Nara
Hindi ko maiwasang mapangiti habang dinarama ang pagtama ng preskong hangin sa mukha ko. Tinatangay rin nito ang buhok ko dahil hanggang ngayon ay nakadungaw pa rin ako sa bintana.
Binabagtas namin ni Travis ang daan papunta sa kinaroroonan nina Lola. Gusto kasing bisitahin ng pamilya ko ang mga ito para mapasalamatan sa pagkupkop sa akin. Ang sabi ko nga, kahit hindi na sila sumama pero nagpumilit sila.
Ginusto rin ng magkakapatid na Eru na matuloy ito dahil gusto nilang magbakasyon at makaalis sa polusyon ng Maynila. Pumayag naman ang mga magulang nila kaya dalawang pamilya ang pupunta ruon, sa akin at ang kay Travis.
Alam na rin nina Mama ang namamagitan sa amin ni Travis. Masaya sila para sa akin dahil halata naman raw na mahal ako nito at masaya ako rito kaya susuportahan daw nila kami. Umamin kasi ako na boyfriend ko ito nang makuha na namin ang resulta ng DNA test result. At tulad ng inaasahan naming lahat, positive na kadugo ko sila.
Kasama namin sina Kuya Dane, Daniella, Izzy, Gabriel at Andrew na boyfriend nito sa van na sinasakyan namin ni Travis habang ang mga pamilya naman namin ay gamit ang van ni Sir Uno. Apparently, magkakakilala ang mga pamilya namin dahil sa pagiging close ng magkakapatid na Eru at ni Daniella.
Nakakamangha lang na naging malalapit na magkakaibigan ang mga magulang namin dahil sa pagkakaibigan nila.
Si Kuya Dane ang driver namin at papalit na lang si Travis kapag napagod na. Nakakatuwa nga silang tignan ng kapatid ko dahil panay ang ungot nito, na gutom na raw kaya subuan siya ng kinakain ni Daniella na snacks. Kung hindi pa kami ni Travis, siguro maiinggit ako sa kanila.
"Ang lalandi niyo!" reklamo ni Izzy dahil siya lang ang walang ka-partner. Hindi kasi puwede makita si Mago nina Gabriel at Andrew dahil hindi nila kilala ito at mga normal na tao sila.
"Kawawa ka naman." pang-aasar ni Gabriel mula sa likuran saka ginulo ang buhok nito. "Pangit ka kasi." Sa likuran kasi sila nakaupo ng boyfriend niya habang nasa gitna naman kaming tatlo nina Izzy at Travis. Sa magkabilang bintana kami ni Izzy habang nasa gitna namin ang boyfriend ko.
"Babe, huwag ka malikot. Baka mahilo ka." suway ni Andrew.
"Sana hindi ko na kayo shinip!"
Napuno ng tawanan ang sasakyan dahil sa sinabi ni Izzy. Mukhang normal lang sa kanila ang ganito kaya pati ako, nahahawa sa saya nila.
Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Travis sa kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya. Nakangiting nakatingin siya sa akin saka iniangat ang isa niyang kamay para iipit sa tenga ko ang buhok na tumatabing sa mukha ko.
"Having fun?"
"Siyempre kasama ko kayo tapos pupuntahan pa natin sina Lola."
"Excited ka na?" Dinala niya ang kamay ko sa tapat ng bibig niya saka niya ito tinaniman ng halik.
"Yuuuuuuuccckkkk!"
Nagulat ako nang umilag si Travis kaya nasangga ng balikat niya ang balikat ko. Nang tignan ko ang paligid, lahat sila nakatingin kay Travis na parang diring-diri sa ginawa nito. Si Daniella nga, nakaluhod na sa upuan niya habang nakahawaka sa sandalan para lang makita niya kami.
"Manahimik nga kayo!" Hinablot niya ang throw pillow sa kandungan ni Izzy saka ito ibinato rito bago niya kinuha ulit para batuhin paisa-isa sina Daniella, Gabriel at Andrew.
"Yuuuuuuuccckkkk!"
"Nasusuka ako! Oh my gosh!" Umaktong nasusuka si Izzy saka ibinaba ang bintana sa side niya.
Nagsabay-sabay na naman sila sa pagsigaw habang sinasabi kung gaano kakadiri si Travis, gaano kalandi at kung gaano ka-cheesy. Ako? Heto, bumitaw sa kaniya para takpan ang mukha ko dahil sa matinding hiya.
BINABASA MO ANG
Call Me Daddy (Completed)
RomanceNi minsan, hindi pinangarap ni Nara na magkaroon ng love life dahil isa lang naman ang gusyo niya; ang tahimik na buhay pero nagbago ang mga iyon dahil sa isang tao. Nabuhay siya sa magulong pamilya at hindi nakatulong ang mga ito sa mga pinagdaraan...