Nara
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko kaya hanggang ngayon, nakatitig pa rin siya sa akin dahil naghihintay siya ng sagot. Ayos na sana ang lahat kasi tinanong niya ako kung puwede ko ba siya maging boyfriend pero dinagdagan niya pa ng daddy.
Alam kong fetish niya iyon pero nakakailang at sobrang awkward! Ayokong isipin na ama ko ang katalik ko!
Bihira ako magalit at ngayon, sa isang tanong lang na binitawan niya, parang gusto ko pumatay ng tao, specifically, itong lalake na nakangiti sa harap ko.
Tinalikuran ko siya't nauna akong lumabas ng mall. Wala pa iyong bus na kailangan sakyan para makarating sa sakayan ng jeep kaya naghanap ako ng taxi. Good thing naman at mayroong iilan na naghihintay sa tapat lang rin.
"Nara!"
Hindi ko siya nilingon dahil kumukulo pa rin ang dugo ko sa kaniya. Pinuntahan ko ang naghihintay na taxi saka ako pumasok rito. Hindi ko isinara ang pintuan dahil alam kong susunod rin siya at tama nga ako, pagkaupong-pagkaupo ko, pumasok siya't inilagay sa gilid niya ang bitbit saka isinara ang pintuan.
"Bakit tayo nag-taxi?" tanong niya.
Pambihira. Nakapasok na siya, tinanong niya pa.
"Basta."
"Hindi mo ba gusto mag-commute? Mas makakapagbond pa tayo in that way."
Hindi ko siya pinansin. Sinabi ko na lang sa driver ang destinasyon namin saka ko hinablot ang bag niya. Kinuha ko rito ang cell phone ko saka ko tinawagan ang landline sa bahay. "Lola, pauwi na po kami." bungad ko matapos ito sagutin ni Lola.
"Nasaan na ba kayo?"
"Nasa mall po. Pero pauwi na kami."
Nagpaalam rin kaagad ako saka ko pinatay ang tawag at tumingin sa bintana. Ayokong tignan si Travis dahil baka kung ano lang ang lumabas sa bibig ko. Alam ko kasi na mahina akong babae, na sobrang hinhin ko pero kapag galit na kasi ako, hindi ko na napipigian kung anong lumabas sa bibig ko. Wala nang filter o ano.
"Nara? Galit ka ba?"
"Hindi, Travis! Hindi ako galit! Masayang-masaya ako!" sarkastikong isinigaw ko kaya pati ang driver sa unahan, nagulat. "Huwag tayo mag-usap rito! Maghintay ka hanggang makarating sa bahay!"
"Pero, Nara--"
Naiyukom ko ang mga kamay ko saka ko siya tinignan ng masama. "Puwede bang magtigil ka, daddy." gigil na sinabi ko saka ko ibinaling ang tingin sa bintana.
Tumahimik siya habang nasa biyahe. Alam kong nangangati siya kausapin ako pero itinuon na lang niya ang atensyon sa cell phone niya. Mas maigi na iyon dahil gustong-gusto ko na siyang kumprontahin dahil sa tinanong niya kanina at ayoko namang marinig pa ng driver iyon.
Hindi lang kasi ako makapaniwala na gusto niya maging kami para lang maikama ulit ako. Bakit? Katawan ko lang ba ang habol niya sa akin? Dapat siguro, hindi na ako mahiyang kumain ng marami sa bahay at magpakataba na ako para hindi na siya magnasa sa akin, eh.
I'm sorry for the word pero ganuon na ba siya katigang para iyon kaagad ang itanong niya sa akin gayong kakaayos lang namin. Pero teka nga. Nagkaayos nga ba kami? Ang alam ko lang, nagkasiyahan kami at nakapag-usap na ulit na parang normal pero nakapag-sorry na ba siya sa ginawa niyang pangalalamig sa akin? Edi technically, hindi pa kami ayos. Maarte na kung maarte pero gigil na gigil ako ngayon dahil hindi nakakatuwa ang sinabi niya.
Can I call him daddy again? Iyon ang tanong niya kanina. Bakit hindi niya ako tanungin kung gusto ko ba siya tawaging gago dahil iyon ang tingin ko sa kaniya ngayon.
BINABASA MO ANG
Call Me Daddy (Completed)
RomanceNi minsan, hindi pinangarap ni Nara na magkaroon ng love life dahil isa lang naman ang gusyo niya; ang tahimik na buhay pero nagbago ang mga iyon dahil sa isang tao. Nabuhay siya sa magulong pamilya at hindi nakatulong ang mga ito sa mga pinagdaraan...