi nakatulong ang pag-iisip ko ng mga bagay-bagay, tulad ng posibilidad na paalisin niya ako rito. Hindi malabong mangyari iyon. Hindi mo mahihimigan ng kabaitan ang itsura niya. Para siyang lalake na hinugot sa mga palabas, na siyang prinsipeng bad boy na sumisira sa buhay ng mga bida.

At kahit papaano ay natatakot akong masira ang buhay ko nang dahil sa kaniya.

Gusto kong salubungin ang tingin niya pero wala akong lakas ng loob para gawin iyon. Ang tindi kasi niya tumingin; para akong kakainin ng buhay. Alam ko rin na kapag tinapatan ko ang tinging ibinabaon niya sa akin, ako rin ang unang susuko kaya mas maigi talaga na hindi ko na lang siya tignan.

Halata yata nila ang pagmamadali ko dahil wala pa yata sila sa kalahati ng kinakain nila nang ubusin ko ang tubig ko sa baso. Iniayos ko ang mga pinagkainan ko saka ako tumayo. "Tapos na po ako." anunsiyo ko. "Mauuna na po ako sa kwarto."

"Ha? Ang kaonti ng kinain mo, Nara."

Napatingin ako kay Lolo. Nagtatakang nakatingin ito sa akin habang patuloy pa rin sa pagsubo ng pagkain. "Busog na po ako." Binigyan ko siya ng maliit na ngiti bago ako pumihit patalikod at dumiretso sa kusina. Nang mailagay ko na ang mga pinagkainan ko sa lababo, dali-dali akong umakyat sa taas.

Nang makapasok sa kwartong nakalaan sa akin, isinara ko ito at napasandal na lang ako sa pinto at napahawak sa dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko kasi talaga kinaya iyong tingin ng lalakeng iyon. Hindi rin nakatulong ang pagmamadali ko kaya talagang hindi na nakakapagtaka na mabilis ang tibok ng puso ko.

Palalayasin niya na ba ako kaya niya ako tinitignan ng ganuon? Bumubwelo lang ba siya kasi nasa harap sina Lola? Nasa itsura niya naman kasi na hindi siya gumagawa ng mabuti. Alam kong hindi tama na husgahan ko siya gayong kanina lang kami nagkita ulit pero sa way ng tingin na ibinabaon niya sa akin, hindi ko maiwasang mag-isip ng mga bagay-bagay.

Ayoko pang mapalayas. Kung sakaling palayasin niya ako, gusto ko iyong may mahanap muna akong trabaho para may maipang-upa ako at maipangkain. Alam ko na ang kapal ng mukha ko para umiwas sa kaniya gayong pamilya niya ang may ari nitong bahay pero wala naman akong choice, eh. Kapag hinarap ko siya, malaman ay marinig ko ang mga katagang lumayas ka rito mula sa bibig niya. Kahit pa sabihing matagal nang naninilbihan sina Lola sa pamilya niya, kung ayaw niya naman sa akin, wala akong magagawa.

"Hindi pa pala ako nakakapaglinis." Nasapo ko ang noo ko saka ko ibinagsak ang sarili ko sa kama. "Paano iyan?" Nang tignan ko ang wall clock na nakasabit sa tabi ng aparador sa kaliwang bahagi ng kwarto, nakita kong 7PM pa lang.

Ang sabi ni Travis, gusto niya akong makausap at gusto niyang katukin ko siya mamayang 12AM. Hindi ko maintindihan kung bakit alanganing oras pa kung puwede namang ngayon. Hindi sa gusto ko siyang makausap ngayon kasi ayoko talaga. Nakakapagtaka lang kasi ang gusto niyang oras para mag-usap kami.

Hindi kaya may balak siyang masama sa akin?

Napabangon ako mula sa pagkakahiga saka ko iniling ng paulit-ulit ang ulo ko para maiwaksi ang pag-iisip na iyon. Imposible kasi ang naisip ko. Hindi ako kagusto-gusto at kahit sabihin ng iba na maganda ako, hindi ako naniniwala kasi nakikita ko ang itsura ko araw-araw. Hindi ako iyong tipo ng babae na puwedeng ibandera; ako iyong tipo ng babae na dapat laging ibinubulsa. At saka, sa itsura ni Travis, parang model ang dapat itinatabi sa kaniya.

Call Me Daddy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon