15

1.5K 28 0
                                    

Nara

Maaga akong nagising kinabukasan at pagkamulat na pagkamulat ng mga mata ko, dila ko kaagad ang pinakiramdaman ko. Dali-dali akong bumangon mula sa pagkakahiga at tinalon ang distansiya ng kama at salamin na nakasabit sa gilid ng kwarto.

Inilabas ko ang dila ko saka ko ito ininspeksyon. Tulad ng inaasahan, wala itong butas at hindi rin nagdurugo ang bibig ko dala nito. Ang nakakapagtaka lang ay kung bakit nararamdaman ko pa rin ang pinagsaluhan namin ng nilalang na iyon.

Siguro nga nababaliw na ako dahil sa mga nangyayari sa akin tapos ay dumagdag pa ang panaginip na iyon.

Pinakiramdaman ko rin ang sarili ko dahil kahapon lang ay sobrang sakit ng ulo ko, na nauwi pa sa puntong hindi ako makapaglakad mag-isa. Mukhang wala naman na ang sakit na iyon. Medyo natakot lang ako dahil sa pag-aakalang may malubha akong sakit.

"Lola," pagkuha ko sa atensyon nito nang makita ko itong may binabasang diyaryo habang nakaupo sa harap ng lamesa sa kusina. Lumingon naman ito saka ako binigyan ng matamis na ngiti. "Magandang umaga po."

Tumayo siya saka ko nilapitan matapos itiklop ang hawak na diyaryo. "Kumusta naman ang pakiramdam mo? Hindi na ba sumasakit ang ulo mo?"

"Maayos na po ako. Huwag na po kayo mag-alala." Inilibot ko ang paningin ko dahil wala si Lolo na madalas kasa-kasama ni Lola kapag ganitong oras. "Nasaan po si Lolo?"

"Nako. Iyang lolo mo." Nakangiti siyang umiling saka ako hinawakan sa pisngi. "Magdamag gising kagabi dala ng pag-aalala sa iyo. Kung matulog man ay saglit at paputol-putol pa kaya pinilit ko na matulog muna."

Tumango ako bilang sagot saka ko hinawakan ang kamay niyang nakahawak pa rin sa pisngi ko saka ko ito ibinaba. "Si... Travis po?"

"Tulog na tulog rin. Mukhang naging abala kagabi sa pakikipag-usap masyado sa mga kaibigan niya. Nakatulog na nga lang ako nang hindi pa siya umuuwi."

Sinamahan niya muna akong kumain bago ako nag-ayos para pumasok. Nakaalis na lang ako't lahat, hindi pa rin lumalabas sa kuwarto sina Lolo at Travis kaya hindi na ako nakapagpaalam. Naging mabilis rin ang oras. Wala namang bago o kakaiba na nangyari sa school kaya matapos ko magbanyo ay iniwan ko na ang mga kaibigan ko na na busy sa pag-me-makeup. Tinanong ko nga kung bakit nag-aayos pa sila kung pauwi lang rin naman. Ang sabi lang nila ay may lakad sila kaya hindi na ako nagtanong pa't nagpaalam na lang.

Nakangiti ako habang naglalakad sa corridor. Binilihan kasi ako ni Francine ng Choco Baby dahil sa ginawa niyang kalokohan, na hanggang ngayon ay hindi ko alam kung anong klase ng kalokohan ba iyon. Binungaran niya kasi ako ng sorry pagkakitang-pagkakita sa akin nang makarating ako sa room namin. Natatandaan kong pinadalahan niya ako ng link pero ang laman nito ang hindi ko maalala. Tinanong ko naman siya kung ano ito pero mas mabuti na raw na hindi ko naaalala. Hindi ko naman na inintindi dahil kung nakalimutan ko ito, malamang ay wala lang ito.

Call me daddy.

Bigla akong napahinto dahil sa boses na bigla kong naalala. Tumingin pa nga ako sa paligid para lang siguraduhin na hindi ako pinaglalaruan ng isipan ko. Wala namang katao-tao na sa corrider at sa palapag na ito, ang kwarto na may mga estudyante na lang ay ang sa pinakadulo pa. Pumunta ako sa railing at tumingin sa langit. Malapit na rin dumilim dahil alas sais na.

Umihip ang malamig na simoy ng hangin kaya hinawi ko ang buhok ko't inipit ito sa likod ng tenga ko saka ako pumikit para alalahin kung ano ba ang nangyari noong araw na iyon. Wala kasi ako maalalang kakaiba.

At bakit bigla ko na lang narinig ang boses ni Travis habang sinasabi ang mga katagang call me daddy? Hindi ko maintindihan at wala talaga akong maalala.

Call Me Daddy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon