38

687 20 2
                                    

Nara

"I did it again..." umiiyak na sinabi ni Travis habang tinignan ang mga kamay niya. "I did it again..." Puno ng pagsisisi ang mukha niya at para bang hindi niya lubos maisip na nagawa niya ang bagay na iyon.

"Travis..." Parang binugbog ang buong katawan ko pagkagising ko. Itinukod ko ang mga palad ko sa kama at iniangat ang sarili ko. "I-Ikaw na ba iyan?" paninigurado ko dahil sa takot na baka si Chuckie pa rin ito. Pero imposibleng makalabas ang nilalang na iyon sa astral plane.

Tinignan niya ako at halos madurog ang puso ko dahil sa nakikita ko. Basang-basa na ang mukha niya gawa ng luha. Hindi ko lubos akalain na makikita ko siya sa ganitong lagay. Ang hindi ko maintindihan sa kaniya ay kung bakit bigla siyang magtatago at ipapalit ang alter ego niya tapos pagsisisihan niya.

"I-I'm sorry, Nara." Tinalikuran niya ako't tumayo para lumabas pero hinawakan ko siya sa kamay kahit na sobrang sakit ng katawan ko.

Pilit kong iniinda ang pagkirot ng bawat parte na kinagat ni Chuckie habang ginagalaw ako nito. Hindi man kita ang sugat dahil sa astral plane ko ito nakuha, ramdam na ramdam ko pa rin ang sakit ng mga ito.

"Huwag kang umalis. Please. Mag-usap tayo." Nagsimula rin magtubig ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya.

Natakot ako nang tumayo siya. Bilang pumasok sa isip ko na baka matulad ako kay Daniella, na matapos niya galawin ay biglang maglalayas. Hindi ko alam ang kabuuan pero sapat ang kaalaman ko para masabi ko na ganuon ang ginawa niya sa babaeng iyon. Mahal niya nga iyon, nagawa niya ang bagay na iyon at nakuha pa niyang magtago. Ano pa kaya akong parausan niya lang? Pero ang nonsense ng iniisip ko dahil hindi naman siya mag-be-break down kung wala akong halaga sa kaniya at hindi niya pinagsisisihan ang ginawa niya.

Pinakalma muna namin ang sarili namin at nang kalmado na kami kahit papaano, hinila ko siya patabi sa akin sa pagkakasandal sa headboard. Mga ilang minuto pa kaming tahimik, nagpapakiramdaman kung sino ang unang babasag sa katahimikan.

Hindi madali ang nangyayari ngayon pero kung ano ang kalalabasan ng pag-uusap namin na ito, tatanggapin ko ng buong puso. Kahit nga siguro makipaghiwalay, tatanggapin ko rin kaagad. Iyon naman ang nasa isip ko simula nang kausapin kami ng mga magulang niya. Kapag umalis na siya rito, alam ko na ibig sabihin rin nuon ay hiwalay na kami. Hindi kasi nagustuhan ng mga magulang niya na idinagdag niya lang ako sa mga babae niya.

Pero ang mga babaeng tinutukoy kaya ng mga magulang niya ay ang mga biktima niya? Kung oo, hindi ba sila nagtataka na namamatay ang mga naging girlfriend ng anak nila?

"I'm sorry..." panimula niya.

Umalis ako sa pagkakasandal saka lumipat ng pagkakaupo sa harap niya. "Alam mo iyong ginawa mo pero sana hindi maglayas." mahinang pakiusap ko saka ko hinawakan ang kamay niya. Nanginginig ito kaya binawi niya rin. "Alam ko rin na mo na masasaktan ang pamilya mo kapag ginawa mo iyon so please, Travis, do us all a favor at huwag kang lumayas ulit."

"B-Bakit ang bait mo pa rin? N-Nara, I raped you. If anything, I deserve your hate, your punches, slaps, verbally assault me – I don't care what you do to me. I don't need your kindness right now. I violated you and for fuck's sake, I stole our life. You're about to die and you still treat me like that?"

"Kasi mahal kita. Hindi ba puwedeng rason—"

"No, Nara. What I want you to feel is hate me."

"Pero—"

"Tangina naman, Nara! Mamamatay ka na nang dahil sa akin!" Naisuklay niya ang dalawang kamay niya sa buhok niya dala ng galit sa sarili at ang tingin niya ay ibinaba niya. "Why didn't Mago stop me?! Why didn't Jarred save you?! Tangina! They know how important you are to me so why didn't they come?!"

Call Me Daddy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon