42

723 20 0
                                    

Nara

Halos walang mapaglagyan ang saya sa dibdib ko. Pakiramdam ko, mamamatay na ako bukas kaya todo-todo ang sayang nararamdaman ko ngayon. Totoo na may mga bagay na iniisip ako dahil concerned ako sa mga ito pero kapag ibinabalik niya ang hawak sa hita ko, nawawala ang pag-aalala ko.

Pinakain niya sa akin iyong mga laman ng bucket habang bumabyahe kami. Halata rin na masaya siya dahil kahit walang music ay nag-ha-hum siya habang nakangiti.

"I missed you, Love." Tinapunan niya ako ng saglit na tingin bago ibinalik ang tingin sa daan.

Nakakahiya kasi may manok na nakapasak sa bibig ko tapos tinignan niya ako ng ganuon. Kahit saglit ang tingin na iyon, parang sinasabi nito na napakaimportante ko. Naibalik ko tuloy ang piraso ng drumstick sa bucket.

Pero masaya ako.

"Yeah. Ako rin."

"Do you still want to visit Lola and Lolo?"

"Oo. Bakit naman hindi?"

"Wala lang. Napaisip lang ako kasi as to what you said, nakita mo na ang pamilya mo so that means hindi mo talaga pamilya sina Lolo."

"Sa pagiging blood related lang ba nasusukat ang pagiging pamilya? As long as you love them, you can still consider them as a family."

"I'm getting turned on. Nag-e-English ka kasi."

"Baliw."

Kinuha niya ang kamay ko saka ito dinala sa harap ng labi niya. Tinaniman niya ito ng maliit na halik saka ako nginitian. "I really missed you."

"Ilang araw pa lang tayo hindi nagkikita, grabe na kaagad pagka-miss mo sa akin? Ang tindi mo rin lumandi, ano?"

"Malandi na kung malandi. Just stating the truth." Nakangiting napailing na lang ako saka ako bumitaw sa hawak niya. "Hey. I'm not yet done kissing that."

"May kamay ka. Iyan ang i-kiss mo." Ngumisi siya saka sinunod ang sinabi ko. Kumuha ako ng balat sa bucket saka ito itinapat sa bibig niya.

"Thanks, Love." pasasalamat niya habang ngumunguya.

Ito iyong gusto ko sa mga moment na nangyayari sa amin. I love being intimate with him pero walang tatalo sa ganito, iyong chill lang habang kumakain kami at masayang nag-uusap. There's something about it that makes me want to fall deeper into him.

Nagtaka ako nang makarating kami sa tapat ng condo na tinutuluyan namin. Tinanong ko siya kung dito ba kami mag-de-date pero hindi siya sumagot at ngumiti lang. Lumapit siya sa sofa at inilapag niya ang mga bitbit na gamit tapos hinawakan niya ako sa kamay at pinaupo sa tabi ng bag niya.

Kumabog ng mabilis ang dibidb ko nang iniangat niya ang palad niya para mailapat sa noo ko. Umiwas ako't umatras habang nakatingin sa kaniya ng may pagtataka. "A-anong gagawin mo?"

"Love, do you trust me?"

"Malaki tiwala ko sa iyo pero pagdating sa bagay na iyan? No."

"I understand. But I won't hurt you so will you trust me with this?"

"What if makita ko si Chuckie?"

"Don't worry about him. Ako mismo pupunta sa astral plane and I can contain him so there's nothing to be scared of."

"Promise?"

Imbis na sagutin ay hinalikan niya ako ng ilang Segundo bago kumalas. "Chicken kiss?"

"Sino ba nagpakain sa akin ng chicken?" Inirapan ko siya habang nakangisi. Akmang titingin ako sa ibang direksyon pero hinawakan niya ako sa pisngi para maiharap sa kaniya.

Call Me Daddy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon