Nara
Ilang beses naulit ang pag-iisa namin hanggang sa makatuntong ako sa huling taon ng pag-aaral ko. Hanggang ngayon ay pinag-aaral pa rin ako ng pamilya ni Travis at malaki ang pasasalamat ko sa kanila dahil kahit pagod na pagod na ako, kahit hindi ko pa alam kung anong gusto ko sa buhay, ay tinatapos ko pa rin ang pag-aaral ko.
Mali pala. May isang bagay akong nasa isip na gusto ko sa buhay. Si Travis.
Tandang-tanda ko noong gabing iyon kung paano niya ako pinatay gamit lang ang isang salita. Malaki naman ang pasasalamat ko dahil hindi niya na ginawa ang bagay na iyon sa ilang beses na pagtatalik namin. Siguro, iniisip niya pero hangga't hindi lumalabas sa bibig niya, ayos na sa akin iyon.
Pinangatawanan ko na nga sa sarili ko na wala akong silbi. Heto ako't nagpapagamit sa lalakeng hindi makuhang tignan ako bilang isang babae na puwedeng makasama sa pagtanda. Siguro ganuon lang talaga, ano? Kapag nagmahal, sa araw-araw, pabobo ka nang pabobo. Kahit kasi alam mong walang mangyayari sa mga pinaggagagawa mo para lang subukang patinginin ang taong mahal mo sa direksyon mo, ginagawa mo pa rin.
Wala, eh. Masaya ka na kasi sa tuwing ngumingiti siya kahit na nagmumukha ka nang tanga. Ayos lang sa iyo kahit na ang kapalit ng ngiti niya ay luha mo. Tangang-tanga ka na kasi.
Iyana ng paulit-ulit na sinasabi ko sa sarili ko sa tuwing gumagawa kami ng makamundong bagay na lalakeng iyon. Pilit ko na lang ibinabaon sa isip ko na at least, napapasaya ko ang lalakeng nagpapasaya sa akin.
Heto kami ngayon, nakahiga sa kama niya, kapwa wala ni-isang saplot na suot. Nakaunan lang ako sa dibdib niya habang siya naman ay nakatingin lang sa kisame. Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya dahil may mga bagay akong gusto malaman.
Pakiramdam ko kasi, hindi patas na parang siya na lang ang nag-be-benefit sa setup namin. Alam kong malaki ang posibilidad na ang babaeng iyon ang iniisip niya sa tuwing magtatalik kami kaya siguro naman, may karapatan akong magtanong ng mga bagay-bagay.
Sa kagustuhan ko siyang makilala, maraming tanong ako na ikinimkim. Balak ko nga sanang magtanong ng maraming bagay sa kaniya tungkol sa sarili niya noong unang gabi naming nagtalik pero dahil sa namutawi sa bibig niya, mas pinili ko na lang na tumahimik. Sampal kasi ito sa akin na mahal niya pa rin ang babaeng iyon at parang tinanggalan niya ako ng karapatang magtanong dahil hindi niya naman ako gusto.
"Travis?" bulong ko habang nakabaon pa rin ang mukha ko sa dibdib niya, pinakikiramdaman ang init na nagmumula sa kaniya.
"Yeah?" Mukhang inialis niya ang braso sa pagkakaunan niya rito dahil naramdaman ko ang paghawak ng kamay niya sa braso ko para mas mailapit pa lalo ako sa kaniya.
"Matagal ko na kasing... gusto itanong sa iyo ito."
"Ano ba iyon?" Pumihit siya paharap sa akin saka ako niyakap. Ibinaon niya ang mukha sa tuktok ng ulo ko saka ito nilaro gamit ang ilong niya.
Tumahimik muna ako't inisip kung itutuloy ko ba ang pagtatanong sa kaniya. Gusto ko muna itanong kasi sa ngayon kung ano bang mayroon kami at kung mahal niya pa rin baa ng asawa ng kuya niya pero sa tingin ko kasi, kapag tinanong ko siya tungkol sa lovelife niya, magkakaruon siya ng ideya na may gusto ako sa kaniya.
Napamulat ako nang bigla akong may naisip pero ipinikit ko muli ang mga mata ko at hinanda ang sarili ko sa isasagot niya. "May... May nagugustuhan ka na ba?" Matapos ko itanong ang bagay na iyon, kinagat ko ang ibabang labi ko. Pakiramdam ko naman, ligtas ang tanong ko na iyan at hindi mabubunyag ang nararamdaman ko para sa kaniya.
Pero sa mga pagpayag ko sa mga gusto niyang gawin ko sa tuwing mag-iisa kami, hindi pa ba niya nahahalata ang nararamdaman ko? Sa tingin ko kasi, sobrang kamanhiran na ang mayroon siya kung wala siya ni katiting na ideya.
BINABASA MO ANG
Call Me Daddy (Completed)
RomanceNi minsan, hindi pinangarap ni Nara na magkaroon ng love life dahil isa lang naman ang gusyo niya; ang tahimik na buhay pero nagbago ang mga iyon dahil sa isang tao. Nabuhay siya sa magulong pamilya at hindi nakatulong ang mga ito sa mga pinagdaraan...
