36

659 18 3
                                    

Nara

Nagising ako sa pag-ri-ring ng cell phone ko kaya nag-unat ako't bumangon. Kinuha ko ito sa tabi ko saka ko sinagot. "Sino ito?" nakapikit na tanong ko dahil inaantok pa ako. Naisuklay ko rin ang kamay sa buhok ko dahil may ilang strand na humaharang.

"Wala man lang good morning o hello diyan?" tanong ng lalake sa kabilang linya. Kailangan ko pa tignan ang screen ng cell phone ko para lang makilala ito dahil hindi ko naman tinignan kung sinong caller, sinagot ko na lang ito basta.

"Nathan? Bakit ka napatawag?"

"Oh. Ito na." Inihiga ko ang katawan ko saka ipinatong ang braso sa noo ko. "Where are you?"

Nagtaka ako dahil nagbago ang boses niya pero nang isipin ko kung sino naman ang kausap ko ngayon base sa tono ng boses, napagtanto ko na si Jasper ito. "Anong where are you ka diyan? Nasa unit ako."

"The fuck? Pumunta ka rito."

"Maaga pa." ungot ko saka ako tumagilid habang nasa tenga pa rin ang cell phone. Ipinatong ko na lang ito sa ulo ko at hinila ang kumot patakip sa katawan ko. Ang lamig.

"What do you mean maaga pa? Get in here or do you want me to drag your ass up all there way here?!"

"Wala pa naman sinasabi si Sir, ha?"

"Sir? You mean si Papa?"

"Sino pa ba boss ko?"

"Just to remind you na anak ako ng CEO and I'm going to literally accompany you and tell you everything that you have to do so that makes me your what?"

"Hindi ko alam. Alalay?"

"Putang—Alalay?! That makes me your manager!"

"Inaantok pa ako..."

"Fingeroa, if you're still in bed, get up and do your job. Hintayin mo ako. Pupunta ako diyan. Ako mismo hihila sa iyo. You better be ready once I get here."

"Figueroa—"

"Bye."

Naputol bigla ang tawag kaya inalis ko ang cell phone sa pagkakapatong sa ulo ko. Bumangon na rin ako dahil malakas ang kutob ko na kahit hindi pa ako nakakapaghanda ay kakaladkarin talaga ako ng lalakeng iyon paalis sa unit ko.

Tinignan ko ang oras sa cell phone ko, only to find out na 7 pa lang ng umaga. Inilapag ko ulit ito sa ibabaw ng kama at lumabas ng kwarto. Naabutan ko si Travis na natutulog sa sofa sa salas kaya may kumirot na naman sa dibdib ko. Sa laki niya kasing tao, pinagkakasya niya ang sarili niya sa sofa.

Alam ko na natulog ako sa isang kwarto at siya lang naman ang bubuhat sa akin papunta ruon since kami lang ang tao rito.

Na-a-appreciate ko naman iyong gesture na iyon pero bakit hindi niya ako kausapin? Ganuon ba talaga niya ako hindi gusto kausapin? Kaya niya akong ilipat mula sa sahig papunta sa kama habang natutulog pero kapag gising ako, lalayuan niya ako?

Alam kong mali ako na pinalagpas ko ang pagkakataon kahapon na magkausap kami. Siya na ang tumakbo para kausapin ako nang makita akong sumakay ng kotse. Pero kung sa ibang pagkakataon kaya? Kung sakaling sa café lang kami nagkita at hindi niya ako nakitang may kasamang iba, hahabulin niya kaya ako?

Nakaharap siya sa sandalan kaya nang pumihit siya sa kabilang side, medyo natanggal ang pagkakabalot ng kumot sa kaniya. Nang makita ko siyang walang pang-itaas, napabuga na lang ako ng hangin. Lagi ko na kasi siyang sinasabihang matulog ng nakadamit at baka magkasakit siya pero hindi pa rin nakikinig. Mahirap talaga baguhin ang nakasanayan. Sa probinsiya nga, boxer lang ang suot niya kapag natutulog.

Call Me Daddy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon