Nara
Napatingin sa taong naglagay ng tubig sa harap ko. Nagtama ang mga mata namin at sabay pa yata kaming nag-iwas ng tingin. "Salamat." pabulong na pasasalamat ko sana tumutok sa laptop sa harap ko.
"Hmm." tugon niya na may kasamang isang tango. Hindi na siya nagsalita't umupo lang sa dulo ng sofa na inuupuan ko saka itinaas ang mga paa sa center table. Humina rin ang TV sa unahan namin kaya hindi ko mapigilang mapangiti ng patago.
Paglalagay ng tubig kapag nag-aaral ako. Paghina ng TV na puwedeng maka-istorbo sa akin. Pagluluto ng pagkain kapag alam na marami akong ginagawa. Pagtulong kina Lola kapag hindi ko nagagawa ang mga kailangan ko gawin dahil may iba akong kailangan asikasuhin.
Iilan lang iyan sa mga napapansin ko nitong mga nakalipas an araw. Hindi ko alam kung bakit bigla nagbago ang pakikitungo niya sa akin. Kinabukasan matapos ang gabing nagpaalam siya kina Lola na makikipagkita sa mga kaibigan niya, napansin ko ang mga pagbabagong nangyayari sa kaniya.
Noong may hindi kami pagkakaunawaan, hindi niya talaga ako pinapansin. Magkita man kami sa labas, tatanguan niya lang ako. Ngayon, pakiramdam ko, ang mga ginagawa niyang ito ay para bang katumbas ng salitang sorry.
Hindi ko alam kung anong sinabi sa kaniya ng mga kaibigan niya kaya siya nagkaganito pero masaya ako na umalis siya noong gabi na iyon.
Habang tinitignan ko ang moist sa baso ng malamig na tubig na inilagay niya sa tabi ng laptop na ginagamit ko, umubo siya kaya napatingin ako sa kaniya. Nakatutok siya sa TV at ang kamay niyang ginamit niya para takpan ang bibig ay inihawak niya sa dulo ng bangs niya.
"Ayos ka lang?" tanong ko sa kaniya saka ko itinigil ang pagtipa. "Gusto mo ba na ikuha kita ng gamot sa ubo?"
"Are you wondering why Lola Tes ignores you?"
"Oo. May nasabi ba siya?" Pilit kong hindi pinalalabas ang ngiti ko dahil kailangan ay magmukha akong bothered dahil nga hindi ako pinapansin ni Lola simula kaninang umaga. Masaya lang ako kasi kinakausap niya na ulit ako. Ang hindi ko nga lang alam ay kung magtatagal ito.
"Hindi niya raw tayo papansinin hangga't hindi tayo nagkakaayos."
"Ah." Hinubad ko ang salamin ko saka ko isinandal ang ulo ko sa sandalan ng sofa. "So... gusto niya magkaayos tayo?"
"Hmm." Biglang nawala ang tunog ng TV. Nakikita ko pa naman itong may ipinapalabas na commercial so malamang ay naka-mute na ito.
"Nag-away ba tayo?" pabulong na tanong ko saka ko si-nave ang ginagawa ko sa laptop bago ko ito isinara.
"I think?"
Nilunok ko ang sarili kong laway saka ko siya tinignan. Diretso pa rin ang tingin niya sa TV kahit hindi niya na ito naririnig. "Gusto mo ba na kausapin ko si Lola para pansinin ka na rin niya? Iintindihin ko naman kung ayaw mo pa rin akong pansinin. Puwede tayong magpanggap na ayos tayo kapag kaharap sila."
Tumayo siya saka itinutok ang hawak na remote sa TV. Pinatay niya ito saka humarap sa akin. "Maligo ka na. I'll help you out with your project since I'll borrow your time today." Tinalikuran niya ako saka lumapit sa lamesa. Ipinatong niya lang ang remote dito saka tumakbo paakyat sa hagdan. Nang makatungtong siya sa huling baytang, tumingin sa akin. "Hurry up!" utos niya saka tumakbo ulit papunta sa kwarto niya.
Ang... cute.
Hindi ko na inisip ang project ko. Puwede ko naman itong gawin at tutulungan niya pa ako dahil iyon ang sinabi niya. Inilapag sa ibabaw ng center table ang laptop at tumayo. Nagmadali rin ako sa pag-akyat pero hindi ako gumawa ng ingay dahil kapag narinig niya ang yabag ng paa ko na tumatakbo, baka isipin niya na excited ako sa plano niya.
BINABASA MO ANG
Call Me Daddy (Completed)
RomanceNi minsan, hindi pinangarap ni Nara na magkaroon ng love life dahil isa lang naman ang gusyo niya; ang tahimik na buhay pero nagbago ang mga iyon dahil sa isang tao. Nabuhay siya sa magulong pamilya at hindi nakatulong ang mga ito sa mga pinagdaraan...