Nara
Hindi ko na pinapasok pa si Nathan sa building dahil ayokong magkita sila ni Travis. Saktong pagkapindot ko sa doorbell sa gilid ng pintuan, biglang nagring ang cell phone ko. Inipit ko muna sa tagiliran ang hawak kong folder ng mga credentials ko saka ko hinugot at tinignan kung sino ang tumatawag.
"Si Mrs. Eru?" Nagtaka man kung bakit ito napatawag, sinagot ko pa rin. "Hello po. Good afternoon."
"Hi, Nara. Nandyan ba si Travis?"
"Galing po ako sa labas at hinihintay siya ngayon na buksan itong pinto. Bakit po pala? Hindi niyo po ba siya ma-contact?"
"Yeah. Sinusubukan namin siyang kontakin pero hindi niya sinasagot ang cell phone niya. Kahapon pa ito kaya nag-aalala na kami."
"Sige po. Sasabihin ko sa kaniya na tumatawag kayo."
"Nako. Sa tigas ng ulo ng lalakeng iyan, baka hindi kami tawagan kahit sabihin mo. Can we just go there?"
"Hindi pa po ba sinasabi ni Travis sa iniyo ang address?" Napatingin ako sa peephole dahil hanggang ngayon, hindi pa rin binubuksan ni Travis ang pintuan. Nag-doorbell ulit ako at kinatok na ito pero wala pa rin. "Hindi pa rin po niya binubuksan ang pintuan."
"We keep on asking but he's not telling us. Can you just tell us, Nara? Nag-aalala na kami. I know he's safe and all plus kasama ka niya kaya hindi kami dapat mag-alala pero hindi naman maiaalis sa amin iyon bilang magulang kasi dalawang araw na kami ini-ignore ng anak namin. Gusto ko na nga sabihin sa mga kapatid niya pero baka naman magalit siya."
"Ganuon po ba?" Sumandal ako saglit sa pader para mag-isip. Hindi ko kasi alam kung bakit hindi pa ipinapaalam ni Travis sa mga magulang niya kung saan kami naninirahan ngayon pero hindi naman siguro masama, hindi ba? "I-te-text ko na lang po iyong address. Nasa isang condo unit po kami."
"The building's name is enough."
"Sa Sapphire po."
"Thank you so much, Nara! Sige na. I have to go. Malapit lang kami riyan. Kita na lang tayo in a bit. Pupunta na kami diyan."
Ibinaba niya na ang tawag nang makapagpaalam na ako at ipinagpatuloy ko ang paghihintay sa boyfriend ko. Hindi pa rin kasi nito binubuksan ang pintuan. Sinubukan ko rin siyang tawagan pero ring lang nang ring ang cell phone niya. Pati tuloy ako, nag-aalala.
Hindi sana ako mamomroblema kung hindi ko lang naiwan ang spare key ng unit. Tinignan ko ulit ang cell phone ko pero wala akong na-re-receive na ano mang text o tawag sa kaniya. Umabot na ng halos kahalating oras, wala pa rin siya kaya ang ginawa ko, naupo ako sa sulok at pumikit. Nag-astral walk ako't tinignan ang natutulog na pisikal kong katawan.
At dahil wala sa akin ngayon ang proteksyon, pumasok ako sa unit. Dumiretso ako sa kwarto para kuhanin ang proteksyon at para na rin tignan kung natutulog ba si Travis pero iba ang bumungad sa akin pagkatagos ko sa pintuan.
May dalawang katawan ng babae na nakahiga na sa sahig. May malalalim na mga sugat ang bawat braso at hita ng mga ito. Iyong isa nga ay pati mukha, puro dugo na rin. Napatigil ako sa paghinga nang humalinhing ang isang babae sa ibabaw ng kama na tinatrabaho ng boyfriend ko.
Nakaramdam ako ng takot dahil sa itsura niya. Matagal-tagal ko na rin siyang hindi nakikita bilang Chuckie dahil pinagbabawalan niya na talaga ako tumuntong sa astral plane kasi delikado para sa akin. Hindi ko alam kung anong dapat ko maramdaman sa nakikita ko ngayon. Halo-halong takot, sakit at galit ang kasi ang unti-unting kumakain sa akin.
Lahat sila ay walang saplot habang pulang-pula na ang kama gawa ng dugo. Ang babaeng tinatrabaho niya ngayon, puno ng sugat ang mukha. May ilang parte rin ang mukha nito na walang balat pero hindi pa rin magawang bumitaw sa pagkakayakap sa nilalang na pumapatay sa kaniya. Paulit-ulit pa rin itong nagmamakaawa na huwag tumigil kahit na halos patayin na siya sa sobrang rahas kumilos ng katalik nito.
BINABASA MO ANG
Call Me Daddy (Completed)
RomanceNi minsan, hindi pinangarap ni Nara na magkaroon ng love life dahil isa lang naman ang gusyo niya; ang tahimik na buhay pero nagbago ang mga iyon dahil sa isang tao. Nabuhay siya sa magulong pamilya at hindi nakatulong ang mga ito sa mga pinagdaraan...